Chapter Thirteen

128K 2.4K 249
                                    

                "KUMAIN na rin kayo Doktora." Yaya ng mga kasamahan niyang naanod ng baha. Hindi niya alam kung nasaan sila dahil nagising nalang siya na nakasabit sa isang puno. Wala siyang kakilala ni isa sa mga kasama niya ngayon sa lugar na iyon. Marami ang nasaktan at nasugatan, may mga nasawi din ang buhay sa katunayan ay nangangamoy na ang iba. Tumila na ang ulan pero ang mga luha at takot ng kanyang mga kasama ay tila hindi maubos-ubos.

Ilang araw na sila sa lugar na iyon at ang tanging kinukunan nila ng pagkain ay ang mga naanod na mga noodles at mga de-lata. Iyong iba ay pinapasok nalang ang mga bahay na naiwang bakante ng mga dating nakatira. Alam nilang mali ang manira ng mga bahay ng may bahay pero kung iyon lang ang tanging paraan upang makaligtas sila gagawin niya.

Nasaksihan niya gamit ang kanyang sariling mga mata kung paano halos magpatayan na ang mga tao para lang sa kakarampot na pagkain. Ang mga bata ay umiiyak na dahil sa gutom at marami na rin ang nagkakasakit dahil na rin sa bacterial infection at sa lamig ng panahon lalo na kapag sumapit ang gabi.

Ang ilan sa may edad ay hindi na kumakain kapag hindi na nila kaya ay saka nalang sila maghahanap ng pwedeng makain. Ang mga damit na suot nila ay kinuha din nila sa mga bahay na malapit sa kanila. Hindi sila pwedeng maging choosy or else mamamatay sila sa sakit at lamig.

Tiningnan niya ang nagyayang kumain sa kanya, isa ito sa mga matatandang madre na katulad niya ay naanod din sa maliit na barangay na iyon.

"Salamat Sister Michelle pero kaya ko pa naman po."

Umiling ito sa kanya. "Naku hindi ka pwedeng magpagutom doctora kaming lahat ay umaasa sa iyo kahit nakakahiya man. At kanina ka pa naglalakad-lakad upang gamutin ang mga maysakit."

Napangiti siya sa sinabi nito at napaupo na rin sa tabi ng butihing madre. "Kaya ko pa po talaga. Pagod lang siguro ako pero kaya ko pa."

Tumitig ito sa kanya. "Alam mo hija isa ka sa mga nakilala kong may magandang mukha pero napakalungkot ng puso mo."

"Paano niyo po nasabi iyan?" biro niya.

"Matanda na ako Doktora marami na akong nakilalang tao sa buhay ko, iba-ibang tao. Kapag nasa simbahan ka nagsisilbe makikilala mo ang iba't ibang klase ng tao. May mga taong kung tingnan mo mabait pero ang totoo may tinatagong sama sa buto. May mga tao din na akala mo masama pero mabubuti pala. Wala kasing perpektong tao lahat may kahinaan lahat may kagandahan. Nasa tao lang iyan kung paano niya tatanggapin ang sarili niyang kahinaan at paano niya pagyayamanin ang kanyang kagandahan." Marahan nitong hinaplos ang pisngi nito. At sa isang iglap lang ay natagpuan niya ang sarili niyang umiiyak habang hawak ang kamay nito.

"Ibuhos mo lang ang lahat ng sakit hija hindi nakakabawas ng pagkatao ang pag-iyak. Sa tingin ng iba ay simbolo iyon ng kahinaan pero ang totoo iyong mga taong umiiyak dahil nasasaktan sila pa iyong mas matatapang. Nakikita ko kung gaano ka katapang dahil kahit nasasaktan ka ay nandito ka pa rin. Hindi ka nagpakain sa lungkot at sa sakit."

"Muntik na sister, muntik ko ng hindi kayanin. Mahina po kasi ako."

"Ito ang tandaan mo hija hindi ka mahina. Walang taong mahina, nawawalan siguro tayo ng pag-asa pero hindi tayo mahina."

"Masyado na po akong nasaktan sister, iyong mga magulang ko hindi ako tanggap, iyong lalaking mahal ko sinaktan naman ako."

Hinayaan siya nitong umiyak habang hawak ang kamay nito.

"Paano ba nananalo ang isang sundalo sa laban?" napatingin siya dito hindi kasi niya maintindihan ang sinabi ni sister. "Walang sundalo na nagwawagi sa laban ng walang ginagawa, iyong mga nananalo ay sila iyong nasusugatan, sila iyong napapagod at sila iyong dumaan sa matinding sakit. Kapag nakalabas ka sa giyera ng buhay ibig sabihin panalo ka." Mahinang tinapik-tapik nito ang kanyang palad. "Katulad din iyan ng buhay natin, kung hindi tayo mahihirapan, kung hindi tayo masasaktan at kung hindi tayo napapagod ibig sabihin hindi tayo lumalaban. Pero kapag naranasan mo ang lahat ng iyon at nanatali kang matatag ibig sabihin panalo ka. You can never be a loser because you were born to be a winner, nasa iyo lang kung paano mo lalaruin ang laban."

Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon