Chapter Twelve

114K 2.3K 150
                                    

                PAGKAGISING niya ay agad siyang nagbihis at dinala ang mga gamit niya sa kanyang sasakyan. Iiwanan nalang siguro niya iyon sa bahay ni Yzzy at ni Yvonne. Ang weird lang feeling kasi niya ay may kasama siya sa loob ng bahay niya kanina pero wala namang tao.

Isa lang ang destinasyon niya, ang puntahan ang ina niya. Gusto niya itong makausap, gusto niyang itanong kung bakit galit na galit ito sa kanya. Ipinarada niya sa parking lot ng naturang institusyon ang kanyang kotse. Kinakabahan pa rin siya pero naranasan na niya ang lahat ng sakit kaya alam niyang makakaya na niya. Yesterday was like a nightmare to her, everything she thought that was okay suddenly flopped. Nang magising siya kanina ay medyo magaan na ang pakiramdam niya.

Dinala sa receiving area ang mommy niya, dapat ay dadalhin ito sa mental institution gaya ng gusto ng kapatid niya pero sinabi niyang ipakulong nalang ito. Hindi naman siguro baliw ang mommy niya alam niyang may mabigat na rason ang nanay niya kung bakit nagawa nitong saktan siya ng paulit-ulit.

"Tsk." Nagtaas siya ng tingin ng makita ang mommy niya. "Bakit ka pa nagpakita sa akin? Wala ka talagang kwenta."

"Mommy."

"Ano?"

"Bakit po ba kayo galit na galit sa akin?" pinilit niyang patatagin ang sarili niya habang naghihintay sa sagot nito.

"Hindi pa ba obvious? Akala ko ba matalino ka hindi ba doctor ka na dapat alam mo ang sagot. Ano ba naman iyan kung hindi mo alam eh di sasabihin ko. Ikaw ang sumira sa buhay ko ang ama mo ang sumira sa buhay ko." Nakangising sagot nito.

"He doesn't like me mommy, he hates me too. Bakit ganoon?"

"Simple lang iyan hindi ka dapat nabuhay sa mundo dahil wala kang lugar dito. Iyang buhay mo utang mo iyan sa akin wala kang silbe sa mundong ito kaya dapat ay mamatay ka na lang. Bakit hindi mo patayin ang sarili mo? Kapag ginawa mo iyon sigurado akong mas maraming sasaya wala namang may kailangan sa iyo dito."

Kinagat niya ang labi niya upang hindi lumabas ang hikbi na kanina pa niya pinipigilan. Alam niyang hindi siya dapat magpakain sa sinabi ng ina niya pero nagsisink in iyon sa kanya, may punto ang bawat katagang binitawan nito.

"Maganda ka lang pero hindi sasapat ang ganda Naome." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Katulad din kita, gustong makuha ng lahat pero hindi kayang mahalin. Mabubuhay kang tulad ko." At isang malakas na sampal ang ginawad nito sa kanya. Napabaling ang mukha niya sa kaliwa, nalasahan niya ang alat at bakal sa gilid ng kanyang mga labi. "Magpakamatay ka na lang."

Nakita niyang pinasok na uli ito ng mga pulis sa selda habang siya naman ay napaupo nalang at nagsimula ng umiyak. Panay ang punas niya sa mga luha niya pero hindi iyon maubos-ubos.

"Miss okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga bantay na marahil ay nakita ang nangyari kanina.

"I'm okay." She tried to fix herself pero alam niyang impossible iyon kaya naglakad nalang siya palabas ng lugar na iyon. She is still crying.

"Naome!" mas lalo siyang napahikbi ng marinig ang boses ni Miggy. "Bakit ka ba nagpunta pa dito." Nagtaas siya ng tingin sa may-ari ng ng palad na marahang dumapo sa mukha niya. Si Miggy nga...

"Bitiwan mo ako." Malamig na utos niya sa kaharap. Naalala na naman niya ang mga eksena kahapon kung saan dinurog nito ang puso niya ng ilang ulit dahil may girlfriend na ito.

"No! bakit may sugat ka?" she winced when he touched the wound her mother inflected.

"Ano ba ang pakialam mo kung may sugat ako." Nang hindi siya nito binitiwan ay malakas niya itong itinulak. "Pwede ba Miggy layuan mo na lang ako." Pakiusap niya dito, galit siya dito. Galit siya dahil nasasaktan siya.

Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon