"GUSTO mo ba si Miggy?" natigil siya sa pagtupi ng kanyang ginamit na apparatus upang icheck ang blood pressure ni Dane. Nasa bahay siya ni Miggy, wala si Miggy may trabaho kasi ito kaya silang dalawa lang ni Dane sa bahay nito. She is Dane's personal doctor.
"Ano ba iyang tanong na iyan hindi ako prepared." Natatawang sagot niya habang inaayos ang pagkakapony tail ng kanyang buhok.
"Huwag mong iwasan ang tanong ko Nao alam ko ang sagot sa sariling tanong ko."
Tinawanan niya ito. "Kung alam mo bakit mo pa ako tinatanong." Pamimilosopo niya nabato tuloy siya nito ng unan.
"Because I want you to confirm it friend na kita kaya gusto ko magshare ka rin sa akin."
Napakamot siya ng ulo, kakarealized lang din niya na mahal niya ang lalaking iyon. Hindi niya inaasahan na makakafeel siya ng ganito because all of her life iisang lalaki lang ang minahal niya at iyon ay si Noli.
"If you love him masaya ako, gusto ko kapag nagmahal uli si Miggy gusto kong sa iyo na lang."
Kunot-noong napatingin siya dito. "Love again?"
"May first love si Miggy, her name is Olive." Olive? That name sounds so familiar. "High school sweethearts sila, magkababata. Kaya kilala namin si Olive at alam namin kung gaano kamahal ni Miggy si Olive. Siya lang kasi ang nakakapagpatino kay Miggy, you know naman siguro kung gaano kalapit sa girls si Miggy. Possessive din si Miggy kay Olive kaya walang nakakalapit sa kanya tanging si Miggy lang.
They love each other pero hindi sinagot ni Olive si Miggy dahil nga sa nagdadalawang isip ito. Natatakot itong baka kapag sinagot niya si Miggy ay masaktan siya dahil sa daming babae ni Miggy. Malapit si Migz sa mga girls pero noong nililigawan niya si Olive ay hindi kailanman ito nakipagdate sa iba."
Something inside her chest restricts due to pain.
"Seryoso si Miggy sa kanya hanggang sa tuluyan na nitong ibasted si Miggy. He was heartbroken, kung sinu-sino na ang babaeng dinedate nito. Kani-kanino nalang siya nalilink wala siya ni isa man na sineryoso hanggang sa ngayon. Pero ng makita ko siya na kasama ka, kapag nakikita kong magkasama kayo napagtanto ko na unti-unti mong ibinabalik ang dating Miggy. Iyong sweet and caring at hindi iyong malandi at mapaglaro lang."
He is sweet and caring but he is also malandi and playful to her. Ibig sabihin hindi ito seryoso sa kanya—wait—kailan nga pala ito nagseryoso sa kanya?
"Mali ka yata sa observation Dane."
"Ha?"
"About kay Miggy, huwag mo akong ilink kay Miggy dahil hindi talaga siya seryoso sa akin. He is just playing around."
"Hindi iyan ang nakikita ko."
"Pero iyon ang nakikita at nararamdaman ko Dane." Kinurap niya ang mga mata niya upang alisin ang namumuong luha sa kanyang mga mata. "Huwag mo siyang itukso sa akin baka kasi tumaas ng ilang lebel ang pag-asa ko sa kanya at masaktan na naman ako."
Napatitig ito sa kanya. "Lahat naman tayo nasasaktan pagdating sa love." Mapait itong ngumiti sa kanya. "Kung may gusto kang makuha maging matapang kang harapin ang lahat ng sakit."
Mapait din siyang ngumiti dito. "Madaling sabihin Dane na maging matapang na harapin ang lahat ng sakit. Kaso buong buhay ko iyon na lang ang nararamdaman ko, my mom doesn't love me and left me almost breathless when she pushed me and I hit my head on a hard material. She hates me, she doesn't love me." She chuckled. "Everyday is a trial for me, dahil araw-araw kung hindi man niya ako sasaktan ng pisikal ay sinasaktan niya ako emotionally. I need to face that pain everyday. Kung hindi ako naligtas ng mga kapitbahay ko malamang patay na ako ngayon."
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Romansa"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...