Chapter 3

228 113 167
                                    

"Ang bawat anak na babae ng mga mamamayan sa baryo na ito ang nagsisilbing alay at kabayaran ng baryo sa malaking pagkakautang sa mga Monteriego. Walang kahit kaninong anak ang ligtas.

Sa oras na tumuntong sa labing walong taong gulang ang anak nilang babae ay nakatakda na silang kuhanin upang dalhin sa mga Monteriego bilang maging asawa. Pero hindi sila dinadala roon para bigyan ng magandang buhay.

Nag-alaga ako dati ng isang babaeng nakatakas sa kamay ng mga Monteriego. Kalunos lunos ang itsura niya. Tuyong tuyo ang katawan niya at sobrang putla. Mukhang maraming dugo ang nawala sa kaniya. Dulot iyon ng sugat sa kaniyang leeg na gawa raw ng isang Monteriego na ginamit siya bilang parausan. Pinawian din ng buhay ang babae isang araw matapos siyang makatakas.

Doon ko napagtanto na hindi lahat ng babaeng dinadala roon ay ginagawang asawa ng isang Monteriego. Ang hindi nila matipuhan bilang asawa ay ginagawa nilang parausan—at pinapatay."

NAPATINGIN ako sa babaeng nahihimbing sa kabilang higaan. Alam niya ang tungkol sa pagiging parausan at pagiging asawa pero bakit hindi sinabi sa akin ni Crusita iyon? At bakit may alam ang babaeng ito?

Kung totoo ang kwento ng sinasabi ni Inay na babaeng inalagaan niya, maari kayang ganoon din ang sinapit ni Ate Mariel? Labing tatlong taon na siyang wala. At wala kaming kaalam alam sa nangyari sa kaniya. Naging asawa ba siya ng isang Monteriego? O baka naman—

Napailing ako sa naiisip ko. Ayaw kong mag-isip ng kung anong bagay pero kung nagkataon na may masamang nangyari sa ate ko ay hindi ko sila mapapatawad.

"NGAYON ang araw ng pagpili kung sino ang magiging bagong asawa ng susunod na Grand Master. Swerte ka at nakahabol ka. Galingan mo sa pag-aayos. Ayaw kong manalo ng walang kalaban." kinindatan pa ako ni Leila bago ako lumabas ng kwarto.

Ngayong araw mismo? Kaya ba agad agad nila ako kinuha para maisabay ako sa pilian? Nakakapagtakha ang bilis ng mga pangyayari. Bakit?

Hapon nang matapos ako sa test na ginawa sa akin. Wala naman itong pinagkaiba sa normal na medical test na ginagawa ko sa Maynila pero ang nakapagtatakha ay kung bakit unang una sa listahan ng ginawa nila ay ang pag-alam kung mayroon ba akong history ng naging sakit sa balat at lalong lalo na, kung virgin pa ba ako. Big deal sa kanila kung puro ang babaeng iaalay nila sa mga halimaw na Monteriego bilang parausan? Nakakatawa.

Kaya pala bata pa lang ako ay ayaw na ng baryo na may lalapit sa aming babae na kahit sinong kaedad naming lalaki. Hindi rin pumapayag na madapuan kami ng kahit anong sakit, lalo na kung sakit sa balat. Ito pala ang dahilan.

"Ito ang isuot mo mamayang gabi. Mag-ayos ka." sabi ni Crusita at inabot sa akin ang isang paper bag na kulay itim. Tumango lang ako sa kaniya at pumasok na muli sa kwarto ko.

Katulad din ng kay Leila ang ibinigay na damit sa akin. Sa paper bag ay mayroon ding make-up at iba pang kolorete na pwedeng gamitin. Gamitin para makaakit ng lalaki? Nakakatawa na sa buong buhay ko umiwas ako sa kahit sinong lalaki, knowing sa pang-aakit lang din pala ng lalaki ang bagsak ko.

Nagsimula akong mag-ayos. Kung isa itong kompetisyon, kailangan na ako ang manalo. Para mahanap ko ang Ate Mariel ko.

"Ang ganda mo." sabi ni Leila na nakangiti sa akin.

"Ang ganda mo rin." sagot ko sa kaniya at napilitang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit siya nagiging mabait sa akin kahit dapat ay hindi niya ako kausapin dahil kaagaw niya ako sa magaganap na pagpili.

Pero kung alam talaga ng babaeng ito ang nangyayari sa pilian na iyon, ano kayang mararamdaman niya? Magkakaroon din ba siya ng kaba katulad ko? Paano kung wala sa aming dalawa ngayon ang mapili? Isinugal ko ang sarili ko para mahanap si ate. Pero kung dito pa lang ay matatalo na ako, paano ko pa makikita ang ate ko?

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon