CHAPTER 2:PERFECTSCARS

40 7 0
                                    

Kasalukuyan naming nasa mansyon nila Harmony, saglit na tinawag ni tito Anthony si Stephen sa office niya para siguro kausapin ito tungkol kay Katrina. Nakaupo lang ako sa may sala dahil natutulog pa daw si Harmony sa kwarto niya sabi nung nurse kanina. Nakita ko na pababa na sa hagdan si tito at Stephen kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko. Nang nasa baba na sila ay sinalubong ko sila.

"Magpakatatag ka Stephen. Bigyan mo lang ng oras si Katrina. I'm sure makakapag isip din yon ng maayos." Seryosong sabi ni tito Anthony kay Stephen at tinapik ang balikat nito.

"Thank you very much tito." Mahinahong sabi ni Stephen na agad na yumakap kay tito.

Simula ng maging kaibigan namin ni Harmony, si tito Anthony na ang tumayong papa naming magkakaibigan. Napangiti ako ng may pumasok na memorya sa isip ko.

flashback

Kasalukuyan naming nasa town house apat nila Harmony, Stephen at Patrick. Kumakain kami ng fries at umiinom ng juice habang nag kwekwentuhan ng kung anu-ano.

"Nag woworry ako kay Joyce gusto ko na siyang puntahan para ma comfort siya pero kailangan muna nating hintayin ang debut ni Harmony para hindi masira ang plano." Malungkot na saad ni Patrick habang nakasandal sa upuan niya at tinititigan lang ang pagkain niya. Isang linggo pa ang kailangan nyang hintayin para makausap si Joyce.

"Bigla ko tuloy namiss sila mama at papa. Ang lungkot kaya sa bahay. Si Katrina na nga lang nakakasama ko busy pa siya ngayon." Sabi ni Stephen na nakatingin lang sa kawalan.

"Miss ko narin mga magulang ko pero shempre kailangan nilang magtrabaho para sa kinabukasan namin ni Jane." Malungkot parin na sabi ni Patrick.

"Buti nga kayo may papa eh." Malungkot na sabi ko sakanila. Nakayuko lang ako at pinagpatuloy ang mga gusto kong sabihin sakanila. "Nagkamali ang papa ni Joyce pero handa parin siyang tumayong ama para sakanya, Kailangan nya lang ng acceptance. At kayo Stephen at Patrick nasa ibang bansa lang mga magulang niyo kaya anytime na babalik sila dito mayayakap niyo parin sila. Eh ako? Nasa langit na siya at kailanman hindi ko na siya mayayakap pa." Minsan ko lang mailabas ang nararamdaman ko kaya naman ang sarap sa pakiramdam na naaamin ko sakanila ang lahat.

Narinig kong bumuntong hininga si Harmony. Inangat ko ang tingin ko at lahat kami ay nakatingin sakanya. Isa isa nya kaming tinignan.

"Magbihis kayong tatlo. May pupuntahan tayo." Tumayo na ito at umakyat sa taas para siguro mag ayos narin.

***

Tahimik kaming lahat habang nagmamaneho si Harmony papunta kung saan man. Katabi niya si Stephen sa harap at nasa backseat naman kami ni Patrick. Walang nagsasalita saamin hanggang sa mapansin namin na nasa tapat na kami ng mansyon nila. Nauna itong bumaba at binigay ang susi kay kuya Max. Nagkatinginan kaming tatlo bago bumaba sa sasakyan nya at tinanguan lang kami ni kuya Max na nakangiti.

Nauunang naglalakad si Patrick papasok sa loob at si Stephen, nasa likod nila ako. Pag pasok sa loob ay tumambad saamin ang naka sulat na "welcome home" at nasa gilid nito ay sila tito Anthony, tita Jenny at Harmony. Nakangiti ang mga ito. Lumapit kaming tatlo sakanila na may halong pagtataka. Lumapit naman saamin si Harmony.

"Hindi ko kinakaya ang lungkot niyo kanina. Nag reflect ako sobrang swerte ko dahil may papa at mama ako. Hindi ko man sila madalas na makasama pero may pagkakataon na binibigyan nila ako ng oras para maka bonding sila. Alam ko hindi masyadong mapapawi ang lungkot sa puso niyo. Pero gusto kong ishare ang papa ko sainyo." Napatingin ako sa mga kaibigan ko na seryosong nakikinig kay Harmony. "Hindi ako magdadalawang isip na ituring din kayong mga anak ng magulang ko mas matutuwa pa ako dahil sa wakas may kapatid narin ako."

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon