Kabanata 5

22.3K 532 12
                                    

---------


TODAY is Wednesday at walang istorbo ngayon. Walang manggugulo dahil wala si Sir Caesar ngayon. Nasa ibang branch siya ng The Nights Out Club.




Simula noong pinaheram niya saakin yung shirt niya, lagi nalang niya akong dinadaldalan. Sumasama tuloy yung mga tingin ng iba kong co-waitress.




"Para saan yang malalim mong buntong-hininga?" Cecil asked. Linapit ko yung bibig ko sa tenga niya.






"Masama na yung tingin ng mga ibang katrabaho natin." I whispered.




"Kasalanan mo yan." Natatawang sabi niya. Ang ganda mo kasing bruha ka." Dagdag pa nito at nagsimula na siyang maglagay ng makeup niya.





"Kailan pa naging maganda ang mukhang ito?" Takang tanong ko at tinuro ang sarili ko.




"You are beautiful, no matter what they say. Words can't bring you down." Biglang kanta nito na ikita ngiti ko. Napailing nalang ako at umupo sa tabi niyan.




"Ikaw na ang mag-make up saakin. Ikaw na ang bahala, madam Cecil." I said in serious tone at tumawa din pagkatapos.




"I'll let you see the true beauty of your face. Lahat ng lalaki ay maaakit sa iyong angking kagandahan." She proudly said and winked at me.




"Parang ayoko nun. Kapag nakuha yung atensyon ng mga lalaki, kakamuhian ako ng mga babaeng customer natin." I shrugged.




Medyo nakakairita kasi kapag ganun. Hindi ako makapag focus kapag ganun dahil paniguradong masama ang mga tingin nila saakin




"Ngayon lang naman. Malay mo, kapag ako ang nagmake-up sayo baka maging asawa mo na yun." Aniya pa.





"Jowa nga wala, asawa pa kayang sinabi mo. Tigilan mo na yan, Cecil. May pinapain pa akong dalawang chikiting kaya pass muna ako." I just want her to stop the idea of me getting a lover.





"Sige. Sabi mo eh." She said pero siya parin ang nagmake up saakin.




After a few minutes, natapos na ang pagmamake-up na ginawa saakin. I just want it light para mabilis lang niyang gawin.



Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. It was good. "Kitams! Gumanda ka lalo girl." Pagmamalaki nito at kinuha yung phone niya.



"Ipopost ko ito sa facebook ko para kung merong gustong magpamake-up. Dagdag kita din ito." Excited na sabi nito at pinicturan ako.





"Magbihis kana. Sa locker mo na din yung bagong uniform mo." Dagdag pa nito pero nakatuon ang atensyon niya sa phone niya.





Agad na nagbihis na ako at inayos ang buhok ko. Pagpatak ng 7 pm, nagsiragsaan na ang mga tao. Pero medyo naiinis lang ako ngayon.




Some men keeps on bothering me. May humihingi ng number ko at yung iba ay pinipicturan pa ako. Parang pakiramdam ko ay may dumi sa mukha ko dahil saakin sila tumitingin.



Biglang may lumapit saakin na lalaki. Sa tantya ko, nasa early 30 ito. "Hi Miss Beautiful! Paorder naman ako ng pinakamahal na alak na meron kayo." At binigay saakin ang black credit card niya.


Isang mayamang customer ito! Yes! Malaki ang makukuha kong profit dito.




Agad na pumunta ako kay Joshua para hingin ang Armand de Brignac Midas. A champagne which cost 8 million sa club namin.




Masaya akong pumunta pabalik sa customer para ibigay yung champagne niya at resibo. "Enjoy, Sir." I said at umalis na.





Agad na pinuntahan ko si Cecil para ibalita sa kanya yung nabili saakin.





"Cecil! May nagorder saakin ng Armand de Brignac Midas!" Balita ko sa kanya.




"Talaga? Ang swerte mo naman. Itong mga nasa pwesto ko ay puro mojito, tequila o kaya ay isang bucket ng red horse." And crossed her arms.





"Sama ka saamin sa sunday. Libre kita." I said at agad naman siyang tumango.





"Salamat! Sige na, balik kana dun. Gumanda kalang, may nagorder na sayong mahal na alak." Nakasimagot na sabi niya. I chuckled and pat her shoulder at umalis na ako sa pwesto niya.




Pagtingin kong sa pwesto, i saw the guy who ordered the most expensive champagne from me. He was signaling me to come again to their couch.



"Have you seen Caesar?" Umiling ako bilang sagot.




"Tangina naman ng lalaking yun. Bomba din eh." He said to his self.




"Sige, balik kana sa trabaho mo. Tawagin kana lang namin kapag kulang na yung inumin namin." A man from behind me said at umupo dun sa lalaking nagorder saakin.



Pagtalikod ko, nauntog ako bigla sa taong biglang sumulpot sa likod ko. Nauntog ako sa matipunong katawan niya. Napahawak ako sa noo ko at tumingin sa taong nakauntog saakin.




"What the hell-" Napatigil ako sa sasabihin ko dahil si Sir Caesar pala ang nabunggo ko.





"Are you okay?" He asked and held my face using his two hand and checked every corner of my face.




"O---okay lang po ako. Pasensya na po kayo dahil nabunggo ko kayo." At agad na dumistansya sa kanya.





"It's okay. It was my fault. I'm sorry." He at umupo na siya katabi ng dalawang lalaki na kanina pa siya hinahanap.





"Oh, did you heard that Timothy? He said sorry to the girl." The one who ordered from me said.






"Yeah, I heard that. That was new." Parang naiinip na sabi ng isa pa niyang kasama.



My Boss glared at them and sat beside them.





He suddenly looked at me and mouthed 'Go back to work' Tumango naman ako at umalis na sa couch nila.





Pagkalipas ng ilang minuto, tinawag na naman ako ng mga kaibigan ni Sir Caesar.





"Another bottle of this champagne." At binigay nung isang lalaki yung credit card niya saakin. Agad ko namang kinuha yung credit card at iniwan sila.





Pagbalik ko, nagtatawanan silang tatlo at mukhang inaasar si Sir Caesar. Napatingin yung isang kasama niya saakin kaya tumigil na sila. Nilapag ko yung champagne at yung resibo.




"Marga, I forgot to introduced to you this two assholes here." Nakangiting sabi ni Sir Caesar.




"This is Timothy." Siya yung tahimik kanina noong wala pa si Sir Caesar. "And this Shan." At tinuro yung lalaking bumili saakin ng champagne. A nodded to them.





"This is Marga, a waitress here in my club." Pakilala saakin ni Sir.




"Waitress lang ba talaga?"

-------------

BS#5: The Billionaire's Favorite Woman -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon