CHAPTER 43:PERFECTSCARS

10 5 0
                                    

"Iniinom mo ba gamot mo?" Tanong agad saakin ni Jake pag pasok ko palang sa office niya.

"Wala man lang Hi? Yan talaga agad bungad mo saakin?" Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.

"I think yes. Nagbibiro kana eh." Umupo ako agad sa tapat na upuan.

"Kailangan ba talagang araw-araw akong pupunta dito?" Pinaglalaruan ko lang ang mga palad ko. Hindi ko magawang tignan ang mga mata ni Jake.

"Gusto ko lang ibigay itong gamot mo." Agad akong napaangat ng tingin. May pinatong siyang bote ng gamot sa lamesa.

"Para saan ito Jake?" Nag aalangan pa ako kung kukunin ko ba ang gamot o hindi.

"Anti-depressant. Sana makatulong Lie." Tumango lang ako at kinuha ang bote. Nilagay ko agad ito sa bag ko.

Nag-usap lang kami saglit ni Jake. Nagpaalam narin ako pagkatapos non. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin na manatili sa hospital. Sumandal muna ako sa kotse ko. Hindi ko muna ito binuksan at nanatiling nakatayo lang sa labas nito ng tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa bag ko.

From: Daddy

Anak, please come home.

Received 7:40PM

Hindi ko na nireplayan si Daddy. Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito papunta sa lugar na alam kong magpapakalma saakin. Sa lugar na matagal kong hindi na pinuntahan. Sa lugar kung nasaan ang mga taong alam kong mahal na mahal ko.

Isang oras na akong andito sa loob ng kotse ko. Nakasubsob ang ulo sa manibela. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Sa loob ng mahabang panahon ngayon nalang ulit ako pumunta dito. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa labas. Nakabukas ang ilaw sa loob. Dahan dahan akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng chapel.

Santiago D. Nuegas

Elisa T. Nuegas

Angel Hara M. Gomez

Bumungad saakin ang mga pangalan nila. Agad akong lumapit doon at nag sindi ng kandila. Mukang may bumisita rito bago ako dahil narin sa paubos na kandilang nakatirik dito. Umupo ako sa sahig habang pinaglalaruan ulit ang mga kamay ko.

"Daddy lolo, I'm a certified Engineer now. Tinupad ko ang pangarap mo para saakin. Sinikap kong makatapos bonus pa dahil nag top ako sa bar exam sa Germany. I know up there you're so proud of me, dalawa kayo ni Mommy lola." Napangiti ako. Naalala ko nung nag graduate ako. Alam kong proud na proud saakin sina daddy lolo at mommy lola. Alam ko na tuwang tuwa sila dahil sa wakas nakapag tapos ako.

"Daddy lolo and Mommy lola, alam ko pong proud din kayo kay kuya. Alam ko pong masaya kayong magkakasama na kaming pamilya. Pero mukang nasisira iyon dahil sa paglayo ko. Dahil sa pag-iwas ko. Hindi ko po kasi alam paano magsisimula. Kung paano magpapatawad. Kung kaya ko po ba. Tulungan niyo po akong malampasan itong nangyayari saakin ngayon. Ayoko na po ulit malunod. Pagod na pagod na po akong balikan ang paulit ulit na sitwasyon. Gusto ko ng maging masaya." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Angel, Wherever you are. Please save mommy." Please save me because. I'm drowning.

Nandito ako ngayon sa site. Gabi na pero hindi pa ako umuuwi. Nasa loob lang ako ng office. Nakatingin lang ako sa table ko ng mahagip ng mata ko ang blueprint na inabot saakin ni Avery nung isang araw. Kinuha ko iyon at binuksan. Naaalala ko na kung saang design ko na kita ito. Ganito ang design na gustong maging bahay ni Joyce. Kaso kulang nga lang ng garden. Simula ng tumira kami sa Germany. Napamahal si Joyce sa mga halaman kaya gusto niyang magkaroon ng mini garden ang ipapagawa niyang bahay para sa sarili niya.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon