Chapter Four

101K 2.3K 241
                                    

                AYAW niyang mag-effort kaya nga hindi talaga siya nag-effort sa pagpunta sa bahay ng sinungaling na lalaking magnanakaw ng kiss. That pervert alien--- sinampal-sampal niya ang magkabilang pisngi dahil sa biglaang pamumula niyon ng maalala ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa kahapon. Aminin man niya o sa hindi talagang hindi nakaya ng utak niya ang naturang eksena maybe because that was her first kiss and again he will never knew that.

Tumingin siya sa kanyang relos at eksaktong seven fifty eight ay itinulak na niya ang pintuan ng bahay nito na palaging bukas. At iyong mukha ni Miggy ay parang nahulugan ng malaking bunga ng durian ng makita siya mukhang kanina pa ito nakatingin sa sarili nitong relos.

"Tsk, you are too early." Reklamo nito sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. "It's already seven fifty-eight two minute nalang at late na ako. Gusto mo lang yatang makahalik sa akin." At ngumisi pa ang loko mukhang tama nga ang nasa isip niya.

"Ang talino mo talaga baby doll and since maaga ka naman bakit hindi mo muna ako alagaan." Marahas siyang napabuntong-hininga.

"Paano kita aalagaan kung wala ka namang sakit?"

"Anong wala? Merong masakit sa akin."

"At alin naman aber?"

Hinawakan nito ang ibabaw ng dibdib nito. "Ang puso ko."

She cackles at him. "May puso ka pa pala?"

"Ang sakit mo talagang magsalita baby doll." Nakangusong hinawakan nito ang cellphone nito at may idenial na number. Nakatingin lang ito sa kanya at sobrang lapad ng ngisi habang siya ay nag-isang linya na ang mga kilay lalo na ng umakto itong umuubo. "Hello? Doc Wess this is-." Huminto ito para pekeng umubo. "Miggy I would like to inform you na si Doc-." This time siya na pumigil dito tinalon niya ang kinaroroonan ni Miggy tapos ay umupo siya sa kandungan nito at pinilipit ang leeg. She is straddling him while choking him to death she signed him to behave. "Doc Andrada is already here para alagaan ako. Itatawag ko po kung may gagawin siyang masama sa akin. Thank you Doc Wess." At pinatay na nito ang cellphone nito habang siya ay patuloy na sinasakal ang binata.

"Gusto mong dalhin kita agad sa langit?" asar na hinila pa niya ang buhok nito. Hindi pala niya ito pwedeng sakalin dahil baka mapatay na niya ito.

"Aw! Aw! Aray Naome!" sigaw nito.

"Masasaktan ka talaga sa akin leche flan ka talaga Allyxander Miguel!" tili niya. "Dapat sa iyo ay kunin na ni Lord."

Sa halip na pigilan siya ay tumawa lang ito habang siya ay sunod-sunod na habol ang kanyang hininga dahil sa pangigigil niya sa lalaking walang hiya.

"Baby doll, sa langit mo nga ako dadalhin sa ginagawa mo a few more moves and you'll send me there." Anito, his eyes were twinkling with lust and naughtiness saka niya napansin na nauupuan na pala niya ang flaglet nito. Aalis na sana siya ng bigla nalang nitong hapitin ang beywang niya making her stay in place.

"Miggy ano ba." Natatarantang tulak niya dito pero mas lalo pa itong lumapit sa kanya.

"Scared?" tukso pa nito.

"How about scarred face?"

Ngumisi lang ito habang siya naman ay tinutulak ito. "Oh my gulay! Miggy ano ito?" narinig niya ang malakas na pag-awww ni Miggy dahil naitulak talaga niya ito ng malakas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga oras na iyon habang nakamasid sa may edad ngunit maganda pa ring babae sa tabi nito ay isang gwapong may edad na lalaki din.

Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon