"Hello?" pupungas-pungas na sinagot niya ang tawag na gumising sa kanya, unregistered number kasi ang nandoon kaya sinagot niya baka kasi importante. "Hello?" ulit niya pero wala siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. "Kung manggigising ka lang naman ng mga taong pagod please lang huwag ako ang pagtripan mo." At asar na pinatay na niya ang tawag. May mga tao talagang walang magawa sa buhay nila kaya nangtitrip.
At dahil nagising na siya ng tuluyan kaya bumangon nalang siya at kinuha ang robe niya, when she is sleeping she prefers to wear her panties only. Nasanay na kasi siya na siya lang mag-isa kaya palaging iyon ang ginagawa niya. Humihikab pa siya ng bumaba siya ng hagdanan, okay lang naman kasi na matulog siya ng matagal dahil rest day niya ngayon, it's Sunday and she wants her Sundays to be her sleepdays.
Binuksan niya ang ilaw ng kanyang bahay at bumaha sa buong sala na karugtong ng kanyang kusina. Pagtingin niya sa kanyang wallclock ay gusto niyang mapaiyak dahil alas kwatro pa ng madaling araw. At nawala na ang antok niya. Kumuha siya ng tubig and brush her teeth the usual way she does kapag nagigising siya. Naghilamos na rin siya at nagpasya nalang na magjojogging kapag medyo okay na ang pakiramdam niya.
Pumunta siya sa sala at agad na nakita ang mga alaga niyang mga hamsters na hindi yata marunong mapagod dahil paakyat-baba ito sa bahay-bahayan ng mga ito. Naglagay siya ng mga sunflower seeds and checked if may tubig pa ba doon. Naupo din siya sa sofa at napapikit hoping na pwede pa siyang makatulog. And when she thought she can finally go back to sleep when her doorbell rung. Nagising na siya at inis na napatayo dahil sa asar niya at inis na binuksan ang pinto.
"Ano ba? You are- Miggy?" Napatingin siya sa gwapong binata na nasa harap niya. He is standing infront of her basa pa ang buhok nito, he is wearing a black sando beneath a black leather jacket, a faded jeans that hangs dangerously on his hips and a pair of mark and spencer's rubber shoes. He looks so dashing and breathtaking early in the morning at kung ito man ang magiging scenery niya every morning eh di hindi nalang siya matutulog.
"What the hell!? Why did you opened your door wearing like that?" kunot-noong at galit itong napatingin sa kanya. She looked herself and found her robe almost opened dahil hindi nga nabubuhol ng maayos ang roba niya. Mabilis niyang sinara at tinali ang roba niya pero parang hubad pa rin ang kanyang feeling sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. She heard him cursing before he pushed her inside her house and close her door. "Sa susunod na magbubukas ka ng pinto i-check mo muna kung sino ang pagbubuksan mo ng pinto lalo pa at hindi pa sumisikat ang araw. Paano kung masamang tao ang nasa labas?" galit na tanong nito as in sermon ang inabot niya sa gwapong mama. "Are you even listening to me?"
"Kagigising ko lang Miggy and I am a bit disoriented pwede bang mamaya ka na sumigaw? At saka sino ba ang matinong tao na pupunta sa bahay ng may bahay ng alas kwatro ng madaling araw?" malumanay na tanong niya. Ito naman ngayon ang natigilan at saka muling napatingin sa kanya.
"Tsk. Just dress." Tiningnan muli siya nito. "Are you even wearing bra?"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa bulgar ng salitang ginamit nito. Napayakap tuloy siya sa kanyang sarili at iniwas ang namumulang mukha mula dito.
"I only wear my panties when I am sleeping and as I said I just woke up." She defended herself. She heard him rumble and then push her towards her stairs. "Ano ba bakit ka ba nanunulak?"
"Magbihis ka, wear something comfortable aalis tayo."
"Ha? Saan?"
"Basta aalis tayo magbihis ka na or else ako ang magbibihis sa iyo." Seryosong banta nito. "And don't wear dress." Kunot-noong napatingin lang siya dito. "Do you have another bathroom?"
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Lãng mạn"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...