CHAPTER 14:PERFECTSCARS

23 5 0
                                    

"Stop crying I'm here now." Dahan-dahan akong lumingon upang masiguro kung tama ba ang hula ko. At hindi nga ako nagkakamali.

"Katrina!" Bigla akong napatayo at yumakap sakanya. God knows how I miss this girl.

"I'm home!" Masayang sabi nito saakin. Pero napawi ang ngiti niya ng makita ang mga mata ko at itchura ko ngayon.

"Hindi ako umuwi para lang madatnan kang ganyan Harmony." May halong inis ang boses niya. Padabog siyang umupo sa swing at umiwas ng tingin saakin.

"Ang dami mong hindi alam simula ng umalis ka Kath." Tipid lang itong ngumiti ng lumingon saakin.

"I know every single thing sweet heart." Sabi niya saakin habang naka tingin sa malayo. Ang laki ng pinagbago niya. Ang dating mahabang buhok ay hanggang balikat nalang ngayon at color brown narin ito. Ang dating boyish na Katrina ay kikay na ngayon. She's wearing a skirt and sando na tinakpan lang ng cardigan.

"Yes Harmony. I've change a lot. Huwag mokong titigan diyan." Napansin niya na nakatingin lang ako sakanya kaya umiwas ako ng tingin.

"I just can't believe that you're here with me Kath. I miss you so much!" Tumayo ito sa swing at niyakap ako ng mahigpit. I really miss this girl my bestfriend.

"Panira ka talaga ng plano Harm. Bukas pa dapat ako makikipag kita sainyo ni Joyce pero dahil ang drama mo napaaga tuloy." Agad naman akong napahiwalay sa yakap at tinignan siya ng seryoso. How did she know na andito ako sa park.

"Bat mo alam na andito ako?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Hello! Naka open GPS ng phone mo." Agad akong napa tingin sa phone ko at tama siya naka open nga. For sure nahanap na ni Zaori ang location ko.

"Let's go!" Sabi ko kay Katrina at hinila na siya papunta sa sasakyan ko.

"Talagang let's go dahil wala naman akong planong makipag kita sakanila ngayon." Sumakay din si Kat sa shot gun seat at pinatay ko narin ang phone ko para sigurado. Pero bago ko pinatay ang phone ko nag send muna ako ng message kay Patrick.

To:Patrick Esguerra❣️

I'm fine Pat! Don't worry okay? punta parin ako sa bahay ng mga Galves mamaya pero mga 11 na. May aasikasuhin lang ako.

Send 7:30 PM

"Let's go to our comfort place Harmony." Masayang sabi ni Katrina at pumalakpak pa.

"Italian restaurant!" Sabay naming sigaw at tumawa.

Nag drive na ako papunta sa favorite naming kainan ni Katrina. Kung saan kami lang dalawa ang nakakaalam. Tahimik lang kami sa byahe dahil sabi niya sa restaurant na daw kami mag-usap habang kumakain.

Walang masyadong traffic dahil siguro nasa kanya kanya ng tahanan ang mga tao. Buti nalang 24 hours parin naka bukas ang restaurant na ito. Naghanap na kami ng uupuan at napili namin sa pinaka dulo.

"Anong order mo Harmony?" Tanong ni Katrina saakin habang naka tingin sa menu.

"Lahat." Tumingin siya saakin na nanlalaki ang mata.

"Ganyan ba kapag may problema?" Umiiling pa siya habang pangisi ngisi.

"Gaga hindi mo ba naisip na yung mga workers dito hindi makakauwi sa mga pamilya nila mamaya? Kaya ibibigay natin yung iba sakanila." Napatango tango naman ito at magtawag na ng waiter.

Noong una nagtataka pa yung waiter dahil ang dami namin order. Pero kinuha niya parin ito. Nagulat ako ng biglang lumapit yung muka ni Katrina saakin.

"Tingin ng tingin yung nasa kabilang table." Napatingin din ako doon at tama siya nakatingin nga yung dalawang lalaki saamin. Tumayo yung isa at lumapit sa table namin.

Perfect ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon