"Nao, tingin ka dito sa ibaba." Kipkip niya ang kanyang mga books ng bigla siyang hilahin ng kanyang kaklase na tumingin sa ibaba ng kanilang school building. Nasa ikalawang lang kasi sila dahil galing sila sa library. Kunot-noong naglakad siya papunta sa kinaroroonan ng kaklase at kaibigan na rin. Gusto niya itong taasan ng kilay alam naman nitong may suot siyang high heels, wash day nila ng araw na iyon kaya pwede silang magsuot ng mga kung anu-anong pwede nilang suotin. At sa kasamaang palad dahil muntik na siyang malate as usual kaya kung anong unang nakita niya ang unang naisuot niya at nakapagheels siya kaya para siyang timang kung maglakad.
Agad niyang sinundan ng tingin ang lugar na gusto nitong tingnan niya. Tinaasan niya ng kilay si Gareth ng mapansing mga nagkukumpulang mga students sa undergraduate department lang naman ang nandoon na para bang may pinamimigay na free taste na kape kung makapaghilahan at tulakan.
"Anong meron?" takang tanong niya dito.
"Ano ka ba Naome-."
"My name is read as Na-yu-mi and not Naw-mi," pagtatama niya sa kasama, can't they get it right?
"Naome na kung Naome, ano ka ba naman Nao hindi iyan ang gusto kong tingnan mo kundi iyon oh." Itinuro nito sa kanya ang kabilang panig ng campus kung saan may mga lights and cameras at mga pulis na nakatayo.
"May shooting?" inis na hinila na nito ang kanyang bangs.
"Shunga ka naturingan ka pa namang dean's lister sa medicine department. Hindi iyan, iyong nakatayo sa gitna." Tiningnan na niya ang tinutukoy nitong nakatayo sa gitna ng kung saan man iyon. She narrowed her eyes para masilayang mabuti ang naturang lalaki dahil lalaki naman talaga ang nakatayo sa gitna. Matangkad ito sa pangkaraniwang lalaki and well-built too, pwedeng pang model which she doesn't care. Dahil malayo ay hindi klaro sa kanya ang hitsura nito kung gwapo ba ito o hindi. Pero sa tingin niya ay may hitsura ito lalo pa at iyong mga students na parang nasa isang mall sale kung magtulakan masilayan lang ito.
"Sino-."
"Oh my God! Si Miggy Ventura ba iyan?" Napatingin siya sa babaeng tumabi sa kanya na tinutukoy yata ang lalaking iyon. "Si Miggy nga halika lapit tayo hindi nakakasawa ang kagwapuhan ni Miggy."
Tiningnan niya si Gareth na nagniningning ang mga mata habang nakatingin din sa naturang lalaki.
"Sino si Miggy Ventura?" Tanong niya dito, Gareth looked at her with those sharp and deathly gaze na para bang papatayin siya sa sariling tanong niya.
"You don't know the great Miggy Ventura?" nanggagalaiting tanong nito na para bang hindi makapaniwala na nag-eexist pa siya sa mundong ibabaw. "Seriously Nao lumabas ka naman sa lungga mo paminsan-minsan para naman may makilala kang gwapo at hindi iyang boyfriend mong panget ang palagi mong nakikita."
Batuhin kaya niya ito ng book. "Nagtatanong lang ako kung sino ang pontio pilatong iyon at sana naman no hindi mo na laitin ang boyfriend ko." Nakangusong reklamo niya dito. Kahit kailan talaga ay hindi nito nagustuhan ang boyfriend niya.
"Dahil pangit siya- hindi pala dahil I don't like him lang talaga hindi kayo bagay kung baga sa love team wala kayong chemistry. Hiwalayan mo na lang kasi si kabayan."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Sinong kabayan?"
"Si kabayang Noli de Castro."
"His name is Noli Apolinario." Pagtatama niya.
"Does it sound different? Duh! Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa isang iyon ni hindi ka nga niya madala sa isang disenteng restaurant para sa date ninyo at mas lalong hindi nga iyon sweet. I don't know why you like him."
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Lãng mạn"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...