EPILOGUE

28 5 0
                                    

"Mom, wake up!" Napabalikwas ako ng maramdaman ko ang pag-uga ng kama namin ni Elijah. Kasabay non ang malakas na hiyawan ng dalawa kong makukulit na anak. Araw-araw silang ganito.

"Later na kuya. Natutulog pa si mommy." Tatakpan ko pa sana ulit ang mukha ko ng unan ng makarinig ako ng malakas na pagbagsak. Agad ako bumangon at nakitang nakahandusay sa sahig si Liam.

"Kuya!" Agad akong bumangon at lumapit sakanya. Hahawakan ko na sana siya ng bigla silang sumigaw ni Luna.

"It's a prank mommy!!" Halos atakihin ako sa puso dahil sa pagkagulat. Gusto kong magalit pero makita ko lang ang masasaya nilang mukha at ang mga tawa nila, sapat na para mapawi ang inis na nararamdaman ko.

"Kayo talagang dalawa lagi niyong tinatakot si mommy. Hali nga kayo dito." Sabay naman silang lumapit saakin upang dambahan ako ng yakap, dahilan para matumba kaming tatlo. Tawa kami ng tawa ng biglang bumukas ng malakas ang pinto.

"Anong nangyayari?! Bakit andaming bumabagsak?" Bungad ni Elijah, na naka apron pa at may hawak na sandok.

"Naglalaro lang po kami daddy." Mukang nabunutan naman ng tinik si Elijah. Lumapit ito saamin. Napansin kong nagkakatinginan yung dalawa naming anak. Nung uupo na sana ang daddy nila inambahan din nila ito ng yakap, dahilan para matumba silang tatlo.

Tawa lang sila ng tawa kaya kinuhanan ko sila ng picture. Kung araw-araw na ganito kasaya at kaganda ang bubungad saakin sa umaga. Araw-araw kong pipilitin na mabuhay at lumaban.

Nung bata ako pinangarap kong magkaroon ng sariling pamilya. Magkaroon ng magandang bahay at mga makukulit na anak. Magkaroon ng asawang, gagabay at magmamahal saaming mag-iina. Sa dami ng pinagdaanan ko sa mga nakalipas na taon. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong ito.

Pero sadyang may tamang oras sa lahat ng bagay. Hindi pa ibibigay sayo ito kung hindi pa panahon. Hindi mo ito makakamit kung hindi kapa handa. Hindi mo ito makukuha kung hindi ito para sayo.

"Mommy, tara na po mag breakfast na po tayo." Bumalik ako sa wisyo ng hawakan ni Luna ang kamay ko. Napangiti lang ako at tumango sakanya.

Nasa may pinto na sila Liam at Elijah. Ang  bilis ng panahon parang kailan lang mga baby palang sila ngayon elementary na silang dalawa.

Minsan natatakot ako sa mga maaring mangyari sakanila, dahil iba ang pakiramdam ng isang ina pagdating sa kanyang mga anak.

"Mommy, I'm home!" Kasalukuyan akong nagdidilig ng halaman sa garden.

"Bakit ang a.... What happened to your face Liam?!" May black eye ito at pasa sa may bandang labi.

Saktong papunta narin si Elijah sa gawi namin kaya tinignan ko siya ng masama. Hawak naman nito si Luna na kakatapos lang din umiyak. May kung anong kirot akong naramdaman. Ayaw na ayaw ko silang nakikitang nasusugatan. Ayaw ko rin silang nakikitang umiyak. Nagtaas ng dalawang kamay si Elijah dahil kulang nalang kalbuhin ko siya sa mga titig ko.

"Anong nangyari sa mga anak mo?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya napasigaw nalang ako.

"Bakit ako? Hindi ba dapat sila ang magsasabi sayo?" Mas lalo ko pang tinignan ng masama si Elijah.

"Bakit hindi nalang ikaw.."

"Mommy & Daddy, please stop fighting." Napatingin ako kay Liam na nakakapit na sa may braso ko.

"Anong nangyari, anak?" Hindi parin sumasagot si Liam, nanatili lang siyang nakakapit sa kamay ko. Lumuhod ako sa harap niya para maging magka pantay kami.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon