CHAPTER 48:PERFECTSCARS

16 5 0
                                    

Nandito kaming magkakaibigan ngayon sa resto nila. Nagpatawag si Atty.Esguerra ng urgent meeting daw. Nagmadali pa kaming lahat pumunta dito. Not knowing na pag-uusapan lang pala namin is about sa outing next week.

"Love, are you damn serious?! Ang daming pasyente sa hospital. Nagmadali pa akong pumunta dito dahil sa urgent mong text tapos ito lang pag-uusapan natin?" Halata kay Joyce na minadali niyang pumunta dito. She's still wearing her lab coat.

"Buti nalang nasa sunasta lang ako kanina." Prenteng nakaupo si Katrina katabi si Grace.

"Alam mo Atty.Esguerra binulabog mo ang buhay naming lahat." Gigil na saad naman ni Avery. Magkasabay silang dumating ni Jema. Attorney rin si Jema like Patrick. Sila ang madalas mag bangayan na gumagamit pa ng mga article kaya sumasakit ang ulo naming lahat sakanilang dalawa.

Agad kaming napatingin sa may entrance. Pumasok doon sina Elijah at kuya na may hard hat pa. Napasalo nalang ako sa noo ko at ganon din si Katrina.

"Anong nangyari?!" Agad na saad ni kuya ng nakalapit saamin. Halos nakatingin na saamin lahat ng costumers dito sa resto.

"Kuya, tanggalin mo muna yang hard hat sa ulo mo. Nasa resto kayo wala sa site." Tinignan ko silang pareho ni Elijah.

"Ay putcha!" Agad naman nilang tinanggal yon at nagpalinga linga pa. Ngumiti lang si kuya ng pilit bago umupo sa tabi ko.

Agad niyang kinuha ang mango juice ko at ininom ito. Napahiya kasi kaya ganyan.

"Wala namang nangyaring masama. Pinatawag lang naman tayo ng bestfriend niyong si Atty.Esguerra para iremind tayo sa outing natin next week." Saad ni Zaori bago uminom ng kape. Wala ang kambal ngayon dito. For sure, naiwan kay tita Jennifer ang mga apo niya.

"So that's it? Iniwan namin ang mga trabaho namin para lang sa paalala mo na yan?" Asar na saad ni Elijah bago umupo sa tabi ni kuya. Sumulyap pa siya saakin bago umupo.

"Harm, bakit hindi ka nagsasalita?" Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Agad kong binatukan si Patrick na nasa tabi ko ngayon. Nakayuko lang ito kanina pa dahil sa mga rants nilang lahat.

"Aray! Harm naman ang sakit non!" Hinawakan niya pa ang ulo niyang binatukan ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Nanggigigil ako sa asawa mo Joyce! Pinaka cancel ko pa yung meeting sa mga investors ko para dito. Gosh! Sayang yon. Dad, will surely get angry if he learns about this." Nanlaki rin ang mata ni kuya. Sobrang laking investor non. Nasa office na sila ng bigla kong ipacancel ang meeting.

"Anak ng tupa!" Tumayo rin si kuya para batukan si Patrick.

"Aray! Bakit ba kayo nambabatok magkapatid? Parang ang laki ng mawawala sainyo eh ang yayaman niyo na."

"Patrick." Joyce warned him. Ayaw kasi ni Joyce na sinasabi ni Patrick na "pera lang yan" "mayaman naman kayo" dahil di naman nag start sila Joyce sa pagiging mayaman. Hindi kami nagsimula na mayaman talaga dahil I myself lumaki rin ako sa hirap dahil sa mga disadvantages ng pagiging mayaman.

"Hindi naman about sa pera ang habol namin. Gusto lang namin mas lalong mapaganda ang company. Ayaw namin ni Harmony na kami ang maging dahilan ng pagbagsak non lalo na di na nagtratrabaho sina mom and dad. Excuse me." Kinuha ni kuya ang phone niya at pumasok sa office nila dito sa resto.

Tumahimik kaming lahat sa table. I feel guilty. Mas mapapansin kasi si kuya kapag di namin nakuha ang investors. Naguilty tuloy ako.

"I'm sorry." Saad ni Patrick. Hinawakan ko ang likod niya tsaka tumango.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon