Chapter 11

37 23 18
                                    


Hindi ko alam kung anu ang gagawin nang mabasa ko ang message.

He's one of the five hot boys! The one who saved me is one of them.

Gaaaaad!

Dali dali kong kinuha ang laptop ko at nag online sa facebook. Pumunta ako sa facebook page ng school.


Sikat sila imposibleng wala akong makita dito tungkol sa kanila. Agad akong nagscroll at binuksan ang mga naroong picture.


Pulos picture ni Bright? What the fvck! Gwapong gwapo sa kanila ang tukmol na'to ah. Well, not in my eyes.


Nagscroll pa ako ng nag scroll at nakita ko ang picture nila. Kompleto sila. Oh my Goddess! Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pamilyar na lalake. He's one of the five hot boys?


Alessander, siya ang wala lagi sa apat. Nakasuot silang lima ng black shirt with their name printed on it.

Bright M.

Alessander L.


Jared T.


Kris S.


Frost M.


Sa pagtingin ay naagaw ng pansin ko ang isang jacket na nakalapag sa mesa na nasa gitna nilang lima.


Shit. Ang jacket na'to ang suot noong lalakeng nagligtas sa akin sa holdapper. Pero hindi ko alam kung sino ang may ari sa kanila nito. Malapit ang jacket kay Jared, Alessander, and Bright. Pero ang hirap hulaan.


By the way, ekis na si Bright. I'm sure hindi siya 'yon. Pustahan pa.



"Nakakainis!" napahiga ako dahil lalong may dumagdag sa iisipin ko.  Kinuha ko na lang ang phone at binasa uli ang message.


I should meet him.


*****
"Good morning!" bati ko sa guard nang makapasok ako ng gate.

"Catheeeeeeeee!" napahinto agad ako at napalingon kay Ky. Ke aga aga ang boses ang lakas tsk.


"Saya mo ah." saad ko nang makalapit siya.


"Syemperss, pumayag na si daddy na dito na lang din ako mag aral ng college! This is soo excitingggg!" masayang sabi niya. Nagsimula na kaming maglakad.


"Ah sure kang papasa ka?" sinamaan niya 'ko ng tingin.


"kidding. Hehe" sabi ko at nag peace sign.


"Sooo winnaaa! " aniya at gumuhit pa ng check sa hangin. Baliw.


"Bakit dito sa Selenn? Di na exciting. Kakasawa na eh lalo na muka mo. Haha kiddding ulit." sabi ko.


"Duhhh? Alam mo Cath, nakakatamad pag palipat lipat ka ng school, saka meron naman dito 'yong course na gusto ko eh. Business ad. Ikaw ba? You're going to find other school in college?"



Nagkibit balikat ako. " Don't know. Hindi ko pa alam, hindi ko muna iniisip 'yan. Kahit malapit na, I'll just go with the flow." napangiwi siya sa sinabi ko.


"Sus, alam kong gusto mo dito dahil mangbibiktima ka na naman. Another year to hunt boys." dagdag na sabi ko.


"Ay, winnnaaa! Alam mo bestfriend talaga kita eh nu? Haha, 'yong mga freshmen ang ihahunt ko. So refreshinggg! Excited na'ko. Hahahahah" napa tsk na lang ako. Grabe, buti di ako nagpapa impluwensiya sa babaeng to.


"Child abuse! Kasuhan ka sana Hahaha"



"Ay waley ka d'yan gurl! Matinik to nu!" aniya.

Nang makapasok sa room ay dumeritso na ako sa upuan ko, ngunit natigilan ako ng may tatlong rosas na pula ang nakalagay sa upuan ko.


"Guys, kanino 'to? Bakit nandito 'to sa upuan ko?" tanong ko sa mga kaklase kong naroon. Nagkibit balikat lang ang mga ito.


"Ayy soo sweet! Taray gurl ha? Nagtanong ka pa eh malamang para sa'yo yan nasa upuan mo eh. Buang lang gurl? Hihihi lemme see" aniya at dinampot ang rosas.



"Oh may note gurl" aniya at binuklat ito. Umupo ako sa upuan ko.


"Three roses, not I love you, don't assume. Just take it...Oh anak ng putang malandi! Eh loko pala tong nagpadala nito eh! Naku nakuu!" gihil niyang sambit at napahawak pa sa noo. Inagaw ko ng note sa kaniya at binasa ito.



Three roses, not I love you, don't assume. Just take it.

Bwesit. Kung sino man ang nagbigay nito wag siyang papakita sa'kin nanggigil ako!



"Naistress ako sa secret admirer mo ah!" aniya at naupo na sa uouan niya. Umiling iling na lang ako at nilagay ang mga rosas sa bag.



****

"We're going to have a party next week. Celebration sa pagdating ng President ng school natin. We will announce the location and time as soon as we're done organizing it. Thank you." saad ng secretary ng school.


Nasa gym lahat ng estudyante for this announcement. I'm kinda bored and my unknown texter is occupying my mind.


What will I tell him when we meet? Of course I'm going to thanks him, that's all. Ughh, nakakastress.



"Hoy gurl, dami iniisip ah kasama ba si Bright d'yan?" ani ni Ky na katabi ko. Pinangunotan ko siya ng noo.


"What? Why the hell I would think of him? " singhal ko dito at nag o naman ang bibig niya.



"Easy gurl, tini tease lang kita masyado kang defensive HAHAHA. Kaloka." aniya at ibibalik ang atensyon sa phone niya. Nag i fb siya, wala namang ka chat, puro scroll and share lang.


"Inggit ka gurl?" aniya at pinakita pa ang phone sa akin. Bobita.



"Duhh? May kachat ka ba? Baka sakaling maiinggit ako sa'yo hehe"


"Oh anak ng putang malandi, ikaw na maganda, ikaw na may kachat. Leche!" haha pikon. Grabi talaga ang bibig nito eh tsk tsk.



"Watch your words gurl." sabi ko sa kaniya pero nag make face lang ito.



May mga sinasabi pa ang secretary sa unahan about the president. Tagal ng announcement psh. "Cr lang ako" paalam ko kay Ky at tumango lang siya. Busy kaka scroll.


Lumingon ako bago umalis sa upuan. Nasa unahan pa kami, adn ang daming tao.


Yumuko na lang ako at naglakad. Bakit ba kase sa unahan pa pumili ng upuan ang babaeng 'yon?


Napahinto akong nakayuko dahil may isang bulto ng lalake sa harapan ko
Humakbang ako sa kaliwa pero humakbang din siya roon. Kaya humakabang ako sa kanan ngunit humakbang din siya doon. Nainis ako kaya hinarap ko ito.


"Are you making fun of me?!" singhal ko dito. It's him. Bright Montecella.
Tiningnan niya lang ako na parang walang kwenta habang nakapamulsa.


"Hey, there students! Is everything okay there?" Nanlaki ang mata kong lumingon sa secretary na nasa podium. Napalunok ako dahil lahat ng estudyante ay nasa amin ang paningin.


Madaming bulong bulongan tungkol kay Bright at kinikilig ang mga ito. Hindi ko ito pinansin. Napatungo na lang ako at saka umiling.


"Atention seeker." ani ni Bright at nilampasan ako.



What the fvcking asshole!

One Of the Five Hot boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon