"ATE, alis na ako nandito na si beshy." Paalam ni Yzzy sa kanya habang naghahanda naman siya ng kanilang almusal. Sinamaan niya ito ng tingin lalo pa at narinig na naman niya ang tinutukoy nitong 'beshy'.
"Papasukin mo si Giddy dito saka ka umalis."
Napakamot ito ng ulo at binuksan ang pintuan, pumasok si Gideon na anak ng may-ari ng Royale. Lihim siyang napangiti ng mapansin ang walang ekspresyon ng mukha nito as always, palagi naman itong expressionless unless si Yzzy ang nakasalalay. Mas matanda si Gideon ng apat na taon keysa kay Yzzy pero magkaibigan pa rin ang dalawa at saka bantay sarado siya kay Yzzy na kapatid ng bestfriend niyang si Yvonne na nagtatrabaho sa ibang bansa siya kasi ang nagpresentang alagaan ito.
"Good morning po." Bati ni Gideon.
"Pakainin mo muna si Yzzy ha bago mo siya kidnapin." Biro niya nagkasalubong naman ang mga kilay ni Gideon na bumaling kay Yzzy.
"Sabi mo tapos ka ng kumain?"
"Yup, last night pero ngayon hindi pa." Hinila ni Gideon si Yzzy at pinaupo sa hapag na may mga pagkain.
"Eat." Napa-iling nalang siya sa pinapakitang possessiveness ni Gideon kay Yzzy. Matanda na siya at kahit na hindi aminin ng binatilyong ito alam niyang higit pa sa pagiging kaibigan ang turing nito sa inaalagaan niya. Umupo na rin siya upang kumain dahil malelate na siya sa trabaho niya, morning shift kasi siya ngayon.
"Ate malelate ako ng uwi ngayon may date kasi ako." Paalam nito sa kanya pero bago pa man siya makapagreact ay naunahan na siya ni lover boy nito.
"Umuwi ka ng maaga mamaya Yzekeah may test ka pa bukas mas importante iyon keysa sa anong date."
Sinimangutan lang ni Yzzy si Gideon na hindi maipinta ang mukha, she bit the sides of her cheeks para hindi bumulanghit ng tawa.
"Eh, project iyon."
"Bakit ka makikipagdate all girls school ang school?"
Ngumisi si Yzzy. "Babae naman talaga ang kadate ko iyong partner ko sa project kayo naman masyado kayong malisyoso." Reklamo nito.
"Punta ka sa Royale mamaya isama mo doon ang partner mo." Utos ni Gideon.
"Aye! Aye! Captain!"
Pagkatapos kumain ni Yzzy ay inihatid na ito ni Gideon sa school nito, minsan gusto niyang mainggit kay Yzzy pero agad din niyang iniwas ang isiping iyon. Ilang taon na rin ang nakakalipas since hiniwalayan siya ni Noli na ngayon ay mahal pa rin niya. Hindi na siya masyadong masakit dahil alam naman niya na masaya na ito sa kung sinong mahal nito masyadong mabait sa kanya si Noli. He was her savior back then kaya tama lang siguro na hindi siya magtanim ng sama ng loob para sa kababata.
Umalis na rin siya sa modeling stunt niya at masaya siya sa pinili niya lalo pa at isa na siyang ganap na doctor sa isang malaking hospital ngayon. Actually head director doon ang daddy ni Gideon na si Doc Wess. Kasalukuyan din siyang nagpapatayo sa Central Business Lagoon Park ng isang maliit na clinic.
Pagkatapos ayusin ang mga gamit niya ay agad siyang nagpunta sa St. John Hospital kung saan siya nagtatrabaho. Kaso biglang nag-init ang ulo niya ng bigla siyang maabutan ng traffic na hindi naman karaniwang nangyayari sa mga oras na iyon. Gamay na niya ang oras sa pagpasok niya sa hospital, may napansin siyang banggaan sa hindi kalayuan and her instinct as a doctor tells her to approach it. Isang wasak na sports car at isang van ang nagkabanggaan.

BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Romance"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...