Agad akong naglakad pabalik sa puwesto namin ni Kyla sa library.
Shit. Napahilamos ako sa mukha habang naglalakad ng may mabangga ako.
"Sorry!" saad ko ngunit parang wala lang itong narinig. Tiningnan ko ito, nakatalikod siya, isang lalakeng matangkad. Inalis ko ang tingin dito at naglakad ulit.
"Oh, anong nangyare sa'yo gurl?" tanong ni Ky nang makaupo na ako. Hindi ko siya sinagot at isinubsob ko ang mukha ko sa mesa.
"Hoy, gurl?" aniya at inuga uga ako. Napaayos ako ng upo pero nakahilamos pa din gamit ang mga kamay ko. Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri.
Tinaasan niya ako ng kilay. Hawak hawak niya ang librong binabasa. "Adik ka gurl?!" nakangiwi niyang sabi. Sabay halakhak.
"Quiet!" sita ng librarian.
Inirapan siya ni Ky. Walang galang ampt. Tsk.Inalis ko ang kamay sa mukha ko at hinila ang librong hawak ni Ky.
"Hoy akin 'yan! Kumuha ka ng sa'yo!" aniya sabay hila pabalik. Nginusuan ko siya at napasimangot."Para kang buang gurl, ayusin mo nga sarili mo! Tss. Kukuha lang ng libro tapos pagbalik ganiyan itsura? Mukhang may nangyare ah! Kwento na gurl daliii!" curious na tanong niya at dali daling tumabi sa akin. Nag iwas ako ng tingin, sa hindi inaasahan ay nahagip ng mata ko si Bright, with his friends.
Nanlaki ang mata ko ng napatingin siya sa gawi ko kaya mabilis akong napatingin kay Ky. Nagulat ako ng sobrang lapit ng muka niya sa akin habang tinataas baba niya ang kaniyang kilay habang nakangisi.
"A-ano ba! You're to close!" bahagya ko siyang itinulak. Umiling iling siya sa akin.
"tsk tsk! May hindi ka sinasabi sa akin. Kung makatingin kay Bright parang hinuhubaran ah."
"what? No! Hindi ko siya tinitingnan, nahagip lang okay?" paliwanag ko at napangisi siya kaya pinandilatan ko siya ng mata.
*****
Tapos na ang klase.
"Hoy gurl, nagyaya 'yong batch mate natin sa bar, let's go!" aniya habang kinukuha ko ang bag ko at isinabit sa balikat ko.
Nangunot ang noo ko.
"Batchmate? Sino?""Sina Marie! 'yong parang pokpok nating kaklase noong grade 10! Di mo matandaan?" napaisip naman ako saglit.
"Makikita ko naman siya mamaya baka maalala ko." saad ko at naglakad palabas ng room.
"Wait, So, sasama ka?!" aniya na parang gulat na gulat. Eto kase ang first time na sumama ko sa mga out night niya.
"Ayaw mo?"
"Ahaha kaloka ka gurl! Agad agad eh nu? Di man lang nagpapilit. Hahaha iba ka gurl. Perstaym, perstaym! Wag kang mag alala hahanapan kita ng pagkain later"
Napatingin ako sa kaniya. "What? Pagkain?" taka kong tanong.
"Ahahha innocent ka gurl? Tsk. Pagkain, iba't ibang uri ng pagkain, may malaki may maliit, may mahaba may maikli, at iba't iba ang nag mamay ari! Ano gets mo na? Leche!"
"what the fvck Ky?! Are you pertaining to...to..ha?"
"Hakdog, leche. Tara na nga!" aniya at hinila ako. She's gross. Napakamanyak ng babaeng to.
"Wait Ky, sasama ko sa'yo kase ayaw ko pa munang umuwe okay? Iinom lang ako. 'yon lang!"
Tango tango siya. "ayaw mo ng pagkain? Sure ka?"
BINABASA MO ANG
One Of the Five Hot boys
RandomCatherine Dacillo a girl who's waiting for the right person in a right time meets one of the five hot boys in their school, Bright Montecella. Could it be him the right person she's waiting for? Or maybe not. "If it is not me..I'll still love you...