"PWEDE ba tayong mag-usap." Seryosong salubong ni Olive sa kanya, kagagaling lang niya sa clinic upang alamin ang mga nangyari doon habang wala pa siya. At saka gusto niyang iwasan si Miggy na kung hindi dahil sa pakiusap ng mommy nito ay hinding-hindi siya papayag na halos araw-araw ay nasa bahay na niya ito.
Hindi naman sila nag-uusap, sa totoo lang ay para itong tanga na nakatingin lang sa bawat galaw niya. Kaya nga mas pinili nalang niyang sa loob ng kanyang silid siya manatili kasi doon nakakaramdam siya ng katiwasayan. Wala pa siyang lakas ng loob na sabihin dito ang desisyon niya o kaya naman ay sa kanyang kapatid. Gusto niyang maayos ang lahat bago siya tuluyang umalis.
Tinitigan niyang mabuti si Olive, bakas sa mga mata nito ang labis na sakit habang nakatingin sa kanya. Nararamdaman din naman niya ang sakit na nararamdaman nito.
"Sure." Maybe it's the right time to settle things with her. Pumasok sila sa isang coffee shop at umupo sa mesa na malayo sa mga tao. Tinitigan lang siya nito at ganoon din siya. Pagkatapos nilang mag-order ay isang nakakabinging katahimikan ang biglang namayani sa kanilang dalawa, she is about to break it whe she spoke.
"Ako ang nauna." Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Alam niya ang ibig sabihin ng kaharap, it's all about Miggy. "Pero ikaw ang huli."
"What do you mean?"
Olive glared at her but softened with sadness when she looks at her. "Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin. Hindi ka bobo dahil alam kong matalino ka, madalas sabihin ni Miggy sa akin na may kakilala siyang doctor na masungit pero maganda, matalino dahil naging summa cum laude noong undergrad course niya. I know you are smart so I know you know whom we are talking about." Bahagyang tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Olive. Hindi niya alam na binabanggit pala siya ni Miggy dahil hindi naman ito nagbabanggit ng tungkol kay Olive kapag sila ang magkasama.
"Sorry Olive, I don't know anything about you." Mahinang sabi niya.
Isang malungkot na tango lang ang ibinigay nito sa kanya. "I know, he never mentioned anything about me when she is with you because it's all about you Naome. It's all about you he loves to talk about."
"Ano ba talaga ang point mo?"
Hindi ito agad nagsalita at kinuha ang palad niya. Pumiksi siya dahil naiilang pa rin siya kapag may ibang may hawak sa kanya. Pinigilan nito ang kanyang palad at binuka iyon saka may malamig na bagay na inilagay doon.
"I love Miguel ever since."
"Bakit mo siya binasted?"
"That's my biggest regret Naome, kung sana ay inangkin ko na siya noon pa hindi kayo magkakakilala he was supposedly mine dahil ako ang nauna. Nagduda ako sa pagmamahal niya sa akin dahil sa unang tingin sino ba ang mag-aakalang ang isang tulad niya ay magkakagusto sa isang tulad ko. Simple lang naman akong tao. Iyong mga tao sa paligid namin palaging sinasabi na ang swerte ko raw dahil siya ang nanligaw at hindi ko iyon matanggap. Insecure ako inaamin ko iyon. Nang magkalakas naman ako ng loob na iparamdam sa kanya na handa na ako ay saka ka naman sumulpot. I saw how he cares for you dahil kahit kami ang magkasama ay iiwan niya ako para sundan ka. Kahit na kami ang kausap ay papatayan niya ako ng telepono dahil gusto ka niyang kamustahin. Kahit na kami ang magkaharap ay ikaw ang bukang bibig niya. And everytime he does that, it broke my heart. Kung sa tingin mo ay nasaktan ka dahil sa nangyari paano naman ako? Mas matagal ko siyang nakilala at nakasama pero ikaw pa rin ang huling pinili niya. It's not about the first, it's about the last."
Binitiwan na nito ang palad niya at napansin na nandoon na ang kwentas kung saan nakasabit ang singsing ni Miggy... his mark.
"Why-."
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Любовные романы"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...