CHAPTER 35:PERFECTSCARS

19 5 0
                                    

RICO'S POV

Seven years had passed and I'm a certified lawyer now. Dito narin ako sa Germany nagtrabaho. Para mabantayan ko siya.

"Hara, are you sure about this?" Nakasandal ako sa pinto ng kwarto niya. Habang kanina pa siya paikot ikot at naglalagay ng damit sa maleta niya.

"I'm perfectly sure about this. And besides pitong taon na akong andito. Ibang kumpanya nakikinabang saakin. Siguro it's about time na sariling kumpanya naman namin ang pagsilbihan ko." Tumingin siya saakin at tipid na ngumiti. I must say she changed a lot.

Pananamit.

Pananalita.

Mga titig niya.

Ang presensya niya.

She totally changed her self.

She built her own walls.

That accident changed her.

Flashback

7 years ago....

Umuwi ako sa pilipinas para mabisita sina mama at papa. Matagal na ako sa Germany dahil sineseryoso ko ang pag aaral. Ayokong sayangin ang chance na binigay saakin ng mga Marzan. Saktong susunduin ni Arnold ang kapatid niya kaya sabay kaming umuwi.

Buti nalang talaga umuwi kami kung hindi baka nawala na siya saamin.

"L..L..Lie... Har...Harmony gising!" Sobra akong kinabahan ng makita namin ang kotse ni Lie Harmony na naka bangga sa puno. Natakot ako ulit. Naramdaman ko ulit ang takot ng mawala saakin si Erin. Ang kapatid ko.

Agad naming tinakbo sa hospital ang duguang katawan nina Abi Joyce at Lie Harmony. Maraming aparatus ang nakalagay sakanilang dalawa. Kaba. Takot. Lungkot ang naramdaman ko. Lalong lalo na si Arnold na umiiyak sa tabi ko.

"Sir, masyadong malubha ang lagay ng dalawang pasyente. Kulang ang gamit namin dito sa hospital para magamot sila..."

"Bukas na bukas mag babyahe kami papunta sa Germany. Paki ayos po lahat ng papeles nilang dalawa."

Sa sobrang pagka taranta hindi na namin nagawang tumawag sa mga magulang nilang dalawa. Bumalik kami sa Germany kinabukasan.

Dalawang linggo ang nakalipas bago dumating sina tito Anthony at tita Jenina.

"Hindi na ako makakapayag na masaktan pa ulit siya. Hindi na babalik si Harmony sa pilipinas Anthony." Saad ni tita habang nakahawak sa kamay ng anak niya.

Maraming nakasaksak na aparatus sa katawan nito at may tubo sa bunganga niya. May paso ng sigarilyo sa may malapit sa dibdib at mga sugat na dulot ng aksidente.

"Malaman ko lang sino ang gumawa nito sa kapatid ko pagbabayaran niya!" Isang buwan ng coma si Lie Harmony ng bumisita si Brix Stephen sa kapatid niya.

Pinaniwala ng pamilya Sanches at Marzan na wala na sina Abi Joyce at Lie Harmony.

"Pare. Sino kaya yung dalawang bangkay na nakita nila sa may kotse?" Tanong ko kay Arnold habang nakatanaw sa labas ng ICU. Kritikal parin ang lagay ng kapatid niya.

"Hindi ko alam at wala na akong pakealam. Basta hindi ko hahayaang bumalik pa don si Joyce. Hinding hindi na."

Dalawang buwan bago nagising si Lie Harmony na binabantayan ng kaibigan niyang si Raya Katrina. At dalawang buwan pa ang tinagal bago naman nagising si Abi Joyce.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon