Chapter 15

57 17 74
                                    

MADILIM ang paligid. Subalit nakaririnig ako ng kaluskos. Ano iyon? Bakal? Tila ito hinihila at gumagasgas sa bato. Nakaliliyo. Ang sakit sa tainga.

"Parang awa mo na. Tama na. Patawarin mo ako."

Napalingon ako nang marinig si ate. Subalit napakadilim. Wala akong makita!

"Dalhin niyo ang babaeng iyan. Itapon niyo o kahit ano pa man. Ialis niyo siya rito!"

Napalingon ako sa kabilang banda. Hindi ko maalala kung kanino ang boses na iyon subalit puno ng galit ang boses nito.

"Tulong..."

"Ano pang hinihintay niyo? Patayin niyo na iyan!"

Narinig ko ang pag-iyak ni ate. Umiikot ang tunog sa paligid ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses niya!

"Tulungan mo ako..."

Tumakbo ako patungo sa boses. Subalit walang nangyayari. Wala pa ring kahit ano.

"Tulungan mo ako Charmaine.."

Nasaan siya? Nasaan ang ate ko?!

"Tulungan mo ako!"

NAPABALIKWAS ako ng bangon. Habol ang hininga, hilam ng luha ang mga mata. Isang panaginip ang lahat. Ang paghingi ng tulong ni ate, ang mga boses na hindi ko makilala. Bakit ko iyon napaginipan?

Napapikit ako sa biglang pagsakit ng ulo ko. Doon ko lang napansin ang nakakabit na mga aparato sa kamay ko. Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang kwarto namin ni Fabian. Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito?

"You're awake," bungad ni Dr. Lionel sa akin. Seryosong seryoso ang mukha nito na lumapit sa akin at tinignan ang mga aparato na nakakabit sa akin.

"You passed out and almost hit your head on the ground. Buti na lang at napigilan ni Fabian ang pagbagok ng ulo mo. You almost died Kharis! My goodness." Wika niya. Ang huling naaalala ko lang ay para akong hinihila palapit sa rehas kung nasaan ang babaeng kaboses ni ate. Para akong nahipnotismo sa ginawa niya.

"Anong nangyari sa akin? Anong klaseng bampira iyon? Hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan ang babaeng iyon. Para akong wala sa sarili. At narinig ko sa kaniya ang boses ni ate." Pagkukwento ko. Dahil doon ay kumuha ng upuan si Dr. Lionel at naupo sa gilid ng kama kung nasaan ako.

"That is her skill. She can read and control minds and emotions. More than that, she can shape shift to play with other's weakness. Kaya siya doon ikinulong to contain her skill that is very dangerous. She is a Shape Shifter." Wika ni Dr. Lionel. "Anong sinabi niya sa iyo? Saan ka niya hinawakan?" Tanong pa niya.

"Sabi niya, alam niya ang nangyari kay ate. Na ipapakita niya sa akin ang gusto kong malaman. Nung hinawakan ko na siya sa kamay ay hindi ko na alam ang nangyari." Sabi ko.

"She can't show you what happened to other person's lives. Ang kaya niyang gawin ay makita ang nakaraan ng kahit sinong mahawakan niya. And by holding you, she now knows your identity even before you are born. You should've listened to your husband na huwag lalapit sa kahit ano. You're being so stubborn," Dr. Lionel explained. She looks tensed. Anong problema?

"Wala naman akong dapat ikatakot hindi ba? Wala siyang makukuhang kahit ano sa akin. I'm a human and I am not from here. Sinabi na sa akin ni Fabian ang nangyayari sa pagpili ng Bride. Me and Yvette is not from this place." Sabi ko na tinitignan ang magiging reaksyon niya. Sandaling natahimik si Dr. Lionel sa sinabi ko at saglit pa ay napabuntong hininga.

"You're right. There is nothing to worry about." Pilit niya akong binigyan ng isang ngiti. Pero kahit anong ngiti ang ipakita niya ay hindi niya ako makukumbinsi.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon