Chapter 10

111 49 78
                                    

"Ate? Ano'ng gusto mo sa isang lalaki kung sakaling mag-aasawa ka na?"

Ngumiti si Mariel sa tanong ng kapatid habang iniisip ang isasagot dito. Bilang isang babaeng wala namang pinag-aralan at hindi hamak na kapos sa buhay, ano bang dapat niyang hangarin?

Matiyaga namang naghihintay si Charmaine sa sagot ng ate niya. Nagkakaroon kasi siya ng mga tanong dahil ang mga ikinukuwento sa kaniya ng kaniyang ate ay puro nagtatapos sa isang masayang kasal.

"Simple lang naman ang gusto ko, Charm. Gusto ko ng lalaking mamahalin ako ng sobra. At hindi na maghahangad pa ng ibang babae maliban sa akin." Sagot ni Mariel. Ngumiti si Charm.

Simula noon, ang prinsipyo ng ate niya na ang kaniyang pinanghawakan. Sa murang edad ay nangarap na rin siya, na kung dumating man ang panahon, sana ay siya lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ng lalaking itinadhana para sa kaniya...

-

CHAPTER 10

"Mariel Cruz is Yvette Monteriego. The 99th lady of your husband."

HINDI ako makagalaw sa sinabi ni Marco. Para akong nabingi. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko.

I knew it. Noong iniisip ko pa lang ang mga posibilidad, ang mga koneksiyon, alam ko nang maaari iyon. Pero bakit ang sakit? Bakit ganito ang kinahinatnan ng ate ko?

"Simple lang naman ang gusto ko, Charm. Gusto ko ng lalaking mamahalin ako ng sobra. At hindi na maghahangad pa ng ibang babae maliban sa akin."

Siya ang ika-siyamnapu't siyam. Ako ang ika-isandaan. Ang pagkakataon, bakit ganito kami pinaglaruan? Ang gusto lang naman ni ate ay lalaking siya lang ang mamahalin, pero bakit siya binigyan ng isang lalaki na mayroong ganoon karaming asawa?

At ako, ikinasal din ako sa parehong lalaki na pinakasalan ng ate ko.

Ang lalaking dahilan kung bakit wala siya rito.

Labing tatlong taon na ang nakalipas. Labing tatlong taon nang nakakulong si ate rito. Sobrang tagal na panahon ang pinagdaanan niya bago ko malaman ang lahat. Wala man lamang ako sa mga panahong umiiyak siya o nasasaktan siya. Wala ako sa tabi niya para damayan siya.

Dito, dito siya nakulong sa paligid ng mga halimaw na ginawa lang siyang laruan!

"She has been a good wife to your husband." Tinignan ko si Marco. Hilam ang aking mata sa luha subalit ang matinding poot ay namumuo. Hindi lang kay Fabian, kung hindi sa kanilang lahat. Mga walanghiya silang lahat!

"Nasaan ang ate ko?" Tanong ko kay Marco.

"Hindi ko alam." Sagot niya at nagliwas ng tingin. Nayukom ko ang kamao ko. Nanginginig ang mga tuhod ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod siya ng suntok.

"Nasaan na ang ate ko?! Ilabas ninyo ang ate ko!" Sigaw ko na may kahalong impit na iyak. Ibinuhos ko lahat ng lakas ko subalit sadyang mas malakas siya at nagawa niyang pigilan ang mga kamay ko.

"Fuck! Hindi ko alam Kharis! Hindi ko alam so stop!" Mahigpit na hinawakan ni Marco ang mga braso ko. Magkasabay na sumasakit ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman at ang mga braso kong hawak ni Marco.

"Alam kong alam mo! Sabihin mo sa akin!" Iyak ko.

"I said, I don't fucking know!" Bulyaw ni Marco sa akin. Sobrang higpit ng hawak niya sa mga braso na akala mo ay babaliin niya ito. Sobrang sakit!

Bigla naman ay mayroong humila sa akin kasabay ng pagtulak nito kay Marco.

Si Leandro.

"Let's go." Saad ni Leandro at hinila na ako palayo kay Marco. Nagpatianod lamang ako sa hitak niya, pilit nilalabanan ang panlalambot.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon