CHAPTER 3:PERFECTSCARS

26 6 0
                                    

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw para saamin nila tita Jenny at tito Anthony. Dahil may pagkakataon na nag brebreak down parin si Harmony. Sabi ng psychiatrist nito na hindi kinaya ni Harmony ang lahat ng negative na nangyari sakanya kaya ganon nalang ang epekto nito. Bawat araw na lumilipas na nag thetherapy ito ay isang bangungot saamin lalo na sa magulang niya dahil madalas itong nagwawala at minsan ay sinasaktan niya pa ang sarili niya. Nasa labas kami ng hospital room magkakaibigan kasama ang magulang niya naririnig namin ang sigaw nito mula sa loob.

"Ang dumi dumi kong babae! Dapat lang ako ikahiya ng mga magulang ko sa ginawa ko. Wala akong kwentang anak!" Sigaw nito mula sa loob ng kwarto.

Napatingin ako kay tita Jenny na umiiyak at yakap ito ni tito Anthony. Nakaupo naman si Joyce na umiiyak din at inaalo ito ni Patrick na matalim na nakatingin sa kawalan. Nakatayo sa tabi ko si Stephen na naka kuyom ang kamao. Nung nalaman niyang maayos na si Harmony ay nagmadali itong bumalik para makita ang kalagayan ng kaibigan namin.

Naiinis ako at nagagalit pero ayokong pangunahan ng pagkasuklam dahil mas kailangan kami ngayon ni Harmony. Walang mangyayari kung sasalubungin namin ng isa pang problema ang mga nangyayari ngayon dahil lalo lang magiging magulo ang lahat.

"Ayoko ng mabuhay!" Naririnig naming sigaw mula sa loob ng kwarto. Gusto namin pumasok pero ipinagbabawal ito ng mga doctor na nasa loob.

Tumalikod si Stephen at akmang maglalakad na palayo ng hawakan ko siya sa balikat.

"Saan ka pupunta pare?" Mahinahon na tanong ko rito. Lumingon siya saakin mababakas sa mata nito ang lungkot.

"Hindi ko kaya ang mga naririnig ko pare. Nadudurog ako." Mahinang sabi nito tinanggal ni Stephen ang pagkakahawak ko sa balikat niya at naglakad papunta sa chapel ng hospital.

Maya-maya lang ang lumabas na si doctor Nazarro ang psychiatrist ni Harmony. Bakas sa muka nito ang pagod at pawis kasama ng dalawa pang doctor. Sinalubong ito ni Tito Anthony. Yakap ni Joyce si Tita Jenny na nakaupo na ngayon sa tabi niya, tumayo si Patrick at lumapit saamin.

"Kamusta po ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ni tito. Yumuko ang si Dr. Nazarro.

"Pasensya na Mr.Marzan kung tinali namin si Ms.Harmony at tinurukan ng pampatulog. Nilalabanan nito ang mga sinasabi namin sakanya at nagbabalak itong saktan ang sarili niya." Yumuko muli ito. "Sobrang bigat ng pinagdadaanan ng anak niyo." Tinapik ni Dr. Nazarro ang balikat ni tito Anthony at umalis na sila.

Pumasok kaming tatlong lalaki sa kwarto at nanlumo kami sa nakita namin si Harmony nakatali ang dalawang kamay sa hospital bed may bakas ng kalmot sa kamay nito na alam naming kagagawan niya.

"Shit!" Narinig kong singhal ni Patrick.

Pumunta agad si tito Anthony sa tabi ng anak niya at tinanggal ang pagkakatali nito. Unang beses ko siyang nakitang umiiyak.

"My Princess please magpagaling kana." Pagsusumamo nito sa anak niyang mahimbing na natutulog.

Lumapit narin si Patrick sa kama ni Harmony at hinawakan ang kamay nito.

"My bestfriend stop hurting yourself please." Mahinang bulong nito.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko may luhang tumulo sa mga mata ko. "Stop blaming yourself Harmony hindi ka kasing dumi ng sa inaakala mo. Buong buo parin ang respeto namin sayo. Mag pagaling kana you doesn't deserve all of this sufferings." Mahinang bulong ko. Tumingin saakin si tito Anthony at tinapik ang balikat ko.

"Thank you Zaori." Nakangiting sabi ni tito habang may luha na gustong kumawala sa mata niya. Pinagmasdan namin si Harmony na mahimbing na natutulog.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon