CHAPTER 34:PERFECTSCARS

21 5 0
                                    

Isang taon at mahigit na ang nakalipas.

Bawat buwan na lumipas mas lalo kaming nahihirapan.

Bawat okasyon hindi na namin nagawan ng selebrasyon.

Bawat kaarawan na hinayaan nalang namin matapos.

Habang tumatagal. Mas lalong sumasakit.

"Oh pare. Bat gising kapa?" Napatingin ako sa may hagdan at nakatayo roon si Patrick.

Kaming dalawa nalang ang andito sa town house. Dahil kasama ni Zaori ang mga anak niya sa bahay ng mga Galves. Tulad namin ni Patrick nagluluksa rin siya sa pagkawala ni Sharmaine.

"Kailangan kong mag-aral pare. Malapit ng exam." Nilubog ko ang sarili ko sa pag aaral. Para makalimutan ang nangyari. Pero hindi ko talaga maiwasan. Lalo na si Harmony lang ang nagbibigay saakin ng lakas ng loob para ipagpatuloy ito.

"Akalain mo yon pare. Magtatapos na tayo." Ilang buwan nalang at matatapos na kami sa pag-aaral. Kakaharapin na talaga namin ang totoong buhay.

"Pero sana hindi ganto kahirap." Napatingin ako sa dami ng papel na nasa harapan ko. Kailangan kong mag aral ng mabuti. Dahil pangarap niya ito. Pangarap namin ito.

"Bakit nga ba Engineering ang napili mo? Magaling karin naman mag drawing diba. Bat hindi ka nalang nag Architect tulad ni Stephen?" Umupo si Patrick sa sahig katabi ko. Naka tanaw ito sa dalawang urn sa harap namin. Pinagawan namin ito ng altar dito sa town house.

Napangiti ako at kinwento kay Patrick lahat.

Nasa cafeteria kami ni Harmony ngayon. Nauna na kaming nag lunch dahil may ginagawa pa ang mga kaibigan namin sa classroom.

"Elijah? Anong gusto mong profession?" Out of the blue niyang tanong saakin. Seryoso itong nakatingin sa mga mata ko habang kumakain ng prutas.

"Architect." Tipid kong sagot sakanya. Napangiti naman siya ng malawak. Napataas ang kilay ko dahil sa mga titig niya.

"Architect Aron Elijah Gomez and Engineer Lie Harmony Marzan. Sounds good right?" Pumalakpak pa ito na parang tuwang tuwa sa ideyang pumasok sa isip niya.

"But I want to be an Engineer also Harm." Binigyan niya naman ako ng makahulugang tingin. Hindi ko alam bat ito ang tinatanong niya saakin nasa grade 10 palang naman kami at may dalawang taon pa.

"No matter what profession or course you would like to take. I will always be so proud of you Elijah."

"Oh bakit Engineer parin ang kinuha mo kahit sinabi naman ni Harm na kahit anong course ang kunin mo magiging masaya siya?" Nagtatakang tanong naman ni Patrick saakin. Napangiti lang ako at tumingin sa altar na nasa harap namin.

"Itutuloy ko ang naumpisahan ni Harmony pare. She wants to become an Engineer so I'll continue her journey." Napatingin naman ako kay Patrick na nakangiti narin sa harap ng altar.

"We'll continue the things that they want for us." Saad naman nito saakin.

I'll make them proud.

My Hara & My Harmony.

***

Isang linggo bago ang finals namin. Kailangan muna namin mag OJT. Sa Marzan INC. kami nailagay kasama ko sina Jake at Allison. Pang huling araw na namin dito kaya naman pinatawag kaming lahat sa conference room.

Pag pasok palang namin. Umupo na kami agad agad. Sumunod na pumasok sina tito Anthony at tita Jenina. Sobrang busy narin nilang dalawa dahil palagi silang wala dito sa pilipinas kaya si Stephen lang ang naiiwan at minsan naman sinasama nila ito.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon