Chapter 9

132 55 134
                                    

NAPAMULAT ako ng mata. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Kwarto namin ito ni Fabian. Subalit hindi katulad ng dati ay isang king size bed na ang hinihigaan ko. Wala na ang dalawang kama sa kwarto.

"Lady Kharis, gising na po pala kayo."

Napatingin ako kay Martha na nakaupo sa upuan malapit sa higaan ko. May pag-aalala sa mukha nito.

Ang kasal. Si Leila. Ang amoy ng dugo at laman.

"Gaano na ako katagal na natutulog? Anong nangyari sa akin?" Tanong ko kay Martha.

"Mag-iisang araw pa lamang po, Lady Kharis. Nawalan po kayo ng malay kahapon habang kasalukuyang nagkakasiyahan ang lahat. Huwag po kayong mag-alala sapagkat natignan na kayo ni Dr. Lionel, sa sobrang pagod lang po ninyo kaya kayo hinimatay" Magalang na tugon ni Martha.

Napahawak ako sa ulo ko na bigla na namang kumirot. Nang magbalik sa aking isipan ang mga nangyari ay para na naman akong maiiyak. Kalunos lunos na pangyayari ang nasaksihan ko sa araw pa mismo ng kasal ko.

Napasapo ako sa mukha ko. Kumawala mula sa aking mga mata ang matinding sakit. Namatay sila Leila sa harap ko. Wala akong ideya sa kung ano ang nangyari kay Ate. At heto ako ngayon, kasal na sa isang halimaw. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na rin alam kung ngayong naikasal na ako sa lalaking iyon ay makakawala pa ba ako rito? Kulang ang lakas ng loob ko para makipaglaban sa mga halimaw na ito.

Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Lulan noon ang isang pamilyar na mukha. Napabangon ako, mahigpit ang kapit sa telang na nakakumot sa akin. Buhat noon ay lumabas si Martha sa kwarto at iniwan kaming dalawa ng bagong dating.

"You're awake." Wika ni Fabian na hindi lumalapit sa akin. Napatingin ito sa kamay kong mahigpit ang hawak sa kumot. Napabuntong hininga ito at akmang lalapit sa akin.

"Stay away." Pigil ko sa kaniya kaya't napahinto siya.

"Kharis stop being childish. This is not a drama movie." Sabi niya.

"Hindi ako childish. Ano'ng ie-expect mong magiging reaksyon ko matapos ang nangyari?" Balik ko sa kaniya.

"Are you afraid of me?" Tanong niya sa akin. Seryosong seryoso ang tingin nito na para bang tumatagos sa akin.

Hindi ako nakasagot sa kaniya. Oo at napupuno ng galit ang puso ko dahil sa mga kahayupang ginagawa nila, pero hindi ko maialis sa sarili ko ang takot. Lalo pa at alam kong wala akong magiging laban sa kung ano man ang gawin nila sa akin.

"I am." sagot ko at nag-iwas ng tingin. I hate myself for being an inferior part of this place. Wala akong laban sa kanila. I should have thought about it bago ako bumalik sa baryo.

Pero hindi ko naman alam na mga bampira pala sila!

"Royal Clan is restricted from eating human flesh," wika ni Fabian.

"Can't you trust me that I will not do anything to harm you?" Hindi ako sumagot sa tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dapat ay galit na ako sa lalaking ito dahil sa ginawa ng pamilya niya. Pero tuwing nanaisin kong magalit ay lagi kong naaalala ang gabi na inalagaan ko siya. Noong lasing na lasing siya't natutulog. Para bang ibang tao siya.  But I can't let my guards down.

Napabuntong hininga si Fabian.

"Just trust me, and I'll keep you safe. Don't be so stubborn, Kharis." Wika niya.

"Lumabas ka na. Para maisara ko na ang pinto." Sabi ko lang. Pinag-iisipan ko pa ang mga gagawin ko. Kailangan ko ng kongkretong plano.

Tumingin ako sandali sa bintana at mukhang tama ngang halos isang buong araw akong walang malay dahil sa pagtanaw ko sa bintana ay mukhang gabi na naman.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon