---------
"MARGS tawag ka nung customer namin. May order daw siya." Sabi ni Cecil at iniwan na ako.
That was strange. Wala pang nangyayari saakin na may tumatawag saakin para magorder lang.
To feed my curiosity, pumunta na ako at nagdala ng tray. Just in case na may mangyaring kabastusan, may panghampas ako.
"Yes po? Ano pong order ninyo?" Tanong ko sa kanila. But they just ignored my question at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Crap. Sabi ko na nga ba. Iba ang balak nila.
Nagsilapitan ang mga iba niyang kasamang lalaki at pinalibutan ako. Lumapit saakin ang isa sa mga lalaki at hinawakan ako sa baba ko.
"How much is your service for a night?" Seryosong tanong nito. Tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niya. I didn't answered his question. Why should I? Hindi naman niya afford ang serbisyo ko.
"I'll pay any amount if you give yourself to me." Dagdag pa nito.
Parang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Wala sa mga mata ko ang tingin nila kung hindi sa katawan ko. Lalo pang nadagdagan ang irita ko sa kanila dahil sa mga galaw ng mata nila.
"Kung wala kayong oordering drinks, aalis nalang ako." Pekeng ngiting sabi ko at akmang aalis na pero hinila ang braso ko.
"Wag ka munang umalis, Miss. Nag-uusap pa tayo eh. Wag kang bastos." Aniya and lick his upper lip.
Tangina nito. Ako pa yung tinawagang bastos?
I aggressively removed his hand sa braso ko. "Don't touch me." At pinanlakihan siya ng mata at akmang aalis na pero biglang humarang sa harap ko yung mga kasama niya.
Mukhang nainis ang lalaki sa sinabi ko dahil nag-iba ang timpla ng mukha niya at bigla niya akong hinablot sa kwelyo.
"Ang sabi ko, wag ka munang umalis." He said and without any hesitation, he tore my polo. Natanggal ang mga botones ng polo ko and exposed my brassiere. Napunit yung ibang parte nito dahil sa pagkakahila niya.
Nakita ko kung paano lumipat ang mga tingin ng tao saakin at tinignan ang ayos ko. Agad kong tinakpan ang bra ko gamit ang kamay ko at akmang sisipain yung lalaki ng may biglang may sumuntok sa kanya.
Si Boss.
Inalis niya ang coat niya at tinakip sa brassiere ko. Sinuot ko yung coat niya at tumingin ako mga taong nambabastos saakin. Binutones ko yung coat at nagunat ng balikat.
Ang tagal kong napahinga sa taekwondo. Parang gusto kong magpractice bigla. Lumapit ako dun sa isang lalaking humarang saakin at sinuntok sa tiyan at mabilis na sinipa sa mukha. Lumipad yun sa kabilang table na ikinagulat ng ibang guest.
Hindi ko hinayaang maging sagabal ang skirt ko dahil nakashort naman ako sa loob nito. Lumapit din ako sa isa pang humarang saakin at sinipa siya agad sa mukha. Ayun, bagsak ang loko.
"Nice moves. Mind teaching me later?" My boss teasingly said. Tinawanan ko siya at kinuha yung tray ko sa nahulog kanina.
Lumapit ako dun sa isa pang nakatayo at ngayon ay umaatras na palayo saakin. Bago siya tuluyang makalayo saakin, I used my special move. Hinampas ko siya gamit ang tray ko.
Nagsitakbuhan na yung mga ibang nakatayo mula sa pagkakasipa ko and showed middle finger to them.
"They messed with the wrong woman." At napailing na sabi ko.
Aba yellow belter ata ako sa taekwondo.
------------
After the incident, agad na hinila ako ni boss papuntang office niya. Nagsimulang nagbubulungan ang mga co-waitress ko dahil sa paghila saakin. Mukhang maiissue na naman ako nito.
Noong una si Joshua, yung bartender namin. Ang hindi nila alam ay tropa ko yun. Ngayon ay si boss naman. Kaya hindi nagiging payapa ang buhay ko dahil sa kanila eh.
"Change ito this shirt." At inabot saakin ang white plain shirt. Tumango naman ako at pumuntang banyo.
Tinanggal ko yung coat niya at yung polo ko. Sinuot ko yung tshirt at tinuck-in sa skirt ko. Mukhang maganda naman ang ayos ko.
Agad akong lumabas ng banyo at binigay ang coat niya. "Thank you sa pagtulong saakin, Sir." At yumuko ng kaunti at saka dali daling lumabas ng office niya.
Dumeretso ako sa pagtatrabaho kahit iba yung uniform ko. Kinuha ko yung tray ko at naglibot sa pwesto ko. "Miss! Isang bote nga ng Jack Daniels." Nagning-ning yung mata ko dahil sa order niya.
Malaki-laki yung makukuha ko dito ah. Agad akong lumapit sa nagorder ng Jack Daniels at kinuha yung credit card niya. Dumeretso ako agad kay Joshua para ibigay yung credit card.
"Laki ng ngiti mo ah." Asar niya.
"May nag-order ng Jack Daniels saakin, ang laki ng makukuha kong persyento dun." Nakangiting sagot ko.
May pangmall na kami ng mga kapatid ko ulit kung may bibili nun ng mga sampung bote.
"Oh." At binalik ang credit card na may resibo at yung alak.
"Thanks." At umalis na ako.
Binigay ko yung order nila at masaya ang naging gabi ko dahil nakarami ako ngayon. Yung ngiti ko ngayon ay hindi peke.
"My shirt looks great on you." Halos tumalon ako sa nagsalita mula sa likod ko. Napawi yung ngiti ko at napalitan ng inis.
"Wag kang maingay, Sir. Baka maiissue ako bigla dahil sa sinabi niyo." Inis na sabi ko sa kanya at tumingin sa paligid ko kung may natingin.
"I won't mind. As long as it's you." Halos malaglag yung panga ko sa sinabi niya.
Ito ba yung linyahan ng mga mayayaman?
---------
BINABASA MO ANG
BS#5: The Billionaire's Favorite Woman -COMPLETE-
General FictionHighest Rank: General Fiction: #1 I am just a waitress in The Nights Out Club. I need money kaya ako nagtatrabaho at tinitiis ang mga pangbabastos ng mga kalalakihan dahil malaki ang sweldo. However, a new Boss came and everthing has changed. But h...