Chapter Eleven

108K 2.3K 250
                                    

"Our wedding."

Kahit ilang buwan na ang nakakalipas ay iyon pa rin ang paulit-ulit niyang naririnig sa isip niya. Kahit na lumayo na siya. Sinundan niya si Nao sa restaurant kung saan ito nagpunta, he is ready to tell her about his feelings. Pero iyon ang nadatnan niya, iyong mga salitang iyon ang narinig niya. At kahit dalawang salita lang iyon ay parang pumapatay na iyon sa kanya. Kaya agad siyang umalis at tinanggap ang tatlong buwan na trabaho sa ibang bansa. He already quit modeling pero gusto niyang makaiwas at makapag-isip.

Kaya ba niyang mawala si Nao sa kanya? He already loved her, he fell but she doesn't feel the same. She still loves that that guy... na kung tutuusin ay mas lamang siya sa lahat ng bagay. That guy and Nao was still in relationship when he found out that he was cheating and good thing nakinig ito sa kanya at nakipaghiwalay kay Naome.

Noong una akala niya ay wala lang sa kanya ang nararamdaman niya, he still longs to be with his first love. Pero ng lumaon ay pakiramdam niya hindi na kompleto ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita at nakakausap. Hanggang sa natagpuan nalang niya ang sariling nagmamahal na dito, at alam niyang kalokohan ang ginawa niyang pagyaya kay Olive na maging boyfriend nito.

Gusto lang niyang ipakita na pagbalik niya, kahit kasal na ito ay okay lang siya. Na hindi siya nasasaktan pero masakit pa rin dahil isang tingin lang sa kanya ay alam niya impossible pa siyang makapagmove-on. Sabi nila, kung mahal mo ang isang tao set them free dahil mas sasaya sila sa taong mas gusto nila, kahit na mahirap. Kung si Noli ang taong makapagpapasaya kay Naome then be it.

"Dito lang ako Miggy." Untag ni Olive sa kanya inihatid na niya ito sa bahay nito dahil pareho nilang pansin na tila walang ganang pansinin ng mga kaibigan at kasama niya ang girlfriend niya.

Pagkatapos niyang ihatid si Olive sa bahay nito ay bumalik na siya sa bahay ng mga magulang niya para magpaalam. Everything is so blurry and he can't believe he blew it-

"Shit!" isang malutong na mura ang naibulalas niya ng biglang may dumapong suntok sa pisngi niya. Nayanig ang buong utak niya dahil sa suntok na iyon. "What the fuck was that kuya?" galit na tanong niya sa kapatid niya. At ng makatayo na siya ay inundayan naman siya ng suntok ni Grayzon he can already taste the blood from his lips.

Tiningnan niya ang mommy niya and even his dad who looks at him with disappointment. Kahit na ang mommy niya ay umiiling na tiningnan lang siya.

"What's wrong with you people? Bakit ba kayo nanununtok?" inis na pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kanyang mga labi.

"You are such a jerk Miguel hindi ko alam na ganyan ka pala kababa." Galit na sita ni Dane.

Naguguluhan na siya sa nangyayari sa bahay ngayon and then he remembered Naome making him curse again.

"Is it about Nao-."

"No, this is about how stupid you are. Nandiyan na iyong babaeng mamahalin ka pero pinakawalan mo pa, binalikan mo pa iyong- I can't even say her name." Si Yelena.

"Why are you so against with Olive? She is my girlfriend now."

"Sana hindi ka magsisi sa naging desisyon mo Miggy." Her sister said still looking disappointed. "Kapag narealized mong mali ka ng desisyon hinding-hindi mo kami malalapitan para hingan ng tulong."

"Ano ba ang pinagsasabi niyo, Naome is already married." Nagtinginan ang mga kasama niya sa kanya at napa-iling.

"Hun," nag-aalalang tawag ni Yelena sa asawa nito.

Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon