"YOU look beautiful tonight sis." Hinalikan niya ang kapatid sa pisngi.
"Thanks kuya." Nasa Haven's sila ng mga oras na iyon, gusto sana niya sa Royale kaso fully book na sa Royale's kaya dito nalang sila. Kababalik lang ng kapatid niya mula sa London, consistent ang communication nila at sa palagay niya ay hindi alam ng ama nila na may komunikasyon pa sila. Hindi pa rin niya nakikita ang mommy nito pero alam niyang alam ng mommy ng kuya niya na nag-eexist siya sa mundo.
Ilang taon na rin ang lumipas since nakita niya ang mommy niya, she was eleven then and now she's twenty three lampas isang dekada na nga yata. Mabait naman ang yaya niya kaya lang masyado na itong matanda para alagaan pa siya kaya naisipan niyang pagpahingahin nalang ito since kaya na naman niyang mabuhay ng mag-isa.
"Mukhang masaya ka." Pansin niya sa masayang vibe ng kapatid niya, nitong mga nakaraang linggo ay halos hindi maipinta ang mukha nito dahil nga sa biglang umalis ang babaeng una nitong minahal, who happened to be Allyxandrea Ventura ang nakakatandang kapatid ni Miggy. Base sa nabalitaan niya ay nakipagtanan daw ito sa childhood love nito and sort of, it makes her happy dahil hindi magiging parte ng buhay ng mga Ventura ang kapatid niya. "Bumalik na ba si Allyxa?"
Umiling ito. "Nope." He said popping 'p' to emphasize that Allyxa is not the reason for his happy mood kaya nga nagtaka siya dahil madalas ay ang babaeng iyon lang naman ang reason kung bakit masaya at malungkot si Gray.
"Kung hindi siya eh di the who?" she asked teasingly, kung may bagong tinitibok ang puso ng kuya niya then be it, masaya siya.
"The who agad-." Natigilan silang pareho ng biglang may nagflash na kung ano sa kung saan. Napabuntong-hininga nalang siya and apologetically smile at her brother.
"Sorry kuya ha marami talagang paparazzi." Hingi niya ng tawad dito. Ngumiti lang ito sa kanya dahil alam naman niyang naiintindihan siya ng kapatid niya.
"I understand iba na talaga kapag may kapatid kang supermodel." He even winked at her kaya napatawa nalang siya. She really changed for the better, hindi na siya gaya noon na hindi mo mapagsalita dahil sa nahihiya. "Are you going to continue modeling right after you finished your med school?" maya-maya ay tanong nito tuluyan na nitong inalis ang unang topic nila na sino ang nakakapagpasaya dito ngayon.
"I am going to quit modeling kuya, mas priority ko pa rin ang pagdodoctor ko." Sagot niya, isang sem nalang ay matatapos na siya. Kailangan pa niya ng time para magreview sa board at asikasuhin ang kanyang internship. Hindi ganoon kadaling maging doctor, hindi lang dahil sa nakakabit sa pangalan ang dahilan kung bakit marami ang gustong magtapos ng medisina may iilan pa ring tulad niya na gusto talagang maging doctor.
"Good, ayoko din na magtagal ka sa pagmomodel." As usual, her possessive brother still. "How about that boyfriend of yours?" her brother grimaced when he mentioned Noli, ewan ba niya pero ramdam niyang ayaw nito kay Noli para sa kanya. Bakit lahat nalang sila ay ayaw kay Noli?
"He is working my dear brother he is an I.T specialist sa isang call center company kaya busy siya dahil iba ang schedule namin." She defended her boyfriend, ang isa sa pinakamain reason why her brother doesn't like Noli ay dahil sa wala itong oras sa kanya gaya nga ng sabi nito. Gusto kasi itong makausap ng kapatid niya pero hindi ito dumating pinagtanggol lang niya ang kasintahan sa kapatid niya. Busy naman talaga si Noli.
Napansin niyang napatingin si Gray sa cellphone nito. "May hinihintay?" tukso niya.
"I can't call her." Anitong nakasalubong na ang dalawang kilay.
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Romance"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...