Chapter 7

146 72 68
                                    

GALERIA Monteriego... Ezrabal... Yvette...

Nakatulala ako sa kawalan habang naglalaro sa isip ko ang mga impormasyong nalaman ko. Sino si Yvette? Sino ang mga Ezrabal? Bakit tinalikuran ng Monteriego ang buong angkan ng mga normal na bampira? Anong laman ng Galeria Monteriego?

Sobrang dami nang tanong sa isip ko pero wala akong mapagkuhanan ng sagot. Parang padagdag lang ng padagdag. Sobrang ilap ng mga sagot sa akin. Kasing ilap ng mga kasama ko rito sa kulungang ito.

Simula nang dumating ako rito ay wala man lang kakaiba. Para lang din akong nakatira sa isang normal na bahay kasama ang isang normal na pamilya.

Akala ko ba bampira sila? Bakit ganito? Anong pagpapanggap ba ang ginagawa nila?

Napatingin ako nang bumukas ang pinto. Pumasok sa loob ng kwarto ni Martha, kasunod ni Crusita. Umayos ako ng upo nang umupo ito sa katapat kong upuan.

"Pinatatanong ni Clemente kung may napili ka na bang pangalan, Miss Charmaine." Nakangiti si Crusita sa akin. Ngiti na akala mo ay talagang sincere siya sa pagtatanong. Plastic.

"Hindi ko naman alam kung anong pangalan ang dapat kong gamitin. Napakamakaluma ng pangalang nakasulat sa librong ibinigay sa akin ni Clemente at hindi ko maintindihan ang mga letra." sagot ko. Tumawa siya na parang nang-aasar dahil dito. Tawa ng isang bruha. Nakakairita.

"Ang hirap ng walang alam 'no? Hindi mo ba naintindihan ang nakasulat sa libro? Patingin nga." Ngumiti na naman ito at kinuha ang librong nakapatong lang sa lamesa. Binuklat niya iyon na parang naghahanap talaga ng pangalan. Pero bigla niya ring isinara ang libro at ibinalik sa lamesa.

"Naiintindihan na kita. Wala ka pang napipili dahil, wala nga namang pangalan ang nababagay sa iyo na galing sa libro na iyan. Bakit? Masyado ka kasing ma-papel at hindi marunong lumugar." Sabi niya. Napairap ako sa kagarapalan ng ugali ng babaeng ito.

"Masyadong mainit ang dugo mo sa akin 'no? Bakit? Dahil ako ang napiling Bride at hindi ikaw?" Sagot ko, giving her a smirk. Nakita ko namang napikon siya sa sinabi ko. Akala ba niya hindi ko napansin una pa lang ang pagtingin niya sa First Heir? At alam ko ring may alam siya kay Ate Mariel. Katulad ni Fabian na hindi sumagot sa tanong ko, alam kong maging si Crusita ay may alam. O sa madaling sabi, lahat ng miyembro ng pamilyang ito ay may alam.

"Hindi ako kagaya ng mga babaeng kinaya-kaya mong apihin, Crusita. At kung mayroon mang kailangan matutong lumugar sa palasyong ito, ikaw iyon. Dahil ako, ako ang pinili." Nginitian ko siya.

"Watch your words, human. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin sa iyo." Sambit niya. Buhat noon ay nag-iba ang kulay ng mga mata niya.

Tumayo siya at lumabas na ng kwarto subalit nanatili sa loob si Martha at nakayuko.

HINDI katulad ng dati, kami lang ni Silvano at Leandro ang magkakasabay na naghapunan. Mayroon daw kasing mahahalagang inaasikaso ang iba pang miyembro ng pamilya maging sila Clemente.

Kahit tatatlo lang kaming kumakain, sobrang dami pa rin ng inihanda ng nga maid na para bang napakarami namin. Naunang matapos si Leandro at dali dali ring umalis. Ni hindi man lang ako nito kinibo. Ano ba talaga ako sa pamilyang ito? Hangin?

"Pagpasensyahan mo na ang mga iyon. Ganoon talaga sila lalo na at hindi ka pa opisyal na miyembro ng pamilya." Sabi ni Silvano habang magkasabay kaming naglalakad. Nang matapos kumain ay nagpresinta siya na ihatid ako sa kwarto namin ni Fabian. Nasa ikatlong palapag din kasi ito.

"Magbabago ba ang pakikitungo nila sa akin kapag naging miyembro na ako ng Monteriego?" Tanong ko.

"Oo naman. Kapag Monteriego ka na, mas lalo ka pang pahahalagahan sa palasyong ito, malayong malayo sa turing nila sa iyo ngayon." Paniniguro ni Silvano.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon