CHAPTER 28:PERFECTSCARS

12 5 0
                                    

RIC ZAORI'S POV

Agad kaming nagmadaling pumunta sa hospital ng sabihin ni Joyce na wala na si Angel.

Bakit ganon?

Kung kelan babawi palang ako sa bata at kay Harmony tsaka pa nangyari ito? Alam kong sa mga nakaraang araw nawalan ako ng oras sakanila pero handa na ulit akong harapin sila ng walang pangamba. Handa na akong aminin ang totoo at bumawi.

Si Stephen ang nagmamaneho habang nasa backseat sina Joyce at Patrick. Tinawagan narin namin si Katrina na sumunod sa hospital dahil may inasikaso ito kanina.

Mabilis kaming nakarating sa hospital at wala kaming inaksayang panahon at agad na tumakbo sa may morgue. At don nanlumo ako. Kitang kita sa mga mata namin ang sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang luha ko.

I'm sorry Angel Hara.

"My angel. I'm so sorry baby walang nagawa si daddy. Anak, mahal na mahal kita hindi ka man nanggaling saamin ni mommy Harmony mo mahal kita." Nakita namin si Elijah na nakaluhod habang hawak ang kamay ni Angel. Sobrang mahal na mahal niya ang anak niya. Saksi ako sa pagmamahal nila ni Harmony kay Angel. Kaya pinili ko nalang munang umiwas. Pinili kong humingi ng space.

Nakita kong lumapit si Stephen kay Elijah at tinapik ang balikat nito napatingin naman siya saamin. Halata sakanya ang sobrang pagod at sakit na iniinda niya ngayon. Napaurong kami ng may biglang pumasok sa morgue. Si tito Anthony at tita Jenny. Tulad namin ay bakas sakanila ang sakit at lungkot.

"Angel love. Angel bakit mo naman iniwan si mamita." Umiiyak narin si tita Jenny tumayo si Elijah para mabigyan ng space sila tito at tita. Pinapatahan lang ni tito ang asawa niyang umiyak. I must say sobrang minahal din nila ang apo nila kahit hindi naman talaga nila ito kadugo. Sino ba naman ang hindi magmamahal sa matalinong batang kagaya ni Angel.

Napansin kong wala si Harmony dito, mukang hindi lang ako ang nakapansin non dahil ng makalapit si Elijah ay tinanung na siya ni Joyce.

"Where's Harm?" Napatingin kaming lahat kay Elijah na parang nagulat.

"Wala ba siya sa labas? Andito lang siya kanina eh." Bigla akong kinabahan ng hindi ko maintindihan. Parang may kung anong mangyayaring hindi maganda.

"We need to find her." Lalabas na sana ako ng morgue ng pigilan ako ni Patrick dahil papalapit na saamin sina tito at tita.

"I'll fix the bills and the other things needed for the funeral.Go find Harmony." Hindi na namin nagawang makipag beso at makipag yakapan at sabay sabay na kaming lumabas. Sabay kaming naglalakad ni Elijah ng makasalubong namin si Katrina na lumapit kay Joyce. Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Stephen

"Where's Harmony?" Nagyakapan sila ni Joyce. Wala ng panahon para dito sisigaw na sana ako ng maunahan ako ni Elijah.

"Faster we need to find Harmony." Sabay-sabay kaming bumaba at sa van kami nila tito Anthony sumakay na inabot pala ang susi kay Elijah.

Tahimik lang kami habang nagmamaneho si Elijah katabi si Stephen. Magkatabi si Joyce at Katrina sa harap namin ni Patrick.

"I got her location. Buti naka open GPS ng phone niya. Sundan mo ito Elijah." Binigay ni Patrick ang phone niya kay Elijah at sinundan naman niya iyon.

Medjo natagalan ang biyahe namin nakakasakal ang katahimikan sa loob ng van. Napansin kong puro mga puntod ang nadadaanan namin. Bat kami nasa sementeryo? Siguro mas pinili niyang puntahan ang lolo at lola niya.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon