This chapter contains SPG scene. Kahit na pahapyaw lang ang SPG niya, I am still hoping na you will read at your own risk.
----------
"HINDI ka na naman papasok ng trabaho?" Gulat na tanong ni Caesar saakin. Jindi na ako nakakapasok ng trabaho ng ilang araw.
"Hindi parin maganda ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko. I only have one week para halughugin ang bahay niya kung may makikita ba talaga akong ebidensya.
"Should I send you to the hospital again?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi na." Pagtanggi ko at sumandal sa kanya.
Nasa sala kami ngayon ng bahay niya at nanonood ng TV. Hindi ko alam kung anong dahilan ang pwedeng gamiting para makapasok ako sa kwarto niya. I really need to see his room.
Ikatlong araw ko na dito at hindi parin ako nakakapasok sa loob. Kapag kasi inaaya ko siyang mag movie marathon, sa sala lang din kami manonood. Yung mga maid ni Caesar ay nandito lang kapag maglilinis at magluluto ng pagkain niya.
Sinubukan kong sinira yung heater ng banyo sa guest room kung saan ako natutulog pero naayos niya din. So in the end, hindi ako nakakapasok sa kwarto niya.
"I need to go work later. Nag-aalala ako sayo dahil maiiwan ka dito magisa." He said at niyakap ako.
"Okay lang. Kahit naman na bumalik ako sa bahay, ako lang din naman mag-isa dahil wala sina Lola at ang mga bata." Which is true naman. Kumuha ako bowl na may halo halong chips at nagsimulang kumain kahit na nakayakap si Caesar saakin.
"Give me some too." He demanded kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ayoko. Kumuha ka ng sarili mong chips."
Sagot ko sa kanya."But I was the one who bought that." Reklamo niya. Siya nga ang bumili pero ako naman ang kakain kaya bahala siya.
"Oh?" Maikling sabi ko.
"What Oh?" Tanong niya.
"Oh tapos? Kumuha ka ng sarili mo." Sagot ko.
"I want to taste them." He demanded.
"Sige pero isa lang." At inabot ko sa kanya yung isang chip. Pero nagtataka ako dahil hindi niya kinuha.
"Subuan mo ako." Nakangiting sabi niya.
"Ayoko. Bahala ka kung ayaw mo." At sinubo ko yung chip na binibigay ko sa kanya. Subuan siya? No way. May dalawang kamay naman siya, walang problema at maganda ang condition pero magpapasubo siya saakin?
"Ang manhid mo talaga. I was showing my affection." Para siyang bata na nakasimangot at bumitaw ito sa pagkakayakap saakin.
Biglang lumayo saakin si Caesar at umupo sa pinakadulo ng sofa. He is sulking and murmuring words that I can't hear clearly.
Kinuha ko yung phone ko at pasimpleng kumuha ng letrato niya. Nakakunot pa ang noo nito kaya napangiti ako lalo.I started to panic ng marinig ni Caesar ang shutter sound ng phone ko. Bigla kasi itong lumingon saakin.
"Are you taking pictures of me?" Tanong niya. Agad na tinago ko ang phone ko sa likod ko at umiling iling.
BINABASA MO ANG
BS#5: The Billionaire's Favorite Woman -COMPLETE-
General FictionHighest Rank: General Fiction: #1 I am just a waitress in The Nights Out Club. I need money kaya ako nagtatrabaho at tinitiis ang mga pangbabastos ng mga kalalakihan dahil malaki ang sweldo. However, a new Boss came and everthing has changed. But h...