CHAPTER 10:PERFECTSCARS

22 5 0
                                    

"Do you like him? I mean Zaori, do you like him?" Nabitawan ni Sharmaine ang icecream niya.

"A..ano bang sinasabi mo Lie?" Halata sa boses niya ang pagkagulat at ang kaba.

"Kaibigan narin kita Sharmaine. Magka edad lang din tayo. If you like Zaori I'm willing to reject him again for you. So ano? Do you like him?" Habang maaga pa. Mas maganda ng malinaw.

"Ano ba Lie. I....I don't like him." Sagot nito saakin at umiwas ng tingin.

"Mas maganda ng maliwanag." Sagot ko naman sakanya. Narinig namin na bumukas ang glass door dahil narin sa nakasabit dito na parang bell.

"Mukang ang lalim ng pinag-uusapan niyo ah. Sali naman kami." Singit ni Stephen at umupo sa vacant seat na katabi ni Sharmaine.

"Wala naman kaming seryosong pinag uusapan. Girls talk thing lang na bawal niyong malaman." Sabi naman ni Joyce. Tumabi na sakanya si Patrick na mukang pagod.

"Kamusta business?" Tanong naman ni ate Rizza kay Zaori na nakasandal ang ulo sa balikat ko.

"I'm tired ate." Sagot naman ni Zaori.

"Next year siguro saktong mag sesecond year kami mabubuksan na ang isa pang restaurant ate Rizza." Sabi naman ni Patrick.

"Medjo matatagalan ng konti dahil uunahin daw muna ang agency na pinapatayo nila tita Jenny at tita Jennifer." Sabi naman ni Stephen.

"That's great. So ipapasara mo naba ang moving up gift sayo ni mama na cafe? Ha Zaori?" Naramdaman kong umayos ng upo si Zaori.

"No I can still manage that cafe ate. Hindi ko pwedeng ipasara yon." Napakahalaga ng cafe na yon kay Zaori at a young age kumikita na siya ng sarili niyang pera at hindi na umaasa kay tita Jennifer pareho sila ni ate Rizza na independent.

Nagtambay lang kami sa labas hanggang sa nagkayayaan na kaming umuwi para makapag pahinga. It's a very long and tiring day for all of us.

***

Lumipas ang ilang buwan at busy kaming lahat dahil sa nalalapit na Christmas Break namin. Sa mga naka lipas na buwan na iyon halos pinagtuunan lang namin magkakaibigan ng pansin ang pag-aaral at marami naring nagbago.

Naumpisahan ng mapatayo ang restaurant na pinagipunan nila Patrick, Zaori at Stephen. Madalas silang nasa site kaya naman tatlo lang kami nila Joyce at manang Delia sa town house. Madalas na uuwi sila ng sobrang late at aalis naman kami ni Joyce ng sobrang aga kaya minsan Sunday nalang talaga ang pinaka bakante naming araw na magkakasama.

Sa mga nakalipas na buwan mas naging busy kami ni Joyce sa pag aaral dahil pahirap na ng pahirap ang mga pinag aaralan namin. Laman narin kami ng library sa kakabasa ng mga terms at kung anu-ano pa. Minsan tumatakas si Joyce sa review namin at makikipag kita kay Patrick na tatakas naman sa klase at kakain sila sa cafeteria.

Samantalang naging tahimik naman si Stephen ng malaman niyang hindi siya totoong anak ng mga Valencia. Hindi ko narin siya masyadong nakakausap dahil parang umiiwas ito saaming lahat.

Patuloy naman ang paglago ng cafe ni Zaori at ang panliligaw niya saakin consistent din. Kahit hindi kami nagkikita madalas dahil hindi mag tugma ang schedule namin at tulog na ako kapag uuwi siya sa town house. Madalas niya akong pinapadalhan ng pagkain at flowers.

At ako hindi ko inaasahan na papasukin ko ang gantong mundo.

"Ms.Lie may photoshoot po kayo mamayang 3PM." Nginitian ko lang si Kate ang personal assistant ko. Sunday ngayon at nasa office ako nila mama at tita Jennifer.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon