CHAPTER 27:PERFECTSCARS

12 5 0
                                    

Lumipas ang mga araw at December na andami naming pinagdaanan. Magtapos ng gabing nag-away kami ni Tiffany hindi ko na siya nakita. Lagi narin akong binabantayan nila Stephen tulad ng dati.

Sa mga araw na nakalipas mas lalong lumalala ang pag-aaway ni Patrick at Joyce. Minsan kapag madaling araw naririnig ko silang nag babangayan pero mas pinili ko nalang munang hindi makealam. May napapansin narin akong kakaiba kay Patrick pero hangga't walang ebidensya hindi ko siya kukomprontahin.

Lumayo saamin si Zaori hindi na muna siya umuuwi dito. Pinanindigan niya ang space na gusto niya kaya naman ibibigay ko ito sakanya. Kahit masakit. Kahit mahirap basta maging maayos siya titiisin ko lahat.

Mas naging malapit saakin si Jake dahil siya nalang ang nakakasama ko. Palaging busy si Alli at palaging wala naman si Avery.

Nag-uusap lang kami ni Elijah para kay Angel. Madalas na nasa mansion si Angel nung mga araw na nasa school ako. Kaya madalas din don si Elijah. Hindi na namin pinag-usapan ang nangyari sa charity ball. Ayoko ng pag-usapan.

Naging mabigat ang nakaraang araw para sa aming lahat. Kaya ngayong sembreak at magpapasko binalak ni Katrina na manatili ulit kaming magkakasama. Siya narin ang kumausap kay Zaori. She arrived the day before Joyce's Birthday.

"Kath sigurado ka handa kanang harapin si Stephen?" Nag-aalalang tanong ko sakanya. Nagkita na sila noon pero alam kong hindi maganda ang kinahinatnan. Kasalukuyan niyang nilalaro si Angel at pareho silang nasa backseat. Ngayon lang sila nag meet.

"It's been how many months simula nung nag usap kami. Naka move on naman na siguro kami. And I'm doing this for our friendship. Nag aalala ako sa tuwing nagchachat ka saakin ng mga hindi magandang nangyayari." Si Katrina ang naging takbuhan ko nung mga nakaraang araw. Ayokong dagdagan ang problema ni Joyce at gusto kong maramdaman nilang hindi pa ito ang katapusan naming magkakaibigan.

Nakarating kami agad sa town house. Bawat hakbang ay kinakabahan ako mas kinakabahan pa ako kay Katrina eh. Siya na ang kumatok at hawak niya si Angel sa kamay. Bumukas ang pinto at bungad nito si Stephen. Wow! Just great. Walang nagsalita sakanilang dalawa at pareho lang sila nakatingin sa isa't isa.

"Tito Stephen!" Masiglang sigaw ni Angel. At nakataas pa ang dalawang kamay na parang nagpapabuhat.

"My Hara." Masayang sagot naman nito at binuhat si Angel papasok sa loob. Tinulak ko si Katrina dahil para siyang na estatwa sa may pinto.

"Yan ang rason bat ako kinakabahan Kath." Nauna na akong pumasok at saktong pababa si Joyce sa hagdan. Nang makita niya si Angel ay agad niya itong kinuha kay Stephen. Tila hindi napansin si Katrina na kakapasok lang.

Parang bola ang anak ko na pinagpapasa pasahan nila. Sunod na bumaba si Patrick at natigilan siya ng mapatingin sa sala kung saan nakatayo si Katrina.

"Kath!" Agad siyang tumakbo at niyakap ito. Tsaka lang napatingin si Joyce sa gawi ni Kath at kahit na buhat niya si Angel ay mabilis parin siyang lumapit kay Kath para mayakap ito. Nakakatuwa silang pagmasdan na nagyayakapan.

Tumabi ako kay Stephen na parang estatwa lang sa gilid.

"Hindi mo ba lalapitan?"

"Masaya na akong bumalik siya para mabuo tayo. Wala na akong aasahang iba." Umalis si Stephen sa tabi ko at umakyat na sa second floor.

Maya-maya lang ay ang pagbaba ni Zaori. Kakauwi niya lang kaninang umaga. Nagtama ang mga mata namin pero mas pinili ko nalang na umiwas. Niyakap niya rin si Kath.

Nang gabing yon ay sabay-sabay kaming kumain magkakasama. Wala pala si nanay Delia dahil mas pinili niya munang kasama si ate Eilah.

Pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko at ang anak kong masayang kumakain katabi ng ama niya. Simula ng dumating si Angel pinapayagan na siyang pumunta dito para sa bata at umaalis din naman ito kaagad. Gusto ko rin na mabuo kaming magkakaibigan kaya isinang tabi ko nalang muna ang nakaraan.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon