Pagkababa ko ng taxi ay luminga linga ako para hanapin kung saang bar ba ang sinasabi ni Ale. Nang matanaw ko ang kotse ni Ale na naka park ay agad akong lumapit dito.
Maraming tao sa labas ng bar. May mga lasing at naninigarilyo. Palinga linga ako baka sakaling makita ko si Ale when someone's bumped into me.
"Sorry.. Oh Cathe?! Hi! " aniya nang makita kung sino ako. I smiled at Jared.
"It's okay. Have you seen Ale? May nakalimutan kasi siya eh ibibigay ko lang. " nakangiting sabi. Mukang may tama na ng alak si Jared dahil halatang hilong hilo na ito.
"Si Sander? " aniya at tumango ako.
"Nandoon siya sa loob! Birthday ng kaibigan namin at nagkayayayaan haha. " lumapit siya sa'kin para marinig ko dahil biglang lumakas ang sounds.
"VIP room 6. Sige, bili lang ako yosi haha! " napailing iling na lang ako sa kaniya. Kumaway pa siya sa'kin bago magewang gewang sa paglalakad.
Nagsimula akong maglakad papasok. Some eyes are watching me and it annoys me. Hindi ako sanay na pumunta rito lalo na't mag isa.
Dumaan ako sa dance floor kahit napakaraming nagsasayawan. Minadali ko ang paglakad nang makita ko si Ale na nakatalikod. He's talking with someone. Thank God, dahil nandoon siya sa dulo at kakaunti ang tao sa paligid.
I was about to call him pero bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako.
"Okay na kami ni Dad bro.Thanks to Cathy, she's now my girlfriend." kahit nakatalikod siya ay alam kong nakangiti siya.
Naguluhan ako sa sinabi niyang dahil sa'kin? Anong ginawa ko? Kahit nalilito'y napangiti ako dahil okay na sila ng Dad niya dahil sa'kin kahit hindi ko alam ang ginawa ko para maging okay sila.
"So, you used her?" napatigil ako sa paghakbang. Tanong iyon ng kausap niya. Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Narinig kong natawa si Ale sa tanong ng kausap niya.
"If that's what you think. " nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tawagin ngayon.
"Dad's probably fixing right now his accounts and pass it to mine. Soon I'll be the new CEO of our company. You gotta see it! " patuloy ni Ale.
So...he just used me.
Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko at nagpa unahan ito sa pagtulo. Parang hindi ako makahinga nang marinig ko ang mga 'yon mula sa bibig ni Ale.
Why me?
Pinahid ko ang mga luha kong patuloy sa pagtulo. Aalis na sana ako ng may mabangga ako.
"I'm sorry. " sabi ko at panay pa din ang pag pahid ng luha.
"Cath!? Ayos lang haha! Nakita mo na si Sander? " si Jared pala ang nabangga ko. Napalakas ang pagkakasabi niya kaya sigurado akong narinig siya ni Ale na hindi kalayuan sa amin.
"Um-umiiyak ka? " aniya at sinilip ang mukha ko. Nag iwas ako ng tingin at sinubukang umalis doon pero may pumigil sa kamay ko.
Kumabog ang dibdib ko. Alam kong si Ale 'yon. Lalo akong naluha.
"Cathe..." aniya.
Dahan dahan akong humarap sa kaniya. Pinilit kong ngumiti sa harap niya.
"N-narinig mo ba? " aniya at medyo natawa ako. Iiyak ba'ko kung hindi? Sira ulo.
"If that's what you think. " panggagaya ko sa kaniya dahilan para matigilan siya at bitawan ang kamay ko.
"A-anong nangyayare? Tara Cathe Let's do the hotdog dance! " ani ni Jared. Pumagitna siya sa amin ni Jared at parang tangang sumayaw sayaw doon.
What the fuck is he doing?
"Come on! Tugs Tugs! " patuloy pa din sa pagsayaw si Jared. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Nakatingin lang sa akin si Ale.
Ngumiti ako kay Ale at nagsimulang maglakad palabas. Lakad takbo ang ginawa ko para maka alis agad sa lugar na 'yon. Hindi nauubos ang luha sa mga mata ko kainis!
Nang nakalabas na ako ay agad akong naghanap ng taxi.
"Cathy!? " rinig kong tawag ni Ale ngunit hindi ko iyon pinansin. Luminga linga ako at naghanap ng taxi.
"Cathy wait... " naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.
"K-kung ano man ang narinig mo kanina...hindi 'yon totoo, I swear. " humarap ako sa kaniya at tiningnan siya ng nagtatanong.
"Can you please tell me the truth? " seryoso kong sabi sa kaniya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Nahilot niya ang sintido niya at malungkot na tumingin sa'kin.
"Cathy.. I-I didn't mean tha--
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa pag sampal ko.
"How dare you used me?! " my voice suddenly broke. Ayun na naman ang mga luha sa mata kong hindi natatapos sa pagtulo.
"Nahulog ako sa'yo..sa pag aakalang ikaw ang taong hinahanap ko. Nagustuhan kita..dahil sa mga bagay na ginawa mo sa'kin na hindi magagawa ng iba..you made me felt you're here beside me to prove that someone truly cares for me..and lastly, minahal kita...dahil pinaramdam mo sa'kin na ikaw ang taong 'yon.
......But, when reality hits me..that was all just a lie..what everything you did for me was just an act.
........you never love me...you just used me." after saying those, parang nagkaroon ako ng sakit sa puso. My heart suddenly felt pain. Ang bigat sa dibdib. I feel like I can't breathe.
"Cathy...Mahal kita! And that's damn true! Noong una ginawa ko 'yon para sa sarili ko. Pero noong tumagal totoo na ang naramdaman ako. It wasn't a lie at all. Please Cathy.. Don't leave. " aniya at sinubukang lumapit pero umatras ako.
Napatigil siya at tiningnan ako.
"Si Brigh ba..siya ba ang dapat na pumunta noong gabi sa party? " sabi ko na ikinagulat niya."Cathy.. " how many times he will call my name.
"You answer me! " medyo napataas na ang boses ko. I know napatunayan ko na iyon but still I want him to tell those.
"Oo pero--" iyon lang ang gusto kong marinig.
"Pero kinuha mo ang pagkakataong iyon para paglaruan ako at lokohin ang kaibigan mo." I chuckled then look away.
"All these time..hindi ka lang nag sinungaling..you also played with my feelings. Fuck you!" singhal ko sa kaniya. Napaiyak ako sa harap niya.
"Cathy please.. " sumubok ulit siyang lumapit pero sinampal ko siya.
"Hindi ko alam..hindi ko alam ang gagawin ko..bakit ako? Bakit kailangang ako lagi ang nasasaktan? Did you have fun playing with my feelings? Huh? "
"Don't...leave please. " aniya na nagpa init lalo sa ulo ko.
"Tanginamo! Matapos mong gawin ang lahat ng 'yon? Don't leave me?!" napaiyak ako lalo. Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at humikbi.
"I..I used to love you Ale..but I feel like I'll regret it now." mahinang sabi ko habang humihikbi. Then suddenly, the rain pours.
Ayaw ko nang mahulog.
BINABASA MO ANG
One Of the Five Hot boys
RandomCatherine Dacillo a girl who's waiting for the right person in a right time meets one of the five hot boys in their school, Bright Montecella. Could it be him the right person she's waiting for? Or maybe not. "If it is not me..I'll still love you...