CHAPTER 31:PERFECTSCARS

13 5 0
                                    

"Jake this is my daughter Lie Harmony Marzan your fiance." Matagal akong tinignan ni Jake. Nabalik lang siya sa wisyo ng tumayo na ang papa niya.

"Sorry Lie nagulat lang ang anak ko. Crush na crush ka nito simula High school."

"Dad." Pagpigil ni Jake sa sinasabi ng daddy niya. Suminghap ito bago humarap kay daddy at sa papa niya.

"Excuse me Mr. & Mrs. Marzan, Dad. Pwede ko po bang makausap si Lie sandali?" Nagkatinginan naman sila mommy at daddy pati si Dr. Nazarro bago tumango kay Jake.

Nauna na akong umalis sa may dining at pumunta sa may veranda. Naramdaman ko namang nakasunod saakin si Jake.

"Are you damn serious Lie?" Hindi man ako lumingon alam kong seryoso siya ngayon.

"I'm always serious of the things that I am doing Jake."

"But marriage is not a joke Lie. Hindi na tayo pwedeng maghiwalay kapag naikasal tayo sa isa't isa." Ramdam ko ang dissapointment sa boses ni Jake.

"But this is what you've wanted. Alam mo naman siguro na plano ito ng dad mo. Gipitin kami dahil kailangan namin ang detalye sa pagkawala ng kuya ko. You knew this and you agreed with this right?" Humarap na ako kay Jake na seryoso lang na nakatingin saakin. His eyes. His dark eyes.

"I like you but I will never do this for me to have you. Lie, ang baba ng tingin mo saakin. Gusto kita pero hindi ko naisip na angkinin ka lalo na at alam kong hindi mo naman ako mahal. Wala akong alam sa plano ni dad. You know that I can never decline his orders." Napayuko ako sa sinabi niya. Ang tanga ko para pag isipan siya ng masama. Pero hindi niya naman ako masisisi.

"I'm sorry Jake." Naramdaman kong lumapit siya saakin. Sa sobrang lapit naaamoy ko na ang pabango niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I can cancel this engagement Lie kung napipilitan ka lang." Napapikit ako sa sinabi niya at mas lalong tumulo ang luha ko. If he cancel this engagement mawawalan na kami ng chance para mahanap ang kapatid ko.

"We'll continue the engagement no matter what happen."

"Lie, your just making things complicated."

"Then help me to do the right thing. Teach me to love you." Humiwalay ako sa yakap ni Jake at tinignan siya sa mata. Matagal niya akong tinignan hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya.

"Fine! Then live with me Lie."

***

Isang linggo ng nakalipas simula ng magsama kami ni Jake sa condo niya. Our parents agreed to this. Para daw mas makilala namin ang isa't isa.

"What do you want to eat?" Tanong niya saakin pag pasok niya sa kwarto namin. Yes, magkasama rin kami sa iisang kwarto but we made sure na may pagitan sa gitna naming dalawa.

"You still have your class right? I'll cook for us." Tumayo na ako sa kama at lumabas ng kwarto. Dumeretcho narin ako sa kusina. Nakasunod lang naman saakin si Jake habang tinitignan ako.

"I can't believe this ipagluluto ako ng former ambassadress ng bench." Tinignan ko siya ng masama tsaka kinusilapan. Napangiti naman ito. "I'll go na. See you later wife." Lumapit siya saakin para halikan ako sa noo. Wife? Bigla kong naalala ang unang lalaking tumawag saakin niyan. Bumalik ako sa wisyo ng makaalis na si Jake sa harap ko. Napailing nalang ako.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon