Chapter 1

289 121 223
                                    

"Resignation letter?"

ILANG beses ako napatikhim bago ako tumango sa manager ko. Napatingin ako sa manager ko nang ibalik niya sa akin ang resignation letter ko.

"I can't accept it, Renee. You're one of the best employee we have in our company. We can't let you go, hija." sabi pa sa akin ni Sir. Palihim akong napairap. Alam ko naman na ang dami kong naiambag sa kanila pero hindi ko na kayang tagalan ang kamanyakan niya. Hija, hija pa pero kung tignan ako akala mo huhubaran na ako!

"I really need to rest Sir, I hope you'll consider and accept my resignation." sabi ko at inilagay ang buhok ko sa harapan para itakip sa dibdib ko. Litaw kasi ang cleavage ko sa uniform ko kaya't ang manyakis kong manager ay lumuluwa na naman ang mata. Hindi ko alam kung bakit bukod tangi na hapit na hapit sa katawan ko ang uniform pero pansin kong natutuwa si Sir kapag nakikita niya ako. Hindi ako sinukatan nang gawan ako ng uniform kaya natitiyak kong pakana ni Sir ang letseng uniform ko.

"Magkano ba ang gusto mong dagdag sa sweldo mo? Ako na ang bahalang magbigay sa iyo, Renee. Matagal ko naman na offer sa iyo 'yon hindi ba?" tanong ni Sir at akmang hahawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko ito. Tumingin pa siya sa akin ng makahulugan. Pilit ipinahihiwatig ang isang nakakadiring bagay.

Nginitian ko siya at tumayo habang may natitira pa kong respeto sa manyak na ito.

"Sorry Sir, I really need to go. Hindi naman ho ako mukhang pera para ipagbili ang sarili sa inyo. Sa iba niyo na lang po i-offer." sabi ko at tinalikuran na si Sir. Nabuksan ko na ang pinto pero may pahabol pa ito sa akin

"Ang kapal ng mukha mo! Kung hindi ka lang makinis at sexy hindi ka naman magtatagal sa kompanyang ito!" sigaw sa akin ni Sir kaya binigyang ko siya ng isang middle finger bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

Nakanganga lahat ng office mates ko na nakakita sa ginawa ko.  Dire-diretso naman akong naglakad dahil tapos na ang papel ko sa opisinang ito.

"GRABE ang attitude, girl! Balita ko nag-middle finger ka pa kay Sir!" tawang tawa si Ria sa ginawa ko kay Sir Manyak kanina. Deserve naman niya iyong ginawa ko. Puro kamanyakan ang alam ng bwisit na iyon!

"Nakikipag-usap ako ng maayos tapos papaandarin na naman niya kamanyakan niya. No way! Ikaw, umalis ka na nga roon! Mamaya niyan sa iyo pa i-offer ang ino-offer niya sa akin" sagot ko kay Ria bago uminom ng cocktail drink na in-order namin. Matapos ko gumawa ng eksena sa opisina sa last day ko, inaya ko si Ria at Jenine na mag-inom. Huling hirit na rin ito bago ako umuwi sa amin.

"Pero sure ka ba sa gagawin mo? Magagalit ang tatay mo kapag bumalik ka sa inyo." sabi ni Jenine. hawak niya ang baso ng iced tea na in-order niya. Hindi kasi umiinom ang lokang ito dahil mahina sa alcohol. Hindi gaya namin ni Ria. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"I need to go back, I need to do something important." Sagot ko.

Simula nang pilit akong pinaalis ng mga magulang ko sa amin ay hindi pa nila ako pinapayagang umuwi. Pinadala nila ako sa Maynila, lugar na malayong malayo sa baryong kinalakhan ko. Ginawa nila lahat para hindi ako makabalik sa baryo namin. Lahat lahat ng paraan.

Alam ko naman ang dahilan nila. Paano ko makakalimutan kung iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko na makakasama kahit kailan ang ate ko? Kahit kailan hindi ko makakalimutan iyon.

"Pero grabe sa inyo 'no? Hindi ko alam na sa ganitong panahon, nangyayari pa rin iyong alay alay thing. Creepy as hell. Paano kung iyong pag-aalayan sa iyo e matandang hukluban? Grabe iyon!" Ria freaked out. Nginitian ko lang siya at uminom muli.

"Edi jackpot! Hindi mo ba alam iyong apat na M? Matandang Mayamang Madaling Mamatay." sabi ko na ikinahagalpak ng tawa nina Ria at Jenine. Benta talaga ako lagi sa mga bruhang ito.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon