CHAPTER 39:PERFECTSCARS

12 5 0
                                    

LIE HARMONY'S POV

"Thank you Elijah and Timothy. Hindi ko talaga alam gagawin ko kapag may nangyaring masama dito sa kapatid ko." Nakatingin lang ako sa baso na nasa harap ko. Habang kanina pa salita ng salita si kuya sa gilid ko.

"Ano bang nangyari?" Napatingin ako kay Zack. I know kanina pa siya na kating kati na tanungin kami. Nagkatinginan kami ni kuya.

"Nothing. Nagkatampuhan lang kami ni kuya. Gusto ko ng magpahinga." Tumayo na ako at naglakad na palabas ng kusina sa unit ni kuya. Walang sumubok na nagsalita lahat lang sila tahimik.

"Harmony." Naramdaman kong may humatak saakin. I'm so tired pero hindi ko maiiwasan si kuya.

"Kung papagalitan moko dahil sa mga sinabi ko about kay dad hinding hindi ako nagsisi kuya." Tumingin ako sa kisame para maiwasan ang pagtulo ng luha ko.

"Please forgive dad, Harm. Nangako naman siya na aayusin niya. Pinatawad na siya ni mom." Napatingin ako kay kuya. Pinatawad ni mommy si daddy ng ganun ganon lang? How selfless of her?

"I can't kuya. Not now. Please huwag mo nalang akong pilitin sa mga bagay na hindi ko kayang gawin." Tumalikod na ako sakanya at nagsimula ng maglakad pero napahinto ako sa sinabi niya.

"Hindi ka magiging masaya kung hindi ka marunong magpatawad Harmony. Please harapin mo na lahat ng problema. Dahil habang tinatakbuhan mo patuloy kalang hahabulin nito." Hindi ko na binalak lumingon. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko.

Lumabas na ako sa unit ni kuya at pumunta na sa unit ko. Nilagay ko na ang susi ng kotse ko sa key holder. Andito na sila Joyce at Kath. Hindi na kami masyadong nakakapag-usap. Masyado na kaming busy sa mga propesyon na pinili namin.

Laging wala si Kath dahil nasa ibang lugar ang bago niyang projects. Kasabay ng lagi niyang pag bisita sa airlines nila kung saan naging piloto si Timothy at Zack.

Madaling araw palang umaalis na si Joyce para sa duty niya sa hospital. Minsan si Paola nalang ang naiiwan na kasama ko dito na kinukuha ni Johan at sinasama sa trabaho niya.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Sumandal ako sa may counter table.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Nagitla ako at napatingin kay Kath. Lumapit siya saakin at kumuha rin ng tubig.

"Kath? Paano mo napatawad si Kuya Stephen?" Tila nagulat ito sa biglaang tanong ko. Since nasa Germany kami maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Binuksan niya ulit ang ref at kumuha ng dalawang beer. Binuksan niya itong pareho at binigay saakin ang isa.

"Hinanda ko muna ang sarili ko bago ko pinatawad si Stephen." Ininom ni Kath ang nasa hawak niyang bote kaya ininom ko rin yung sakin.

"Hinanda? Bakit?" Nakatingin lang si Kath sa hawak niyang bote habang nilalaro niya ito.

"Kasi hindi magiging totoo ang pagpapatawad mo kung hindi kapa handa. Kung may galit kapa sa puso mo hindi magiging valid yung pagpapatawad. Harm, pinatawad ko muna ang sarili ko. Tinanggap ko muna lahat ng nangyari nung nasaktan ako bago ako nagpatawad." How can I forget those things? Paano ako magpapatawad?

"Do you think I can?" Tinapik ni Kath ang balikat ko.

"I know you can. Forgive yourself first Harm." Inubos niya na ang natitirang alak sa bote bago niya ako tinapik ulit at umalis na.

Naiwan akong mag-isa sa may dining. Should I give it a try? It's been years baka siguro kailangan ko ng subukan. Nilagok ko na ang alak na nasa bote bago pumasok sa kwarto.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon