Chapter 8

147 72 61
                                    

Warning: Contains disturbing and explicit narration that may trigger the reader's imagination. Read at your own risk.




"Napakaganda mo, Kharis."

NAPANGITI ako sa sinabi ni Shantall. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Halos hindi ko makilala ang sarili ko sa naging ayos ni Shantall sa akin. Naniniwala na ako sa kapangyarihan niyang makapagpaganda ng itsura dahil kahit kailan ay hindi ko inaasahan na magiging ganito ang itsura ko.

"Narito na ang iyong sasakyan Miss, Kharis." Wika ni Martha. Buhat noon ay tumayo na ako at naglakad palabas.  Malapit nang magdilim, ibig sabihin ay nalalapit na ang oras ng aking pakikipag-isang dibdib.

Sa pagsakay ko ng sasakyan ay labis labis na emosyon ang nararamdaman ko. Kaba, takot, lungkot. Hindi ko alam kung saan ako magfo-focus. Ano bang dapat kong i-react kung magpapakasal ako sa lalaking hindi ako mahal? At hindi ba't natural lang na malungkot ako gayong sa pinakaimportanteng bahagi ng buhay ko ay wala ang mga magulang ko?

"Ayos ka lang ba, Miss Kharis?" Tanong ng driver. Nakahinto na pala kami sa harapan ng North Sanctuary. Hindi ko man lang napansin dahil sa lalim ng aking iniisip. Nginitian ko naman ang driver.

Kharis. Iyon na ang pangalan ko simula ngayon. Sa ikalawang pagkakataon ay napalitan na naman ang identidad ko. Napalitan na naman ang pagkatao ko. Bahagyang naalis ang akin ngiti. Wala naman akong naging pagtutol sa ibinigay na pangalan ni Fabian. Tutal mapapangasawa ko rin naman siya, sinunod ko na ang suhestiyon niya. Pero, sa pagpapalit ko na naman ng pangalan, parang unti unti na akong nalilito kung sino ba ako.

Si Charmaine ba? Si Renee? O si Kharis?

Mahigpit ang hawak ko sa bouquet na dala ko. Kasabay noon ang sunod sunod na pagbuntong hininga. Lahat ng lakas ng loob ay tinipon ko at sa pag-apak ko sa loob ng palasyo ay napukaw ko ang tingin ng lahat. Pero sa lahat ng tingin na iyon, may isang tingin na tila nagkulong sa mga mata ko.

Ang tingin niya.

Lumakad ako papalapit sa altar. Ramdam ko ang tingin ng bawat nilalang na naroon. Tila ba inihahatid ako. Kahit normal lamang ang lakad ko ay pakiramdam ko bumabagal ito. Tila ngdadalawang isip kung tutuloy ba o hindi. Pero hindi naman ako tumitigil hanggang marating ko ang kinatatayuan niya. Hindi naputol ang tingin naming dalawa kaya't hindi rin matigil ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala akong kahit konting pagtingin sa kaniya, pero bakit ganito ang pakiramdam ko?

Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at sa pagharap namin sa altar ay hindi niya binitawan ang kamay ko. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng lalaking nasa harapan namin ni Fabian dahil ang isip ko ay nakatuon sa kamay naming magkahawak. Ang lamig ng mga palad niya ay nagpapasa ng lamig sa katawan ko, na siyang nagdaragdag sa kaba ko.

Ilang seremonyas pa ang ginawa ng lalaki ay inihayag na nito ang aming pagiging isa. Nagulat pa ako nang tapikin ako ni Fabian dahil may sinasabi na pala sa akin ang lalaki.

"Ano po ulit iyon?" Pabulong ko pang tanong. Narinig ko ang impit na tawa ni Fabian kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hija, ang mga singsing, isuot niyo na." Pag-uulit ng lalaki.

Pinamulahan naman ako ng pisngi at napayuko habang kinukuha ang singsing na isusuot ko kay Fabian. Pinipigilan ko ang panginginig ng aking kamay habang isinusuot kay Fabian ang singsing. Subalit nagulat ako nang alalayan ni Fabian ang kamay ko hanggang sa tuluyan kong maisuot sa daliri niya ang singsing.

Hindi niya na binitawan ang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa naisuot niya sa daliri ako ang singsing.

"Master Fabian and Lady Kharis, I now pronounce you, husband and wife..."

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon