Chapter 13

95 29 48
                                    

"Just think about hitting two birds with one stone. You will reveal the truth about Yvette and my past wives and I will secure the throne."

MATAGAL kong tinignan si Fabian. Seryoso siya sa sinasabi niya. Para bang planado na niya lahat ng mangyayari kung makapagsalita siya.
I can't doubt, he's making a deal with me.

"You will help me? To know what really happened to Yvette? But you told me I should never speak of her name again." I asked. Hindi ako makapaniwala. He's talking as if it's a piece of candy.

"That's the best way to keep you with me. I know na hindi kita makukuha without a deal. Pinigilan na kita noon. I told you, you shouldn't be talking about that girl, pero masyadong matigas ang ulo mo. So let's just have a deal." sagot niya.

"You need a child." sabi ko. He smirked.

"Hindi ko na sana isisingit iyan. Pero we can make a child right here right now if you want." wika ni Fabian kasabay ng isang nakakalokong ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero kinindatan niya ako. Bastos ng isip nito!

"I don't want to do it with a man I do not love." sagot ko at medyo lumayo sa kaniya. Akala ba niya gusto kong gawin iyon kasama siya? Neknek niya!

"Kahit na we're married and it is your responsibility as my wife?" He lifted his brows as if he's innocently asking. Nakakainis!

"K-kahit na kasal tayo. I will not do it unless I love you, na hindi naman mangyayari so shut up." I said. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil nakakainis ang tingin niya. Pinagtatawanan niya ako!

"Kharis, you're confusing me. You're making a deal with me pero ganiyan ka. Honey, I know how smart you are. But we can't have a child without love making just so you know." Fabian is laughing a little. Naramdaman ko namang nag-init ang mga pisngi ko. Of course Kharis, hindi ka mabubuntis ng walang sex! Mag-isip ka nga! Pa-virgin ka?!

"Edi gumawa ng ibang paraan!" I hissed. I know I'm not making any sense pero ayaw kong magpatalo sa usapan sa lalaking ito.

Natawa ito lalo at napailing. Lumapit siya sa akin at yumuko upang magkatapat nag mga mukha namin. Hindi ko na nagawang umatras dahil para akong napako sa kinatatayuan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Ano ba Kharis! Just push him away!

"Ang tigas talaga ng ulo mo, 'no?" napapikit ako nang pitikin niya ang noo ko. "Don't worry wife. Ako na ang bahala. I'll make sure you'll love me."

Umayos na siya ng pagkatayo at tinalikuran ako. He said I'm confusing pero ako naman ang nako-confuse sa kaniya. Bakit ba niya ako ginaganito?

"Kapag ba minahal kita, mamahalin mo ako?" I asked. I've been asking him this before pero wala pa rin siyang sagot. Iniiwan niya lang ako sa ere, with my heart beating so fast.

Kaya kong isakripisyo ang lahat kung kinakailangan para sa ate ko. Pero ang puso ko? I doubt. Takot akong masaktan ng katotohanan, kaya gusto ko ng assurance bago sumugal. Ayaw ko nang hindi ko alam ang maaaring mangyari. Ayaw kong pagsisihan ko ang desisyon ko. Pero kung sa katulad ni Fabian ako tataya? Hindi ko na alam.

"You need to figure it out. Practice your problem solving skills because we will need that in the future, Mrs. Renee Monteriego." sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

What the hell? Bakit alam niya?

"Shocked?" he smirked.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"A college graduate who is able to escape the tradition for 6 years? This is a small world for us, wife. You're underestimating my capabilities as an heir and as your husband. Sa tingin mo, I will talk to you in English if I know that you are uneducated?" tanong niya at ngumiti sa akin.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon