CHAPTER 24:PERFECTSCARS

16 5 0
                                    

"Si Elijah?!!" Sabay-sabay nilang sigaw na tatlo. Hindi na ako magtataka kung bakit gulat na gulat sila.

Sa mga araw na nakalipas. Kinukulit na ako ni Elijah pero umiiwas ako dahil ayokong masaktan si Zaori. At alam kong sila pa ni Tiffany. Naayos nga ang problema kay Rochelle sumunod naman itong problema ko kay Elijah.

"Galit din ba kayo?" Napaupo ako sa sofa dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko at gagawin ko.

"Blessing si Angel sayo Harm. Hindi kami magagalit kung masaya ka naman sakanya." Saad ni Joyce bago siya umupo sa tabi ko at hawakan ang kamay ko.

Napatingin ako kay Stephen at Patrick. Kailangan ko ng opinion nila.

"Hindi ako magagalit basta mag-uusap lang kayo ni Elijah para sa bata." Ngumiti saakin si Stephen na nagpagaan ng puso ko.

"Don't worry Harm. I know he'll understand you. Sabay-sabay natin aalagaan si Angel na magkakasama." Lumapit si Patrick sa gawi namin ni Joyce at umupo sa tabi ko. "Kasama mo parin kami kahit anong mangyari." Napatingin ako sakanya. Hindi mapagkakaila na may nagbago kay Patrick pero ang pinagtataka ko lang hindi na siya masyadong galit kay Elijah dahil nakikita ko silang nag-uusap minsan sa Glaviar. Siguro dahil sila naman talaga ang unang naging mag kaibigan and wala naman akong problema. In fact I'm happy.

"Thank you so much guys."

***

Mabilis na nakatulog si Angel sa kama ko. Naglaro kasi sila sa garden nila Joyce at Patrick kanina. Hinalikan ko siya sa noo niya bago ko napag desisyunan na lumabas at puntahan si Zaori sa kwarto niya.

Huminga ako ng malalim bago kumatok. Hindi niya ito binuksan kaya napagdesisyunan ko nalang pumasok. Nasa gilid siya ng kama at nakakalat sa sahig ang mga bote ng alak. Sa kanang kamay niya ay may hawak pa siyang isang bote at sa kaliwa ay isang picture frame. Napabuntong hininga ako. Pumasok ako sa kwarto niya at sinara ang pinto.

Dahan-dahan akong lumapit sa gawi niya. Tumabi ako sakanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ang picture pala na tinitignan niya ay ang picture namin nung pageant.

"You look so inlove with me there, babe." Sabi ko sakanya. Nakatingin lang kasi siya saakin ng mga oras na yan at nakangiti naman ako sa harap ng camera.

"I'm always inlove with you Harmony." Sabi nito at uminom ulit sa hawak niyang bote. Harmony? Ganon ba siya kagalit saakin para tawagin akong Harmony lang?

"I'm sorry babe." Mahinang sabi ko sakanya. Binitawan ni Zaori ang picture frame at hinawakan ang kamay ko. Nanatiling nakasandang ang ulo ko sa balikat niya. Natatakot akong tignan siya dahil alam kong nasasaktan ko siya.

"Ano kayang pakiramdam na ako naman ang maging ama?" Makahulugan nitong tanong saakin. Parang dinudurog ang puso ko sa mga naririnig ko.

"You will be the best father of your children babe."

"And I want you to be the mother of my children." His voice cracked. He's crying.

"But this is not the right time for us to have a family babe." I told him. Naramdaman kong gumalaw siya kaya napaayos ako ng upo. Sinalubong ko ang mata ni Zaori na may halong pagtataka at sakit.

Tumayo siya at may kinuhang kwintas sa drawer niya. Inabot niya iyon saakin. SC and naka lagay sa pendant. Nakakunot ang noo ko habang tinitignan iyon.

"I think that's yours? You left that at the..."

"This is not mine, babe" Gulat ang rumihistro sa muka ni Zaori at kinuha ulit ang kwintas saakin. Nagtataka man ay hindi ko na inabala.

"Babe anong oras ka umalis nung iniwan moko sa bar ni Allison?" He asked out of the blue. Nilabas ko ang phone ko at tinignan ang message ko na tinext ko sakanya.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon