----------
"I am caring and sweet towards you because I am courting you, Babe." I froze that moment. Am I dreaming?
Pinisil ko yung pisngi ko para magising ako. Nakaramdam naman ako ng sakit so ibigsabihin ay talagang totoo ito?
Oh my Gulay!
"Sure kana ba sa sinasabi mo?" Tanong ko sakanya. Baka mamaya ay magsisi siya sa gagawin niya kaya dapat maaga palang siguraduhin na.
"Yes. I am sure of it." And pat my head. Nagsimula na akong kumain at ininom yung gamot na binigay niya.
Like he said earlier, hindi nga ako pumasok sa trabaho pero sa bahay na ako ni Lola nagpahinga. Inalalay niya pa ako sa paglalakad hanggang marating ko yung kwarto namin. Pinasuot niya rin saakin yung jacket niya dahil tshirt lang ang dala ko at pants.
"Pahinga ka lang. Those two are my eyes now." Aniya at tinuro yung dalawa kong kapatid.
"Tignan niyo yung ate niyo. Kapag naglikot siya, tawagin niyo ako." Nakangiting utos niya sa mga kapatid ko. "Sige po, Kuya Caesar." Magalang na sagot ng dalawa.
Napailing nalang ako. Ang bilis niyang nakuha yung loob ng mga kapatid ko. Sabagay, gwapo kasi si Sir Caesar. Mahina sa gwapo yung dalawa kong kapatid. Ako lang ang hindi.
Buong araw ay tulog lang ako. Kakain lang, iinom ng gamot at matutulog na ulit.
The next day, umayos na ang pakiramdam ko. Nawala na yung lagnat ko. Makakapagtrabaho na rin ako.
Inaayos ko na yung mga gamit ko para makapasok na ako sa trabaho. Kinuha ko yung phone ko at wallet. Nagdala ako ng extrang tshirt. Nilagay ko na sa paperbag yung bagong labang uniform ko.
"Ate, nasa labas si Kuya Caesar." Mireya said with her sleepy voice.
"Sige na. Lalabas na ako. Don't forget to brush your teeth before going to bed. Wag masyadong late matulog at tulungan mo si Miles." Tumango naman siya at lumabas na sa kwarto namin.
Kinuha ko na yung paper bag at handbag saka na ako lumabas ng kwarto namin. Nagpaalam na ako kina Lola at sa dalawa kong kapatid at lumabas ng bahay.
Nakita ko agad ko si Caesar na nakasandal sa sasakyan niya. Nginitian ko siga at lumapit sa kanya. "New car?"
Caesar is wearing a plain white shirt and a khaki short. Mukhang hindi siya pupunta sa club. Kapag kasi may pupunta siya sa club, nakasuit siya kung office work lang gagawin. Pero kapag performance nila, nak pants ito at leather jacket na may puting tshirt sa loob.
"Yeah. I just bought it yesterday." He casually said and crossed his arms habang nakasandal parin sa pinto ng sasakyan niya.
"Iba talaga kapag bigtime. Anong model naman ngayon ang sasakyan mo." Tanong ko sa kanya at tinignan ang kotse niya.
"1969 Ford Mustang Mach 1." Sagot niya. Umalis na siya sa pagkakasandal niya sa kotse niya at pinagbukas ako ng pinto sa passenger seat.
Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa kotse niya. Nang makasakay na siya, agad niyang pinaandar at nilisan ang lugar namin.
"By the way, we need to go somewhere." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Saan? Malapit ng magbukas ang club niyan." Takang tanong ko sakanya. 30 minutes before working hours.
"You won't work for today. We'll attend a party. You are my date for tonight." He said. Party?
"What party? Atsaka bakit ngayon mo lang sinabi? Tignan mo yung suot ko." Nakasimangot na sabi ko. I heard him laughing kaya tinignan ko siya ng masama.
Don't worry about that outfit of yours. I already arranged something for you. Ikaw nalang ang hinihintay nila." I sighed in relief. Mabuti naman kung ganun.
After 10 minutes of driving, nagpark na si Caesar sa parking area at pinatay niya na ang makina ng sasakyan. Nauna siyang lumabas at lakad takbo siyang pumunta sa side ko para pagbuksan ng pinto.
"Kaya ko naman. Hindi mo na kailangang gawin yun." Sabi ko sa kanya. "I still insist. You are my girl after all. Just get used to it."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang maganda kay Caesar ay yung ganitong side niya. He pampered me with his gentleman side.
"Did I made you smile?" Tanong niya bigla at kinuha mula sa kamay ko yung handbag ko. "Yes." Sagot ko.
Iniwan ko nalang sa kotse yung paper bag tutal ay hindi ko naman kailangan ngayon.
He held my hand and guided me to the elevator. Pinindot niya ang UP button.After a few minutes ay bumukas na yung elevator. Pumasok kaming dalawa at pinindot niya ang 4th floor.
"The party will be held here later. Kaya dito ko nalang pinapunta yung mga make-up artist na mag-aayos sa iyo." Paliwanag niya. Tumango naman ako sa sinabi niya.
Kaya pala halos puno yung parking area. May party pala dito. Bumukas na yung elevator ng makarating na kami sa floor namin. Lumabas na kami at pumunta sa tapat na room ng elevator.
Kinuha niya ang card key mula sa bulsa niya and swiped it. Agad na pumasok kami sa loob at bumungad saamin ang 4 na babae.
"Ikaw na ang bahala sa kanya, Susie. Make her the most beautiful woman in the party. I'll be back later." At binigay niya ang kamay ko sa babaeng nagngangalang Susie.
Humarap saakin si Caesar at binigyan ng ngiti.
"See you later, Babe." He said at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi at naglakad na palabas ng kwarto namin.
-----------
![](https://img.wattpad.com/cover/225236863-288-k240490.jpg)
BINABASA MO ANG
BS#5: The Billionaire's Favorite Woman -COMPLETE-
General FictionHighest Rank: General Fiction: #1 I am just a waitress in The Nights Out Club. I need money kaya ako nagtatrabaho at tinitiis ang mga pangbabastos ng mga kalalakihan dahil malaki ang sweldo. However, a new Boss came and everthing has changed. But h...