CHAPTER 1:PERFECTSCARS

89 8 0
                                    

ABI JOYCE'S POV

Andito kami ngayon sa bahay nila Harmony. Halos isang buwan na syang hindi lumalabas dito. Ayaw nya kaming harapin. Wala pa rin syang kinakausap samin. Labis na ang pag-aalala namin pero iniintindi pa rin namin sya dahil ito ang dapat.

"Joyce katok ka na dali." sabi sakin ni Patrick nang tumapat kami sa pinto ng kwarto ni Harm.

"Bakit hindi ikaw gumawa? Uutos ka pa." alam ko namang kinakabahan lang din sya. Takot sya kasi alam nyang may galit sakanya si Harmony.

"Sige na. Ikaw na kumatok. Hinahanda ko pa yung sasabihin ko sa utak ko eh." Ano to? May hinahandang speech? Napakamot ako sa ulo ko at akmang kakatok na nang biglang bumukas ang pinto at lulan nito si Zaori.

"Kanina pa ba kayo anjan? Dadalawin nyo si Harmony?" tanong nito saaming dalawa. Oo nga pala, sya ang madalas na andito at nagbabantay kay Harmony.

"Oo sana. Gusto sana namin syang makausap." Sagot ko rito kaya pinapasok na rin nya kami sa loob ng kwarto.

Nakita ko si Harmony na nakatalikod dito at nakaupo ito sa kama nya at nakaharap sa bintana.

Kung normal na araw ito, nasa sala palang kami ay sinalubong na nya kami ng yakap. Kaso hindi. Ganito na sya magmula ng ilabas sya sa ospital. Tahimik at nakatingin sa kawalan.

Lumapit na ako sakanya at narinig kong pasunod na rin si Patrick at Zaori.

"Pare pwede bang maiwan mo muna kami dito para makausap si Harmony?" Pakiusap ni Patrick kay Zaori. Dinapuan nya muna ako ng tingin bago tumango at lumabas ng kwarto.

Umupo ako sa tabi ni Harmony at pinagmasdan ito. Ang dating masiglang Harmony ay parang wala nang buhay ngayon. Malungkot ang mga mata. Medyo maputla. At hindi kumikibo. Hinaplos ko ang buhok nito para maramdaman nya ang presensya ko sa tabi nya. Hindi man lang nya nagawang lumingon.

"Hey Harm. We miss you so much. Kamusta ka na?" I'm hoping she would answer but I didn't get any response.

Lumapit na din si Patrick na matagal na ding nakatayo sa may paanan ng kama ni Harmony. Lumuhod naman ito sa tapat ni Harmony para maging kapantay ito.

"Harm." Bigkas ni Patrick at hinawakan ang isang kamay nito. Still, hindi nya pa rin ito pinansin. Tumango naman ako kay Patrick para sabihing ituloy na nya ang sasabihin nya.

"I miss you my best friend. Fairy godmother pa nga kita diba." Ngumiti ito ng may halong lungkot. Alam kong nasasaktan sya na nakikita nyang ganito na si Harmony. Lahat naman kami nasasaktan sa nangyayari sakanya. "Namimiss ko na kakulitan mo. Pasensya ka na kung nagkulang ako sayo ha. Sorry if I didn't prevent this from happening. Sorry naging pabaya akong best friend. Sorry kung nagkulang ako ng oras sayo dahil nagfocus ako sa relasyon namin ni Joyce." tumingin sya sakin at alam kong pabagsak na din ang kanyang mga luha pero pinipigilan nya ito.

"Sorry, I didn't notice you were suffering too. But I know, we all know, you're a strong lady. Kayang kaya mong lagpasan lahat ng ito. At lagi mong tatandaan na andito lang kami para sayo. This time, babantayan ka na namin at hindi ka pababayaan. We will be your shield. I myself, will protect you from any harm. I promise you that I will not leave your side. Not again my bestfriend." Alam kong ang bawat salita na sinasabi nya ay galing sa puso. Hindi ko naman ito binibigyan ng malisya dahil nagkasundo kami ni Patrick na parehas naming poprotektahan si Harmony. Mahal na mahal namin ito.

"Harm. Always remember that this Patrick in front of you, will always be your protector. I love you Harm." Tumayo na ito at hinalikan sa noo si Harmony. Lumakad ito palayo ng kaunti sa kama dahil nakita kong nangingilid na ang mga luha nito.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon