CHAPTER 8:PERFECTSCARS

16 5 0
                                    

Kasalukuyan kong nag-aayos sa harap ng salamin dahil pictorial day ngayon para sa pageant. Bukas ang last practice at sa Saturday naman ang mismong pageant. Naglalagay ako ng lipstick ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok!" Sigaw ko rito at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili ko. Saglit akong napabaling sa bumukas na pinto at niluwa nito sila Zaori.

"Harm,sure kana bang sasali ka?" Seryosong tanong ni Patrick.

"Hindi kana ba namin mapipigilan?" Sunod na tanong naman ni Stephen.

"Kung ayaw mo pwede naman natin sabihin kay Ms.Valdez hindi ka nila pwedeng pilitin." Sabi naman ni Zaori. Silang tatlo ay nakaupo sa kama ko habang nakatingin saakin.

Tumingin ako sakanila isa isa. Araw-araw nalang namin pinagtatalunan ang bagay na ito.

"Guys minsan lang naman ito. Tsaka hindi na mauulit. Matanda na ako kaya sana this time pabayaan nyo naman ako sa decisions ko." Napansin kong yumuko si Stephen at Patrick pero nanatiling nakatingin saakin si Zaori.

"Kahit kalaban mo si Sharmaine? Anong bang pinapatunayan mo Harmony? Na mas magaling ka sakanya." Deretchong sabi ni Zaori. Tila may tumusok sa puso ko sa mga narinig ko at may luhang gustong tumulo sa mga mata ko.

Oo, kasama si Sharmaine sa pageant pero hindi ko inisip na lamangan siya dahil kaibigan ko siya. Gusto kong gawin to dahil maraming umaasa saakin at ayokong ma dissapoint sila.

"I'm not forcing you to support me Ric Zaori." Madiin na sabi ko habang nakatingin ng deretcho sakanya. Biglang mapa angat ng tingin si Patrick at Stephen. "Kayong tatlo hindi ko kayo pinipilit na suportahan ako pero sana respetuhin nyo ang desisyon ko! And for your fucking information Zaori hindi ako nakikipag paligsahan kay Sharmaine. Manalo man ako o matalo it's none of your business!" Agad kong kinuha ang gamit ko at lumabas ng kwarto.

"HARM!"
"LIE HARMONY!"

Rinig kong sigaw nila pero hindi na ako nag abala pang lumingon nakakasama ng loob na mismong sila walang tiwala sa kakayahan ko. Alam ko namang worried lang sila pero icompare ako kay Sharmaine hindi ko na kaya. Kinuha ko agad ang susi ng kotse ko at lumabas ng bahay para mag drive papuntang school. I can do this without them.

***

Kakatapos lang akong kunan ng pictures na solo at kasama si Jake. Nakaupo ako sa may sofa dito sa hotel room na ginamit namin para sa shoot. Hindi ako na inform na may bikini wear pala kami sa mismong pageant. Tumingin ako sa harap at nakita kong si Sharmaine na ang kinukunan ng picture. Maganda rin ang katawan ni Sharmaine pero naagaw ng pansin ko ang peklat sa may tiyan niya. Para itong sinaksak at tinahi kaya naman nagkaroon siya ng peklat.

"Coffee for you Lie." Napatingin ako sa cup ng ice coffee at sa taong may hawak nito. Napangiti nalang ako at kinuha ang kape.

"Thank you, Jake." Nauna kaming kinunan ng pictures dahil kami ang mga freshmen. Sa pageant na ito apat kaming babae at apat lang silang lalaki para more chances of winning daw. Pero sa itchura ng mga kalaban namin ni Sharmaine halatang wala na akong panlaban.

"Still nervous? Don't worry Lie you're beautiful inside and out. And se...sexy." Bigla akong napatingin kay Jake na umiinom ng kape at hindi mapakali. Napailing nalang ako sakanya.

"Thank you again Jake." Hindi ko alam kung anong sasabihin sakanya dahil wala rin naman akong balak magsalita. Napatingin ulit ako sa pwesto ng mga nag pipicture at napatingin kay Sharmaine. Hindi nila ako pwedeng icompare sakanya dahil magkaiba kaming dalawa. Magkaibang magkaiba.

***

Paalis na ako sa hotel para makauwi na sa mansyon ng makareceive ako ng text galing kay Joyce.

From: Joyceeee

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon