CHAPTER 49:PERFECTSCARS

26 4 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas. Nandito kami ngayon sa sementeryo. Kakatapos lang ng seremonya.

"Anak, hindi ka paba sasama saamin?" Tumingin ako kay daddy at umiling.

"Magpapaiwan lang po ako sandali, daddy." Hinalikan niya ako sa noo. Bago sila umalis ni mommy.

Hinintay kong umalis lahat ng tao, bago ako tumayo. Nilaglag ko ang bulaklak na kanina ko pa hawak. At bumalik saakin ang alaala nung gabing yon.

Flashback

Dahan-dahan kong binaba si Elijah sa may buhanginan at lumapit sa mga pulis. Nakatutok ang mga baril nila sa mga pinsan ko.

"Sumuko na kayo please." Pagmamakaawa ko. Ayokong makasakit pa sila ng iba. Ayoko rin na masaktan sila.

Agad naman na binaba ni Tiffany ang baril niya. Binigay niya rin ang kamay niya sa mga pulis. Naglalakad na sila palayo ng humarap ako kay Sabrina.

"Hindi ako susuko." Kasabay nito ang pagputok ng baril. Nilayo agad ako ng mga pulis. Sumikip ang dibdib ko dahil sa nakikita ko.

"Sabrina!!" Rinig kong sigaw ni Tiffany.

End of flashback

"Sana masaya kana kasama si tito Fred, Sabrina."

***

Agad akong pumunta sa hospital. Umuwi muna ako saglit sa condo para makaligo. Naglalakad ako sa hallway papunta sa room nilang tatlo. Pinag-isa nalang ang kwarto nila para hindi na palipat lipat kapag bibisitahin.

Sa hospital nila Grace sila dinala non. Akala ko talaga mawawala na saakin si Kuya at Elijah. Good thing, nabigyan sila agad ng first aid ni Grace at Joyce. Hindi naman malala ang tama ni Patrick. Pero ginusto niyang manatili dito para di muna mag trabaho.

Nagtataka ako dahil nakatingin saakin lahat ng mga taong dinadaanan ko. Anong meron nanaman? Napailing nalang ako at pinihit ang doornob sa kwarto nila. Nagtaka ako dahil nakapatay ang ilaw.

Sinindi ko ito at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Elijah, nakaluhod at may hawak na singsing.

"Alam ko hindi ito ang proposal na pinangarap mo. Pero naisip ko nung araw na nabaril ako. Pwede palang mawala ang lahat sa isang iglap. Kaya hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na ito Harmony." Napatakip ako sa bibig ko ng isa-isa ng pumapasok sa loob ang mga kaibigan namin. Andito rin ang mga magulang ko at magulang niya.

Agad akong lumapit sakanya at itatayo sana siya pero hinawakan niya lang ang kamay ko.

"Will you marry me, Lie Harmony Marzan?" Tumingin ako sa paligid. Bago muling binaling ang tingin kay Elijah.

Matagal ko rin pinag-isipan ito. Siguro nga panahon na para sarili ko naman ang pasayahin ko.

"Noon pa man. Ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Yes, I will marry you Elijah." Sinuot niya na ang singsing saakin. Inalalayan ko siyang tumayo at niyakap ng mahigpit.

"I love you, Harmony." Bulong nito saakin. Naramdaman ko rin ang mainit na likido na tumulo sa balikat ko.

"Mas mahal kita, Elijah." Hinarap niya ako sakanya. Kasabay non ang pag dampi ng labi niya sa labi ko. At ang palakpakan ng mga taong andito ngayon sa kwartong ito.

Mga taong nakakita lahat ng paghihirap ko.

Mga taong naging daan para maging masaya ulit ako.

Ang mga taong hindi ako hinayaang mag-isa.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon