Chapter Five

92.4K 2.1K 158
                                    

                "Anak bakit hindi ka mapalagay diyan?" takang tanong ng mommy niya sa kanya, katatapos lang nilang kumain ng hapunan ng itext niya si Naome. Gusto lang niya itong pagtripan kasi nabobored na siya wala naman kasing masayang kausap ngayon si Naome lang.

Hindi niya masasabing friends sila pero kahit na madalas siya nitong ibinabalibag ay inaamin naman niya sa kanyang sarili na ito lang ang nakakaintindi sa kanya. Unlike most of his women who seems to be fascinated with him na kapag binibigyan niya ng pansin ay hindi naman sila nag-uusap. They do the talking above the bed and it never fails, maliban sa mga kababata at pinsan niya si Naome lang ang hindi niya kadugo na immune sa kanya.

"Miguel." Untag ng mommy niya sa kanya kaya napilitan siyang tingnan ang ina. He is a mommy's boy after all.

"I tried calling Naome mommy pero cannot be reach ang phone niya at hindi rin siya nagrereply." Sumbong niya sa ina niya, sa halip na magalit ay tinawanan lang siya nito.

"Understandable na iyan bunso thirty minutes nalang at magpapasko na kaya baka nagkaroon ng network congestion baka bukas pa niya marereceive ang text mo or baka nagreply siya tapos nadelay lang."

Sumimangot siya. "Puntahan ko nalang kaya siya kina Yelena doon daw siya magpapasko." Sinulyapan niya ang paperbag na may lamang regalo niya para dito. They weren't friends but it doesn't mean she isn't special, sabi nga niya kanina kung sinuman ang nakakaintindi sa kanya ay tinuturing na niyang special.

Napansin niyang napakunot ng noo ang mommy niya. "Bakit po?"

"Hindi ba sinabi ni Naome, nasa England sina Grayzon at Yelena doon sila magpapasko kasama si Reen at ang anak nila. Gusto kasing makasama ni Jessa ang apo nito." Siya naman ang napakunot ang noo sa sinabi ng ina niya.

"Baka sumama si Naome baka iyon ang dahilan kung bakit cannot be reach siya."

His mom gives her a knowing smile, a sad and knowing smile. "Impossible iyon bunso."

"Bakit po impossible?"

"Hindi mo ba alam?"

"Ang alin mom?"

"Hindi tanggap ni Jessa si Naome, at isang beses lang na nakita ni Nao ang daddy niya at iyon ay noong kunin nila ang batang iyon sa bahay ampunan dahil sinasaktan ng mommy niya. Pinapadalhan lang ni Nathan ng sustento ang batang iyon kawawa nga si Nao kaya nga sinabi kong dalhin mo siya dito para dito na rin siya magpasko. Ang laki ng kasalanan mo sa kanya dahil siya nalang ang palagi mong pinagtitripan mabuti nalang at mahaba ang pasensya niya at hindi ka pa niya binabalian ng leeg." May halong biro na sabi nito.

Naalala tuloy niya ang sinabi ni Naome noon sa kanya na maswerte siya dahil may pamilya siya. Kaya naman pala ganoon ito katapang—suddenly his heart clenched painfully when he remembers her. At malamang nagsinungaling ito sa kanya ng yayain niya ito kanina sa party nila at malamang at sa malamang nasa bahay lang ito ngayon.

"Bukas mo nalang siya tawagan Miggy baka nagpapahinga na rin ang batang iyon-."

"Mom, pwede ba akong umalis?" paalam niya sa ina niya.

"Pupuntahan mo si Olive?" bakas sa mukha ng ina niya ang panunukso. Hindi siya umimik, Olive is someone from his past na ayaw na niyang balikan pa. At ayaw niyang pag-usapan pa. nang hindi siya umimik ay muli itong nagtanong.

"Saan ka pupunta? Twenty minutes nalang at pasko na."

"I need to go mom," mabilis siyang tumayo at kinuha ang paperbag na may lamang regalo para sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit pero may nagdidikta sa kanya na puntahan ito. Alam niyang naaawa siya dito dahil kahit na niloloko niya ito ay itinuring na rin niya itong malapit sa kanya. Their relationship is in between bestfriends and friend, iyon nga... nothing else.

Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon