Extra#2: His Side of the Story

173K 3.2K 206
                                    

Extra#2: His Side of the Story

            HE is looking at his wife sleeping peacefully after their kitchen encounter a while ago, mukhang napagod yata niya ito ng husto to think naka-isang round lang sila. She usually lasts three to five before she got pregnant with their child. Hindi naman sa nagrereklamo siya dahil noong malaman niyang buntis ito ay abot-abot ang saya na naramdaman niya. Iba pala talaga ang feelings kapag sinabi ng doctor na magiging tatanay na siya nakakabangag lang, akala mo ang pinakamasayang feeling ay noong sagutin siya at pakasalan ng babaeng mahal mo may iba pa pala, iyong malaman mo na buntis ang babaeng mamahal mo ang saya din ng feeling it’s a never ending roller coaster happiness.

            Kapag nakapanganak na si Nao gagawa ulit sila ng marami, napangisi siya sa kanyang naiisip. Hindi talaga siya nagsasawa sa asawa niya at mas lalong hindi niya akalain na may ganito palang klase ng kasiyahan.

            “I love you.” He whispered, para siyang tanga na paulit-ulit ang pagbulong ng mga salitang iyon. Bahagya itong umungot at saka niyakap siya kaya nga bumangga ang may kalakihan nitong tiyan sa kanyang tiyan. It feels heaven.

            He can still remember like it was an hour ago the first time he laid his eyes into this woman.

Flashback

            Another photoshoot.

            Iyon ang nasa isip niya habang nakatingin at nakangiti sa maraming tao sa loob ng university na iyon. It’s a coed university, not really co-ed. May dalawang building ang naroroon sa school campus, iyong isa naman ay ang Winhlan University an all girl’s school. Alumni ang pinsan niyang si Chloe. Nababagot na siya sanay na siyang ngitian ang mga fans niya since bata pa lamang siya ay nagtatrabaho na siya bilang modelo but this time tila ba tinatamad siya.

            He looks at his phone, walang text from Olive ang kababata niya na nililigawan niya at binigyan niya ng sobrang effort. Ibig sabihin ay basted na talaga siya hindi niya alam kung bakit ayaw nito sa kanya na kung tutuusin ay nakikita naman niyang attracted ito sa kanya. She isn’t conceited or anything he just know how to read people at hindi siya manliligaw dito kung alam niyang wala itong feelings sa kanya kaya nakapagtatakang hindi pa rin siya nito sinasagot hanggang ngayon.

            Maybe he should move on—nahh—natigil siya sa pag-iisip ng marinig niya ang boses ng kanilang manager na si Jasmine na mukhang naghaharumintado na at pulang-pula na sa galit.

            “How dare that model kasisimula pa lang niya ay nag-iinarte na? pwes, sabihin mo sa kanya na hindi siya kagandahan at hindi na siya makakatapak sa modeling world.” Inis na sikmat ng manager niya sa mga staffs nito.

Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon