Chapter 2

240 121 141
                                    

"Pagpasensyahan mo na ang Tatay mo, Charm."

Nginitian ko si Inay na tinutulungan akong mag-ayos ng gamit. Buhat nang dumating ako'y hindi na ako pinansin ng tatay ko. Sigurado akong masama ang loob nito sa pagbalik ko. Nang maayos ang gamit ay tinawagan ko na si Tito Kris upang ibalita ang pag-uwi ko. Maging si tito ay nagalit subalit kalaunan ay hinayaan na lamang ako.

Hapunan, wala pa rin kaming kibuan ni Itay. Tahimik lang itong kumakain at hindi ako pinapansin. Pinakikiramdaman ko siya subalit parang wala talaga siyang balak na kausapin ako dahil sa ginawa ko.

"Bukas ng umaga, ipasusundo kita kay Kristoffer. Umuwi ka na sa Maynila." seryosong saad ni Itay na marahang nilapag ang kubyertos sa plato. Tapos na itong kumain.

"Itay. Naka-vacation leave po ako. Kailangan ko lang ng lugar na mapagpapahingahan. At isa pa, ang tagal ko na kayong hindi nakakasama." sagot ko. Lalo lang magagalit si Itay sa akin kapag nalaman niyang nag-resign ako sa trabaho para umuwi, gayong wala silang nalalaman sa plano kong gawin.

"Sa ibang lugar ka magbakasyon. At sa oras na umalis ka sa baryong ito, huwag na huwag ka na ulit babalik." giit ni Itay. Nakayukom na ang kamay nito.

"Hindi ko ho gagawin iyon." sagot ko na tuloy lamang sa pagkain.

"Charmaine!" bulyaw ni Itay na ikinagulat naming dalawa ng nanay ko.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin bago ako tumingin muli sa aking ama.

"Renee Garcia po ang pangalan ko, Tito. Anak po ako ni Daddy Kris kaya kung gusto kong dumalaw dito sa inyo ay walang problema sa Daddy ko." sagot ko bago tumayo at umalis sa hapag kainan.

Papasok na ako sa kwarto ko nang may kumatok sa pinto. Mula sa bintana ay tanaw ko ang sasakyang nakahinto sa harap ng bahay namin. Dali akong lumapit sa pinto nang umulit ang katok. Bahagya ko itong binuksan at tumambad sa akin ang mukha ng isang pamilyar na lalaki. Napangisi ito nang mapagsino ako.

"Nakauwi ka na pala, Charmaine."

MAGKAKAHARAP kami ng mga magulang ko at ilang opisyal na namumuno sa baryo namin. Nang makita nila ako ay kaagad kaming isinamang pamilya papunta sa opisina ng baryo. Katulad ng mga magulang ko, gulat din ang bumalatay sa mukha ng mga taong nasa opisina nang makita ako. Parang hindi makapaniwala.

"Hindi mo sinabi sa amin na buhay na buhay at dalaga na pala ang bunso mo, Ka Domeng." wika ng lalaking sumundo sa amin bago inabutan ng kape ang mga magulang ko. Akmang aabutan din niya ako ng kape subalit pinigil ko ito ng kamay ko kaya't inilapag na lamang niya ito sa lamesa.

"Hindi ko akalain na ang mga katulad ninyong walang pinag-aralan ay makukuhang bumaligtad sa baryo na ito, at higit sa lahat sa mga Monteriego." sabi pa ng babaeng nagkakalkal ng mga papel sa drawer.

Napabuntong hininga ang tatay ko at humigop ng kape.

"Anak siya ng kaibigan kong taga Maynila. Narito lamang siya upang personal kaming kumustahin at bukas na bukas ay aalis na rin siya." sagot ni Itay. Nagtawanan naman ang mga tanod sa narinig.

"Maglolokohan pa ba tayo dito Ka Domeng? Nanang Carissa? Hindi ninyo kami mapapaniwala gayong kitang kita namin ng malinaw ang pagkakahawig ng Renee Garcia na sinasabi ninyo sa anak niyong si Charmaine!" sagot pa ng lalaki.

"Hindi siya kasama sa tradisyon dahil hindi ko siya anak." giit ni Itay. Buhat noon ay padabog na tumayo ang lalaki at hinigit ang kuwelyo ng damit ni tatay. Puno ng galit at pagtitimpi ang lalaki.

"Alam mo ang tradisyon Domeng. Hindi mo maitatakas ang anak mo rito. Anim na taon, Ka Domeng. Anim na taon nang delayed ang anak mo sa tradisyon. Alam mo ba kung anong sakripisyo ang ginawa namin dahil lang itinago mo ang anak mo?" gigil na sabi ng lalaki bago nito itulak si itay. Wala naman magawa ang nanay kong umiiyak lang sa tabi ko.

[ON-HOLD] 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐀𝐒𝐓 [ #Mus-alonlymAward20 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon