Chapter 6

165 82 55
                                    

HE was taken aback with that question. Hindi sya sumagot, pero hindi rin siya nagpakita ng kahit anong reaksyong maaari kong pagkuhanan ng sagot. He remained silent without expression.

"Ikaw ba?" Tanong ko.

"Never speak of that name ever again, if you want to keep your throat in place." Madilim na madilim ang mukha nito nang ibaba ang wine glass sa side table. Walang sabi sabi ay dumiretso ito sa balcony at tumalon.

Kahit nagulat sa ginawa niya ay tumayo ako para isara ang pinto papuntang balcony. Isinara ko rin lahat ng maaari niyang pasukan sa kwarto.

Hindi siya sumagot sa tanong ko.

So I need to proceed to plan B.

MAS maaga na akong dumulog sa hapag kainan. Nakakahiya kasi sa kanila na ako lagi ang hinihintay kapag kakain na. Kasunod kong dumating si Silvano at ang isa pang lalaki na nakatingin sa akin. Katulad ni Fabian ay nakakatakot ito tumingin.

"Goodmorning Charm!" Bati ni Silvano kaya nginitian ko siya.

"By the way, this is Kuya Marco the Third oldest son." Pakilala ni Silvano sa lalaking katabi niya. Hindi siya nito pinansin at nag-cellphone lang. Mukhang hindi ito interesado na makipagkilala sa akin.

Pamaya-maya pa ay dumating na rin ang isa pang lalaki kasabay ni Crusita at Clemente. Si Crusita ay umiikot na naman ang mata nang mapatingin sa akin.

"This is Kuya Leandro. The Second oldest son." Nakangiting sabi ni Silvano. Pero katulad ni Marco, mukhang hindi rin ito interesado. Bakit ang susungit ata ng mga tao rito?

"Hay nako ang sungit niyo naman kay Charm! Para namang hindi pa siya magiging miyembro ng pamilya kapag naikasal na sila ni Kuya Fabian ah?" May pagmamaktol na sabi ni Silvano. Ngumuso pa ito na parang bata.

"You don't need to be too loud. Nasa harap ka ng hapag kainan." Sabi ni Leandro bago bumaling sa akin. "Nice to meet you, Charm." Dugtong nito. Saglit lamang ako nito tinignan at nag-iwas na ng tingin.

"The Grand Master and the First Lady are here." Sabi ng maid na siyang taga-anunsiyo ng mga dumarating sa dining hall.

Tumayo silang lahat kaya't pati ako ay napatayo. Kasabay noon ay ang pagpasok ni Grand Master at ng asawa nito. Nang makaupo ang mag-asawa ay naupo na rin kami. Matapos iyon ay nag-serve na ng pagkain ang mga maid.

"You're early, Charmaine. How are you?" Tanong ng Grand Master sa akin.

"Ayos lang po ako." Sagot ko. Nahagip naman ng mata ko ang pagtingin sa akin ng asawa ng Grand Master. Katulad ni Marco, hindi rin ako nito pinapansin. Patingin-tingin lang.

"Sabi ng mga maid hindi ka raw natutulog sa kwarto ninyo ni Fabian? Is it true hija? Hindi ka ba niya pinapayagan na matulog sa kwarto niya? At bakit ba wala na naman siya ngayon?" Halos masamid ako sa sunod-sunod na tanong ni Grand Master. Daig pa nito ang imbestigador sa dami ng tanong! Ito pala ang dahilan kung bakit sinuhulan ako ni Fabian!

"Grand Master, ano po—"

"The First Heir is here, Grand Master." para akong sinagip nang maid nang bigla siyang magsalita. Buhat noon ay pumasok sa dining hall si Fabian.

Halatang nagulat ang lahat nang makita siya pero parang wala lang ito sa kaniya at dire-diretso lang sa upuan niyang katabi ng sa akin. Humalik pa siya sa pisngi ko na ikinatulala ko.

"Good Morning Dad, Minerva." Bati nito sa Grand Master at sa asawa nito. I see, Minerva ang pangalan ng asawa ni Alessandro.

Napansin ko ang bahagyang pagtawa ni Marco. Para itong nanunuya at hindi nagustuhan ang pagdating ni Fabian. Siniko naman siya ni Silvano na nakatingin sa gawi namin.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon