MAHIGPIT niyang niyakap si Noli na ngayon ay kaharap na niya, hindi siya makapaniwala na after all these years ay magkikita uli sila. And true to her feelings wala na siyang naramdamang kakaiba para kay Noli, mukhang sa simula palang talaga ay hindi na romantic feeling ang nararamdaman niya para sa binata. Masyado lang siyang nabulagan noon dahil ito lang ang kaisa-isang taong pinayagan niyang makalapit sa kanya.
Kaya nga ngayon alam na niya kung ano ang feeling ng in love ay alam niyang hindi niya talaga mahal si Noli. Maybe she loves him pero ibang pagmamahal ang alam niya.
"I'm glad to see you again in person Nao." Masayang panimula ng kausap niya ngayon. Ngumiti siya dito malaki ang pinagbago ni Noli at halatang masayang-masaya na ito kung pagbabasehan ang aura niya. A month after or more than a month after na nakausap niya ito sa phone ay naging contant na ang communication nila. Dahil pareho silang busy kaya hindi agad sila nagkita, busy daw ito dahil may hinahanda. "Hindi lang sa mga billboards at sa mga magazines."
Tumawa siya sa sinabi nito. "Matagal na akong tumigil sa pagmomodel Noli."
"Pero si nanay fan na fan pa rin sa iyo meron pa rin siyang iniingatan na mga pictures mo." Tumawa pa ito. "Masaya akong makita na masaya ka na rin sa wakas Nao ang layo mo na sa batang babae na nakasama ko noon."
"Nakakaganda talaga ang heartbreak Noli." Biro niya. "Joke lang ano ba huwag kang masyadong seryoso nakakatanda iyan." Natatawang biro niya. "Hindi nga I am okay now and I am glad to see na okay ka na rin and you seems so happy."
Bahagya itong namula at napakamot ng batok. "Ikakasal na kasi ako Nao."
Malakas siyang napasinghap at pumalakpak. "Really? Kanino kay—iyong--- shucks I forgot the name. Sheena?" Namula na naman ito at marahang tumango. "Long lasting ah, kailan mo naman ipakilala ang fiance mo sa akin?"
"Iyon sana ang gusto kong sabihin. Nang sinabi ko na kaibigan kita at naging ex-girlfriend sabi niya gusto ka raw niyang makita and if possible ba ay gawin ka namin na maid-of-honor. Kahit naman papaano-."
"Of course I will!" masayang putol niya sa sasabihin nito. "Para ano pa at naging savior kita kung iyan ay hindi ko magagawa. I would love to be Sheena's maid-of-honor."
Bumakas sa mukha ni Noli ang saya sa sinabi niya. "Salamat." May kinuha itong card sa bag nito at masaya niya iyong tinanggap. "Ikakasal ka na talaga ang saya naman." Excited na tiningnan niyang muli ang invitation card.
"Avid fan mo rin siya kaberks niya si nanay sa pangongolekta ng pictures mo." Natatawang sabi nito.
"Really? I missed nanay Ester pwede ko ba siyang bisitahin? Are you still living there?"
Umiling ito. "Matagal na kaming lumipat." Bigla itong sumeryoso at tumingin sa kanya. "May isa pa akong importanteng dahilan kung bakit ako nakipagkita sa iyo Naome." Hindi siya umimik dahil nacurious din siya sa sasabihin nito. "Nagpakita ang mommy mo kay nanay."
Pakiramdam niya ay tumigil ang pagpitik ng puso niya sa sinabi nito, hindi iyon excitement or kasiyahan. Takot iyon. Takot na muling makita ang inang minsan ay nanakit sa kanya.
"Hinahanap ka niya gusto ka niyang makita." Nanginginig ang mga palad niya sa sinabi nito kaya hinawakan iyon ni Noli. "At sa tingin ko mas maganda siguro kung hindi ka magpakita sa nanay mo Nao."
"B-bakit?"
"She is still the same natatakot kami para sa iyo baka saktan ka niya ulit. Hindi ko na ang sasabihin ang lahat ng sinabi niya dahil alam kong ayaw mo iyong marinig at masasaktan ka. Mas mabuting hindi mo nalang alam iyon."
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Romance"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...