Epilogue

28.9K 536 43
                                    

----------



"AYOS ka lang ba talaga? Kung kaya dalhin na kita sa ospital?" Nag-aalala tanong ko sa kanya.



Bigla kasi itong tumakbo papunta sa banyo at nagsuka na naman. Parehas naman kami ng kinakain.




"I'm really fine, Baby." He said at uminom ng tubig na hinanda ko.





"Anong fine ka diyan. You've been vomiting since last week. Tapos nahihilo ka lagi. My Gulay Caesar, nagaalala na ako." Sa tingin ko ay may problema ito sa katawan. Dapat ay maipacheck up agad ito para malaman namin kung ano ang problema sa katawan niya.





"I'm really fine thou. Stop stressing yourself. Itutulog ko nalang ito."





"Caesar, buong araw kana ngang tulog, tapos matutulog ka ulit? Ipapackeck up na talaga kita." Hinaplos ko ang noo niya. Wala naman siyang lagnat.




Hinila ko ang kamay niya at sinuot ang jacket niya. Nagsuot din ako ng jacket at kinuha ko ang purse ko.






"Ipapacheck up na kita." At hinawakan ang kamay niya at hinila palabas ng kwarto namin.




Tinawagan ko ang family driver namin para ihatid kami sa pinakamalapit na ospital. Binilin ko din ang nanny ni Justin na bantayan muna siya dahil aalis kami.




Nakarating kami sa ospital at dumeretsong emergency room. Agad na inasikaso si Caesar ng mga Nurses ng ospital. Nasa tabi lang niya ako at pinagmamasdan ang mga ginagawa sa kanya.




I am so nervous right now dahil hindi ko alam kung anong problema sa kanya.





Another nurse approached me and asking for the information about my husband.
"Ano po ang nangyari sa mister niyo?" She asked.




"Nagsusuka siya at nahihilo."




"Ilang araw na po itong nangyayari?" Tanong niyang muli saakin.





"Isang linggo na po." Sagot ko.





"May gamot po ba itong iniinom?"






"Wala po." Sagot ko.





Sakto naman at may doctor sa Emergency room kaya chineck-up siya agad. "Vital signs?" The doctor asked to the nurses.



"Temperature: 37°C
Blood pressure: 120/80 mmhg,
Pulse rate: 80bpm,
Respiration: 17 cpm,
Overall, Normal po ang vital sign niya."



"May masakit ba sa katawan mo, hijo?" Tanong ng doktora kay Caesar.




"Wala naman."





"Contact the medical technologist and check his blood. Dalhin niyo siya sa X-ray Room. X-ray his abdomen and CT scan his head." The doctor said at agad na kumilos ang mga nurses.




May dumating na medical technologist at kinuhanan ng dugo si Caesar. Dinala din siya sa Xray room para kuhanan ng siya X-ray sa abdomen area niya. Pina CT scan din siya katapos.




Hindi ko na namanlayan ang oras at mukhang dito na kami sa ospital magpapalipas ng gabi.





Sinabihan ko na ang family driver namin umuwi muna siya dahil dito muna si Caesar. Hinihintay nalang namin ang resulta sa X-ray at CT scan niya na bukas pa daw makukuha.




BS#5: The Billionaire's Favorite Woman -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon