CHAPTER 15:PERFECTSCARS

26 5 0
                                    

"Katrina!!!" Sigaw ni Joyce at biglang lumundag papunta sa backseat sumabit pa ang paa niya pero hinayaan niya nalang yon.

"Balak niyo bang sirain ang kotse ko?" Kunwari akong naiinis pero natutuwa ako dahil sa posisyon nila ngayon. Parang naka kalong si Joyce kay Katrina.

My girlfriends. Napag alaman ko na kasama pala ni Katrina si Grace sa Thailand kaya kahit papaano hindi naman siya nag-iisa doon. She have Grace in Thailand and I have Joyce here in the Philippines.

"Katrina nagagalit na si Harm." Bumalik na si Joyce sa front seat. At napatingin sa outfit namin ni Katrina.

"I know what's on your mind Joyce." Tumingin ako kay Katrina para iabot ang paperbag na katabi niya. Binigay ko yon kay Joyce.

"Wear that." Ma awtoridad na sabi ko.Binuksan niya ang paperbag at nilabas don ang tube na color black trinnings kaming tatlo. Good thing she was wearing a highwaist black jeans too.

"Where are we going?" Nagtataka parin siya bago lumipat sa backseat at si Katrina naman ang umupo sa front seat.

Nagkatinginan kami ni Katrina at sabay na lumingon kay Joyce na napalitan na ang damit. Good thing tinted ang sasakyan ko kaya hindi siya makikita.

"Enchanted Kingdom!" Agad ko ng pinaandar ang kotse ko para maka byahe na kami papuntang EK. It will going to be a long day with this girls.

***

Open ang Ek ngayon at may mga promo sila kaya naman libre ni Katrina lahat ng tickets. Nakatayo kaming tatlo sa labas ng kotse ko habang busy si Katrina sa pagtetext sa phone niya.

"Hindi paba tayo papasok?" Naiinip na tanong ko habang naka sandal sa kotse ko. Napatingin ako sa phone ko ng biglang mag ring ito.

Patrick Esguerra❣️ is calling...

ACCEPT   DECLINE

Agad ko itong sinagot at niloud speaker ko pa ito.

"Putcha naman Patrick bat ba tayo andito?" Narinig kong sabi ni Stephen sa kabilang linya.

"Rereport natin..." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng sumingit si Zaori.

"She answered your call. Talk to her." Mahinahon na sabi nito.

"Hello Harmony! Thank God you answered my call!" Halos sigaw na sabi ni Patrick.

"Aray umusog nga kayo!" Rinig kong sigaw din ni Stephen sa kabilang linya.

"Where the hell are you guys?! Bat ang ingay diyan?" May naririnig akong kumakalampag at mga lalaking nagtatawanan sa kabilang linya.

"Nasa presinto kami Harm! Nawawala si Joyce! Nawawala ang girlfriend ko Harm! Naririnig mo ba ako nawawala ang kaibigan mo!" Napairap ako sa kawalan at napansin kong nagpipigil ng tawa si Katrina at si Joyce ay parang gulat parin sa narinig niya.

"Hindi ko na ala....." I cut him off.

"Joyce is with me." Walang gana kong sabi.

"Oh ayon naman pal....What?! With what??" Natataranta paring sabi ni Patrick sa kabilang linya. Wala paring pagbabago buang parin siya kapag nawawala si Joyce sa paningin niya.

"Magkasama kami ni Joyce. Hahatid ko siya sa town house before midnight. Don't worry she's safe." Bababa ko na sana ang phone ng marinig ko ang sinabi ni Stephen.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon