-Madi's Pov-
"Para talaga sayo yan Madi."nakangiting sabe ni Hazel. Nagkita kame dito sa cafeteria ng magbreak time.
"Naku Hazel binigyan mo na nga ako ng mga damit pati pa tong mamahaling cellphone nato kaya kahit ito lang maisoli ko sayo." Binalik lang nya sakin ang cellphone na ibinibigay nya.
"Itatapon ko lang yan kapag sinoli mo sakin yan. We're friends right? Kaya kita tinutulungan." Napakabuti nya talaga. Pero di naman ako marunong gumamit nito lalo na't touchscreen.
"Pero kase Hazel...."
"Gusto mo bang itapon ko na lang yan?"pagbabanta nya. Sayang naman kung itatapon lang.
"Di kase ako marunong gumamit nito."nahihiyang sabe ko.
"Madali lang yan gusto mo turuan kita?"kinuha nya yung paper bag na naglalaman ng cellphone at binuksan ito.
Tinuruan nya ako at agad ko namang nagets dahil hindi naman ito mahirap gamitin. Nakakatuwa,dati pangarap ko lang makabili nito at makagamit pero ngayon meron na ko."Salamat Hazel ah."
"Ano kaba maliit na bagay lang yan kaya wag kang masyadong magpasalamat."sabe nito at tinapik ako sa balikat. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang cellphone na binigay nya sakin
"Ang ganda noh?"tanong ni Hazel.
"Sobrang ganda."tuwa ko.
Maya maya napatingin kame ni Hazel sa papalapit samin.
"Paul."tawag ni Hazel.
"Hi Madi."bati sakin ni Paul.
"Hello."nakangiting bati ko.
"Kumain kana?"tanong nya sakin.
"Hindi pa."sagot ko.
"Tara? My treat." Pagaaya nito.
"Pano si Hazel?" Tanong ko habang tinitignan silang dalawa.
"Ahm Madi Kumain nako, sumama kana kay Paul kailangan ko na ring umalis.Paul? Can you help Madi?"tanong ni Hazel. Taka akong tumingin sa kanya.
Para saan?...
"Sure what is it?"tanong ni Paul.
"She need a job,may financial problems kase sya."
"Naku wag na." Halos mataranta ako sa sinabe ni Hazel.
Nakakahiya...
"Sure."tipid na sagot ni Paul.
"Okay thank you mauna nako sainyo."
nagpaalam na samin si Hazel at nauna nang lumabas ng cafeteria."Tara na?"yaya sakin ni Paul. Tumango at hinawakan na nya ang kamay ko habang papunta sa isang bakanteng table. Halos lamunin ako ng tingin ng mga istudyanteng babae dahil sa pagkakahawak ni Paul sa kamay ko. Binawi ako ang kamay ko kay Paul kaya napatingin sya sakin.
"Why?"tanong nya.
"Dimo na ko kailangang hawakan."nahihiyang sabe ko habang napapatingin sa mga taong nandito sa cafeteria.
"Tsk!Don't mind them!" Hiniwakan nya muli ang kamay ko. Dahilan para lumakas ang bulong-bulungan dito sa cafeteria.
Hayss...
YOU ARE READING
»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]
FanfictionA Simple Probinsyana who wants to study in Manila. Different from another story about Probinsyana. This story will make you feel annoying, exciting, laughing and touching. Maraming wrong grammar and english words na mababasa sa My Probinsyana Girl...